Marikina Riverbanks
Disyembre 3
5:14 PMNagulat ang ilang pulis na natigil sa pag-uusap habang ang iba naman ay di agad naka akto nang tadyakan ni Lewis sa mukha ang isa sa tatlong kriminal. Napahiga sa lupa ang kriminal habang nakalapat ang kanang bahagi ng pisngi sa mabatong lupa.
"Lewis! " sigaw ni Dianna hindi gaanong kalayuan sa pwesto nina Lewis.
"Where the hell did you bring Venus?! "sigaw ni Lewis saka tinadyakan uli ang isa pang kriminal. Agad namang kumilos si PO3 Angeles, hinarang nya ang katawan sa pagitan ni Lewis at ng mga kriminal. Tumakbo naman agad si Dianna sa pwesto ng nagwawalang binata.
"Lewis, calm down! Alam kong galit ka pero against sa batas yang ginagawa mo. " Hahawakan na sana ni Dianna ang binata sa braso nang bigla nalang syang hawiin ng napakalakas kaya napa upo sya sa lupa.
"Tell me where's Venus! What do you want? All of people why h-her?! "
"Tama na Lewis. Let us handle this. " sabi ng isang pulis na kasing edad ng ama ni Lewis. Kumalma naman ng binata pero mabigat pa rin ang paghinga nito. Mariin nyang kinagat ang labi hanggang sa bumakat ang sarili nitong ngipin.
"Dalhin nyo na yang tatlo sa sasakyan." utos ni PO3 Angeles na sinunod naman ng ilang pulis.
Nakatanggap pa ng batok ang dalawang kriminal mula kay Dianna bago hatakin."Siguraduhin nyong may maisasagot kayo mamaya" pananakot pa ng dalaga. Saka pinatunog ang mga daliri sa kamay.
"Lewis, good to know wala silang dalang weapons. Pero kahaharapin nila ang ilang mabibigat na kaso such as usurpation of authority, kidnapping at illegal use of uniform and insignia." mahabang litanya ng pulis captain . Si Police Captain Albertos ang sumunod sa posisyon ng ama ni Lewis. May edad na ang pulis pero malakas pa rin ang katawan nito. Payat ang katawan nito at may kaputian na ang buhok 5'7 ang height at may maamong mukha.
Tumalikod na ito pero huminto rin ito matapos ng dalawang hakbang. Sa kalagitnaan ng meeting ng mga police officers bigla na lamang kasing umalingaw ngaw ang alarm sa first floor na naka connect sa kotse ng mga pulis. Nagtaka ang lahat dahil walang signal ang dumating na may nangyaring krimen. Napatayo si PO2 Dianna Erbino nang ma-receive ang tawag mula kay Lewis na sundan ang kotse nito. Nakatanggap ang bawat isa ng location ni Lewis kung nasaan ito kaya walang ano-ano'y umaksyon ang lahat kahit walang sapat na impormasyon. Basta ang alam lang nila hindi yun gagawin ng binata nang walang dahilan."Paano mo pala nalaman na may mga kriminal na nakalusot under my authority? " mapaghinalang tanong ng Police Captain. Nanatiling nakatalikod ito pero nakalihis ang tingin nito sa kaliwang banda.
"Let's just say I don't trust your regime. All of you--- including my oh so honourable dad. " flat ang tono ni Lewis habang naka-cross arms.
Kunot noo syang nilingon ng pulis. Hindi matatago ang pagka-inis ng pulis dahil direkta lang naman syang binastos ng binata.
Nginitian sya ni Lewis."I was about to invite my PO1 cousins into the bar but I saw them lying at the floor sleeping with their ridiculous underwears. "
"That's not what I was askin--"
"You better discipline your juniors to do their job properly and please train them until their skin burns. Especially my cousins. Their skin are white and weird" Hinagis ni Lewis ang tuwalya na nasalo naman ni Dianna na kanina pa naririnig ang usapan ng dalawa.
Matagal nang napapansin ni Lewis ang pabulok na sistema ng mga police. Maliban sa mabagal ang proseso ng pag aayos ng mga kaso ay maraming mga pulis ang wala na sa katwiran lalo na't alam nilang mas mataas ang katungkulan nila sa mata ng batas. Karamihan kasi ay walang ibang inatupag kundi ang lumamon at mag paikot ikot lang sa selda at makikipag kwentuhan tungkol sa walang kwentang bagay. Madalas pa nga nyang naabutan ang ibang patulog-tulog lang sa oras ng trabaho. Karamihan sa mga police lalo na sa may mga matataas na katungkulan ay malulusog ang katawan na halos di na makatayo sa upuan sa sobrang bigat ng tiyan, mapuputi na animoy hindi nasisinagan ng araw. Nagtambak rin sa likuran ng headquarter ang mga bote ng alak.
Dumiretso na si Lewis sa kotse nya.
Pag ka-upo nya ay binuksan ang wallet nyang may brand ng Louis Vuitton. May isang litrato sa gilid nito. Picture nila yun ni Venus sa photobooth noong nag timezone sila two years ago.
A sad smile form into his lips."You'll get home soon."
Sinilip nya muna sa isang kotse ng mga pulis si Hera na natutulog na sa passenger's seat. Iba na ang suot nitong damit. Sa driver's seat ay isang babaeng pulis na nasa 30's.
Ibinaba naman ni Lewis ang bintana nang katukin ni Dianna. Lumihis ang tingin ng dalagang pulis sa litratong hawak ng binata.
"L-Lewis, thank you." tumango lang ang binata nang magpasalamat ang dalaga.
Isinuksok na uli ng binata ang litrato sa wallet saka pinaandar na ang engine.
Natuyo nalang ang damit sa katawan nya, hindi na pala sya nakapagpalit ng damit. Di bale maliligo na lang agad sya mamaya pag ka-uwi sa bahay.
Napabusangot sya ng maalala ang nakakasurang mukha ng tatlong kriminal. Hindi man lang nyang nabasag ang mukha ng kahit isa sa kanila. Pero naniniwala syang gagawin ni Dianna ang trabaho nyang kunin ang lahat ng impormasyong makatutulong sa kanya.
KANINANG tanghali balak nya sanang yayain ang tatlong pinsan na pulis para asikasuhin ang paghahanap kay Venus dahil halatang hindi nabibigyang pansin ang kasong yun. Kaso napatigil sya nang makita nya na lang ang katawan ng tatlong pinsan sa likod ng police headquarters na nakahubad habang suot ang underwears na may design ng cartoon na Spongebob at marvels habang walang malay.
Napamura sya ng marinig ang pagharurot ng sasakyan ng isang pulis doon. Napansin niya na walang gaanong nagbabantay dahil may orientation nga palang kasalukuyang ginaganap sa 4th floor.
Sinundan nya ang kotse ng hindi nagpapahalata hanggang sa nagulat nalang sya nang huminto iyon sa lugar ni Hera. Lumabas ang tatlong naka unipormeng pulis na hindi pamilyar sa kanya. Kaya naghinala syang yun yung tatlong umatake sa mga pinsan nya, lalo pa't halatang hindi sakto ang damit sa mga kriminal especially yung mga suot nilang sapatos.Naghintay pa sya ng ilang sandali sa loob ng kotse kahit na pwede nya namang ipahuli yung mga yun. Hindi nya rin maintindihan ang sarili kung bakit basta sinusunod lang nya ang instinct nya. Basta may kung anong gustong syang malaman, kung ano o sino ang pakay nang mga yun.
Hanggang sa napa-nga nga nalang sya ng may limang pigura ng tao ang pumasok sa kotse.
At si Hera ang isa roon."Fuck! " Bumusina ng napakalakas si Lewis hanggang sa napahinto ang kotse ng isang pulis na paalis na sana.
Sinilip sya ng pulis habang kunot ang noo.
"Problemas? ""There's one more." halos pabulong na sambit ni Lewis. Saka pinaningkit ang mga mata. May isa pang hindi nahuli.
"Huh? " Naguguluhan ang hitsura ng pulis. Pero hindi na sya pinansin ni Lewis at pinaharurot na ang kotse.
Mas mabilis ang kotse ni Lewis kumpara sa ginagamit ng mga pulis kaya naabutan nya pa ang tatlong sasakyan. Nasa gitnang bahagi ang sasakyang sinasakyan ni Hera.
Two way ang daan at sa pa diretsong daan ang pabalik sa Quezon City pero pinaliko ni Lewis ang kotse sa kabilang direksyon patungo sa subdivision.
ILANG beses syang kumatok hanggang sa bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang lubog na mukha ng isang binatang kasing tangkad nya lang din. Mas humaba ang buhok nito hanggang sa pusod kumpara nung unang kita nya ritong hanggang balikat lang ang buhok.
"Ow boss Lewis. Long time no see! " nakangiting sabi ng binata habang naka lapat sa hangin ang isang kamay na animoy wine-welcome si Lewis sa malaki at makalat nitong bahay.
"Shut the fuck off."
Nilagpasan lang nya ang binata. Saka pina-ikot ang mata sa makalat na paligid. Nahalo ang mga damit at balat ng sitsirya sa sahig. Nagsikalat din ang upos ng sigarilyo sa lamesa. Tambak rin ang hugasin sa kusina. Nangingitim na rin ang mga kurtina sa bintana."Hey, wanna get some work-" nilingon nya ang binatang naka ngiti pa rin ng malapad sa kanya habang nakapwesto sa nakabukas na pinto.
"-Khalil?"
BINABASA MO ANG
Abducted (On-going)
Mystery / ThrillerAnong gagawin mo kung kapatid mo ang naging isa sa napiling biktima ng mga nangunguha mula sa puting van? Sa paanong paraan mo maliligtas ang kapatid mo? At sino sino nga ba ang dapat na pagkatiwalaan? Mawindang sa kung paano tatahakin ang misteryo...