Chapter 6

0 0 0
                                    

Somewhere in Quezon City

"Zen, I'm sorry kung nadamay ka, pero sa ngayon wala ka ng choice kundi sumama sakin."

Kasalukuyan kaming nakasiksik sa makitid na eskinita sa tabi mismo ng mga basurahan. Rinig ko ang pagaspas ng mga pakpak ng mga langaw sa paligid. Maging ang mga yabag mula sa di kalayuan.

"A-ano?! Rona naman, alam mong wala akong kinalaman dito. Ayoko please natatakot Ako. Hindi ko maintindihan. Napakaraming pulis ang humahunting sakin! Satin! Ano to? Bakit ako pa?! "
Kanina ko pa gusto umiyak pero ayaw lumabas ng mga luha ko. Pero mabilis ang tibok ng puso ko, namlalamig ang buong katawan ko. Humihilab din ang sikmura ko. Tatlong araw na kaming nagtatago sa kung saan-saan para iwasan ang mga pulis na humahanap samin. Ni hindi ko nga alam kung bakit at paano ako nasangkot sa ganitong gulo.

"Wala na tayong oras para sa complaint mo.  Kailangan na nating mag palit ng damit at dumiretso sa Quezon City. "

"H-ha?! Te-teka ayoko! Uuwi ako samin, malamang hinahanap na ko nina mama. Wala. silang alam sa nangyayari sakin. "
Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Parang binabangungot ako. Gusto ko ng gumising. Hindi na ko natutuwa. Ilang galos din ang natamo ko katatakbo, nanunuyot na rin ang lalamunan ko sa uhaw. At nanghihina ang sistema ko dahil kagabi pa ko walang kain.

Napa-aray ako ng i-usog pa ako ni Rona, halos mapitpit na ko.

"Pag bilang ko ng tatlo, takbo a"

"Ha? " napa-nganga ako sa sinabi nya. Tatakbo? Hindi nya ba alam kung gaano karaming pulis ang nagkalat sa paligid?  Paano kung putukan kami ng baril?

"Isa" panimula nya sa mahinang tono.

"Te-teka---"

"Dal--TATLO! "

"Ano?! " napatili ako ng hatakin nya ang kamay ko. Kinakapusan na ko ng hangin sa katawan. Wala na rin akong enerhiya, halos dalwang oras lang ang tulog namin kanina.

Naramdaman ko nalang ang malamig na hangin mula sa aircon. Nasa loob kami ng isang boutique. Napakaraming damit na makulay.

Napaluhod ako sa hingal habang si Rona ay nananatiling nakatayo pero rinig ko ang paghahabol ng hininga nya.

"Yes ma'am? " bungad na tanong ng sales lady.

"This tops and pants please. Where could I see the cheapest undergarments here, please? " sabi ni Rona habang nagtuturo ng mga damit.

"This way po " magalang na sabi ng saleslady. At tuluyang nawala sa paningin ko ang dalawa at ako nalang naiwang mag-isa.

******

Napahilamos ako ng mukha nang maalala ko na naman ang simula ng lahat. Isang taon nang nakalipas pero ganoon pa rin, nagtatago pa rin kami, hindi sa harap ng maraming tao kundi sa sariling pagkakakilanlan namin mismo. Sa loob ng isang taon, napakaraming pagbabago ang nangyari.  Galing kaming Lucena City at napadpad sa Quezon city kung saan naninirahan ang tita ni Rona, na nagmamay-ari ng hardware na may carinderia store. Na yumao dahil sa isang aksidente apat na buwan mula ng tumira kami sa kanya.

Limang buwan na rin pala ang nakalipas mula ng lumipad pa Canada si Rona upang mag-aral nang law at nangakong babalik para palayain ako sa mapanghusgang mata ng batas.

Humarap ako sa salamin. Naging kayumanggi na ang noon kong maputing balat. Mahaba na rin ang buhok ko, nangayayat ang katawan ko kaka trabaho at kaka-training para sa self-defense. Hindi na rin ako si Zen na kinagisnan ko.

Ipinusod ko na ang buhok ko saka sinuot ang contact lens sa kanang mata ko na lumilikha ng ilusyon na para bang bulag ang isa kong mata. Saka ko isinuot ang eyeglass kong medyo may kakapalang grado.

Tumayo na ko at nagpagpag. Napatingin naman ako sa nahulog na gamit sa sahig. Isa iyong kwintas na may pendant na otg.

Agad ko iyong isinuot at itinago sa loob ng kamisetang suot ko. Nangako ako kay Rona na iingatan ko ang kwintas at hinding hindi ko bubuksan ano man ang mangyari. Pinagbawalan
rin nya kong gumamit ng kahit anong electronics, hanggat maaari tv at radio lang ang pwede kong gamitin.

Binuksan ko na ang shop na katabi lang din ng maliit na kwartong tinutulugan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Abducted (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon