Chapter II

128 13 3
                                    

"Boundaries aren't the reasons, pride is and actually - the hardest to break."


Gabby's POV


Halos mag-te-ten o'clock na ng magising ako. Baka nga kung hindi pa nag-ring yung phone ko dahil sa email mula sa school about sa confirmation ng schedule ay hindi pa ako magigising. Pupunta akong TIU ngayon. Medyo late na nga lang dahil late nga akong nagising kasi late din naman akong natulog. Nothing's really new.

Paglabas ko ng kwarto, kagaya kahapon, walang tao. Napairap ako. May kasama ba talaga ako? Psh.

Nagpunta akong kitchen counter para tignan kung may pagkain and thankfully, meron naman. Pagluluto kasi ang isang bagay na pinaka-hate kong gawain sa bahay. Swear. Kaya kong maglinis ng bahay, huwag lang ang pagluluto. Thanks to Daniella's skills and love for cooking narin dahil kahit papano ay ipinagluluto niya kami. Well, ako lang pala ata since mukha namang hindi nagalaw 'tong pagkain.

Remind me again why do we despise each other? Psh.

Sa totoo lang, hindi ko din alam. Bigla nalang isang araw, I saw them with their kaniya kaniyang friends... and life... tapos wala na kami sa utak at puso ng isa't isa. Just that.


Ganoon naman talaga sa buhay. May mawawala, may darating tapos di kalaunan, mawawala rin. It's a cycle. At nakakatawang nangyari samin yun despite of us being related by blood. But who cares. Psh.


Pagbaba ko ng condo, napapadyak ako kasi naiwan ko yung susi ng kotse ko. Ginagawa pa naman yung mga elevators.

"I'll take a bus." Napabuntong hininga ako.

Ayun! Naghahanap ng pwestong mauupuan ang mga mata ko ng may nakita akong tumayo sa may likuran kaya nagsimula na akong maglakad papunta roon ng mabangga ako ng lalaking nakahood sa balikat. "Ouch." Dahil sa pagbangga niya, napahinto ako dahilan para matapakan ng tao sa likuran ko yung sakong ko kaya muntik akong madapa. Asar ha. Ni hindi manlang siya nagsorry o kahit lingon lang. Wala na ba talagang gentleman sa panahon ngayon? Lahat nalang ng lalaki ganyan. Psh.


Pagkatapos magbus, naglakad pa ako ng mga limang minuto bago makarating ng gate 1.

"Oh my gosh." I whispered in shock ng makita ko kung sino ang lalaking kakapasok lang ng gate. It's Zeke. So it's true. Dito na nga siya papasok.

Okey Gabby relax. Ano ba naman kung dito siya mag-aaral diba ? Ang lawak lawak ng Talton International University at malabong magkita kayo dahil magkaiba naman kayo ng degree program diba? Kalma okey? Halika na.

Tapos ay kinaladkad ko na ang sarili ko papasok.

"Shet!" Gulat na gulat kong sabi ng iniwasan ko ang muntik na pagbanggaan namin ni Zeke. Ba't kasi andito pa siya eh kanina pa nga siya nakapasok!

Pinulot naman niya yung nabitawan kong portfolio na balak kong ipasa sa arts club kasi registered lang naman ako, hindi pa official hangga't walang samples.

"Gabriele." Iniabot niya sakin yun saka ako tinignan. "Sorry."

Biglang nanikip ang dibdib ko. Yung pagkakasabi niya kasi ng sorry, parang sincere at parang yun yung sorry na sinasabi lang kapag mabigat ang kasalanan.

"Sorry san? Sa pagbangga mo sakin o sa ginawa mo dati?" Hindi ko na napigilan ang bibig ko. Oo, inaamin ko, hanggang ngayon kasi masakit pa. Hanggang ngayon magulo pa. Wala naman kasi siyang sinabi at sinasabi at di ko alam kung may sasabihin ba siya. Psh, ni hindi ko nga alam kung kami pa ba kasi wala naman kaming official break up. At hanggang ngayon, oo na, mahal ko pa siya.

"Babe!" Naputol ang pagtitig ko sa mga mata niyang puno ng guilt at lungkot ng lumingon siya sa tumawag. Lalong nanikip ang dibdib ko.

"Kanina ka pa? Sorry ha, sinermonan pa ako ni Mama eh." She chuckled and gave him a peck on his lips. "So, tara na?" Napatingin sakin si Zeke dahilan para tumingin din yung babae. "Oh... hindi ko napansin, may kausap ka pala." Sabi niya sa kaniya saka bumaling sakin. "Hi! Agatha, Zeke's girlfriend. And you are?" Inilahad pa niya ang kamay niya.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon