Chapter 4

2 0 0
                                    

Present Time:

Disyembre 2
4:24 PM

Hera's POV


Nangangatog ang mga tuhod ko at di ko magawang maihakbang ng maayos, buti nalang at inalalayan ako ni Odin. Ipinagsawalang bahala ko ang pwedeng mangyari, kung mahuhuli ba sya ng mga pulis na to. Pero parang wala lang sa kanilang narito si Odin. Pero 2 years na ang nakalipas at malaki ang pinagbago ni Odin.

Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman sa oras na to pero nananaig ang pag-aalala ko sa kalagayan lang ni Venus. May parteng natutuwa ako at natatakot. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Hindi ko na alam. Pero sa dinami daming senaryong naglalaro sa utak ko, isa lang ang malinaw, ang imahe ng mukha ng kapatid ko na tuwang-tuwang makita ako.

"Hera... gusto mo bang kargahin kita?"
Napatitig ako kay Odin na nakangiti lang sa akin.
Umiling-iling ako na ibig sabihin ayoko ko. Hindi naman ako baldado. Nakakalakad ako kaso di lang talaga matigil ang pangangatog ko.

Kita ko ang ilang kapitbahay naming nasa labas at nasakin ang atensyon. Walang sinuman sa kanila ang nangahas na lumapit o magsalita basta nakatingin lang sila.

KANINA ko pa pinagkikiskis ang palad ko dahil hindi ako mapakali. Nasa pagitan ako nina Odin at ng isang pulis. Tansya ko ay halos kalahating oras na kaming bumibiyahe. Kanina ko pa balak tawagan si Lewis para iparating ang balita kaso naiwan ko naman ang cellphone ko at di ko kabisado ang contact number nya.

Napatigil ako nang walang ano-ano akong yakapin ni Odin. Nakapatong ang baba nya sa bunbunan ko, habang mahigpit na nakapulupot sa akin. Ilang beses akong napalunok ng laway dahil nakaramdam ako ng pagka-ilang. Gusto kong sabihin na hindi nya akong kailangang yakapin, pero wala naman akong lakas ng loob na sabihin yun.

"Hera, sorry ha. "
Nakahinga ako nang maluwag ng biglang lumuwang ang pagpulupot sakin ni Odin... pero bat parang nakaramdam ako ng disappointment?

Tatanungin ko sana kung bakit nag-sorry si Odin pero hindi ko na tinanong ng magsimula nyang kausapin ang mga pulis.

Di pa rin ako pabor na sumama si Odin pero mapilit sya. Hindi nya ba alam na nag-aalala lang ako sa kanya? Paano kung mahuli sya, may kapatid syang maysakit. Pero.

"Boss, bat parang ang layo na natin, sigurado ba talaga kayong tama tong dinadaanan natin? "

Napa-angat ako nang tingin kay Odin na lumilinga-linga sa bintana.

"Sakop pa rin ba to ng area nyo...sir? "
Tanong nya uli.

Sumilip ako sa bintana, nasa skyway kami puro puno ang nakikita ko at ilang bahay sa tabi-tabi. May ilog din sa ibaba. Bihira na lang ring kotse ang nakakasabay namin. Teka, hindi ko alam ang lugar nato. Napalunok ako ng ilang beses dahil sa kaba. Sigurado ba silang dito? Sobrang layo ng lugar na ito sa amin. Saan ba ang kapatid ko napadpad?

Kumakabog ng napakalakas ang dibdib ko.

Nilingon ko ang medyo may edad na pulis na nagmamaneho. Mata lang ang kita ko mula sa salamin.

"Wag kang mag-alala bata, malapit na tayo. " malalim ang boses nya na nakapagbigay sakin ng kilabot. Binaling ko ang tingin kay Odin na naniningkit ang mga matang nakatingin sa nagmamanehong pulis.

"Pwede ko bang malaman kung saan po talaga ang punta natin? "
Tanong ni Odin. Humawak din ang kamay nya sa bewang ko. Hahawiin ko na sana ito pero mas lalo lang nyang hinigpitan.

"Bata, pwede bang itikom mo nalang yang bibig mo? " asar na sabi ng pulis.

"Hindi ba trabaho nyong sagutin ang tanong namin? "

Abducted (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon