Chapter I

215 12 3
                                    

"It is never about the differences, but about how one tries to understand."

Gabriele Li Alvarez' POV

"Yung vitamins at gamot mo Gabriela, andito sa loob ha." Binuksan at sinara niya ang drawer sa table ko.

"Lahat din ng kailangan mo, na andiyan sa cabinet. Inayos ko na rin yung walk in closet para hindi ka na mahirapan. Pati yung--"

"Mom, okey na po. Kaya ko na. I'm 18 remember?" Pagputol ko sa kaniya habang pinapaupo siya sa kama ko. Ngumiti naman siya at isiningit ang buhok ko sa tenga ko.

"O sige anak. Mag-iingat na lang kayo ng mga pinsan mo dito ha. Daddy and I loves you very much." Then she kissed me on my forehead.

"Opo Mom."

Tumayo na siya tsaka ko siya sinamahan sa pinto palabas ng condominium kung saan ako nakatira... well kami ng tatlo ko pang pinsan.

"Gabriela huwag kang mag--" Hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko na kung anong sasabihin niya. "Yes Mom, ofcourse I won't." Nginitian niya ako saka tuluyang tumalikod at naglakad pero bago niya pindutin ang elevator, I called her "Mom, ingat po kayo ni Dad. I love you too."

And for the sake of it, Gabriele talaga ang pangalan ko. My Mom wants it to be Gabriela though, nagkamali si Dad ng bigkas sa nurse when they were naming me. I heard pa nga kila Nainai (lola) at Yeye (lolo) na hanggang ngayon ay nagkakainisan pa rin yung dalawa because of that.

Pumunta akong kusina para maghanap ng makakain.

Hay.

So much of not living alone, parang mag-isa ko din lang. Yung mga pinsan ko, ayun, kakalipat lang namin pero lahat lumabas. Hindi ko nga alam kung nakapag-ayos na ba sila ng kwarto nila.

Since lunch palang naman, I decided to go outside too. But before I do, I'll give her a call.

Asan ka? Bungad ko kay Channeil na ngayon ay nasa kabilang linya.

Iyon agad ang bungad? Di pwedeng maghello muna? I unconsciously rolled my eyes.

Hello, Channeil. Magandang tangahali ha, asan ka? I replied sarcastically.

Ayun, hindi yung kasing lamig pa ng aircon namin ang bungad mo sakin. Kung kasama ko lang 'tog babaeng 'to, nako, malamang sa malamang nasungalngal ko na 'to.

Oo na, Cha. Awat na. Nasan ka nga?

Bakit?

Ano ba yan! Tanong ko, tanong mo. Hindi ba pwedeng sagutin mo muna yung tanong ko bago ka ulit magtanong?

Sorry din, sorry. Pauwi. Andito ako sa TIU, nagregister para sa organization, inilista na kita sa Arts Club. Baka di ka nanaman magregister dahil alam ko naman na kahit tatlong araw ang registration ay pupunta ka sa school ng third day tapos late pa. Tss. Grabe siya. Pagkatapos niyang magmagandang loob, mang-aasar.

O edi ikaw na ang early bird! Pero hindi ako tumawag Cha para diyan. Dumeretso ka sa MOA. Starbucks sa dati. Bye. Saka ko ini-end ang call dahil kung hindi pa, hahaba pa at mag-iinarte pa siya kahit sa huli ay sasama rin naman.

Madali akong nag-ayos... pero joke lang yun. Mga 45 minutes bago ako natapos. At alam ko namang irrational na dahil kakalipat ko nga lang dito kanina at ibig sabihin ay nakapag-ayos na ako kanina pa. Ayos lang yun, sanay na sakin si Cha.

Perfect StrangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon