Prologue:

2 0 0
                                    

2014, August 28
11:48 AM
Altamerano Medical Hospital, Manila

Ilang beses na bumuga ng hangin ang binata bago hinawi ang puting kurtina. Bumungad sa kanya ang nanlulupaypay na katawan ng kapatid, malalim na rin ang naninilaw nitong mga mata at animo'y wala ng dugo sa sobrang putla. Bagama't sobrang lala ng kalagayan ng dalaga ay pilit niyang humulma ng isang malapad na ngiti para sa nakatatandang kapatid.

"Ku...ya... "

"Athena, tignan mo o, andami kong dalang mansanas na paborito mo" Masiglang sabi ng binata saka pinakita ang isang balot ng mansanas at dumiretso agad sa mini kitchen na ilang hakbang lang. Maigi nyang hinugasan ang mga mansanas at naghanda ng kutsilyo at chopping board.

Napahinto ang binata sa pag-i-slice ng mansanas nang marinig ang sunod-sunod na malulutong na pag-ubo ng kapatid. Pumikit muna sya ng mariin bago kumuha ng maligamgam na tubig. Pilit nyang isinasantabi ang awa at kahinaan.

"Uminom ka muna"

Sabay abot ng isang basong may maligamgam na tubig saka bumalik sa ginagawa. Hindi man lang nya tinapunan ng tingin ang kapatid, dahil sa tuwing nakikita nya ang kalagayan ng kapatid, susumpain lang nya ang sarili na wala man lang magawa kundi panoorin itong maghirap sa sakit.

"Ku...ya. Salamat. "
Mahigpit nyang hinawakan ang kutsilyo saka pinag-tuunan ng pansin ang paghihiwa ng mansanas sa maliliit na piraso.

Halos dalawang taon na silang pabalik-balik sa hospital kaya halos kilala na sila ng mga doctor, nurses at personnel ng hospital. At kamakailan lang nagpasyang i-confine ang dalaga dahil sa palalang kalagayan nito. Na-diagnose ang dalaga ng liver disease at tinaningan ng apat na taon sa oras na hindi mapalitan ang nasirang liver.

"Kuya... hindi mo na kailangang kumayod ng kumayod pang-opera ko. " Hindi sya pinansin ng binata at umaktong walang naririnig.

"Kuya... tanggap ko na--"

"Athena--!"

"Kuya...alam kong nahihirapan ka na. At lalo na ko. Hindi ko na kaya...kuya. Wala ng pag-asa! "

"Athena! Makinig ka sakin, hindi ka mamamatay. Alam kong mahirap pero magtiwala ka sakin. "
Galit, inis at lungkot ang nararamdaman ng binata. Hindi nya na kakayanin pang mawalan ng kapamilya, hindi nya na hahayaang mangyari yun uli. Lalo na at ulila na silang magkapatid.

"Hindi ko hahayaang pati ikaw mawala. Athena, ikaw nalang mayroon ako. Ikaw nalang yung rason kaya ako nabubuhay. Kaya bunso, lumaban ka ha? "
Nakaluhod na ngayon ang binata at nagmamakaawa sa harap ng kapatid.

"Oh, ijo andiyan ka na pala"
Isang bisita ang umeksena. Agad na nagpunas ng luha ang binata saka nilingon ang medyo may katandaang babae. Nakapusod ang may kaputian na nitong buhok at nakabestida lamang habang may buhat buhat na tray ng pagkain. Siya ang tiya ng magkapatid sa ina. Nang yumao ang magulang nila, kinupkop sila ng tiya lalo na at wala itong kasama sa bahay.

"Athena, gagawin ko lahat para mabuhay ka. Hindi ka mawawala sa tabi ko. Naiintindihan mo? "
seryosong sabi ng binata.

TUMUNOG ang cellphone ng binata kaya agad itong nagpaalam sa kapatid at tita na aalis muna saglit at babalik agad. Nagmamadaling bumaba ang binata para kitain ang kausap sa likod ng hospital na naghihintay sa kanya.

"Tol, isang milyon--"
"Isang milyon?!" Nanlalaki ang mga mata ng binata sa sinabi ng kausap saka napatingin sa hawak nitong bag na parang puputok na sa dami ng laman. Isa iyong black na Jansport bag.

"Shhhh. Alam kong kakailanganin mo to, mahal ang magpa-opera. " Mahinang sabi ng isang binata na may mahabang buhok na abot hanggang balikat, na nagngangalang Khalil. Kapit-bahay at naging kaklase sya ng binata noong highschool na huminto rin sa pag-aaral sa kalagitnaan ng taon.

"Tol, di ko matatanggap ang ganyang kalaking pera! " hysterical na sabi ng binata. Saka hinawi ang bag na inaabot ng kausap.

"Tol, ano ka ba. Tulong ko to."

"Teka, san mo ba nakuha yang perang yan? Naku, sinasabi ko sayo---"
Hindi maiwasan ng binata na mag dalawang isip dahil hindi biro ang ganoong kalaking pera. Mabait ang kaibigan nya, sa totoo lang ilang beses na sya nitong tinulungan at niyayang sumama sa trabaho nito. Kaso hindi naman nya kayang iwan ang kapatid.

"Pwede bang kunin mo nalang? Saka kung gusto mong magtrabaho samin, sabihan mo lang ako. Tibay ng sikmura lang ang puhunan! " pag pupumilit ni Khalil.

Napakagat ng labi ang binata saka pikit matang kinuha ang bag. Grasya na e bat nya pa tatanggihan. Nagpaalam na sila sa isa't isa pero hindi maintindihan ng binata kung bakit parang mas lalong bumigat ang pakiramdam nya ng iabot sa kanya ang pera imbes na matuwa?

Buo na ang desisyon ng binata, ibabalik nya ang pera. Hindi sya sigurado kung saan nakuha ng kaibigan ang pera baka ay sa masama pang paraan. Agad nyang tinakbo ang gate at naabutan ang kaibigan na pumasok sa puting van. Habang...

Habang may pasan-pasang katawan ng batang babaeng naliligo sa sariling dugo. Hiwa ang kaliwang parte ng leeg at lawit ang dila.

Tila humiwalay ang kaluluwa ng binata sa katawan ng masaksihan ang karumal dumal na lagay ng kaawa-awang bata. Bumagsak ang bag mula sa balikat nito at napaluhod.

"H--hindi..."

"Ijo, buti nalang naabutan kita."
Nilingon ng binata ang tiya nyang hingal na hingal na parang babagsak na ang katawan. Hindi na sya nagtanong kung paano sya nahanap ng tiya, malamang may trabahador sa hospital ang nakakita sa kanya.

"May nahanap ng donor si Athena at nag match rin sa kakailanganing liver. At kakailanganin nalang ng pera para sa kagamitang gagamitin pang-opera. "

Wala sa sariling tumawa ang binata na naghatid ng kaba sa tiya nya.

"Ah...ayos kalang ba? Odin? "

Abducted (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon