Ikalawang sigaw! (sa pugadlawin :D)

126 0 0
                                    

“She’s cute”, at nagwave back nalang ako at may nakabangga nanaman sa akin at lalaki naman ngayon.

“Kosa! Pasensya na! Nagmamadali lang talaga!”, habang nakabilikdan siya ng tingin at kumaway.

Nagthumbs-up nalang ako para iparating na no problemo.

Nagsisitakbuhan na talaga mga estudyante, ako nalang yata ang hindi. Akala niyo nagmamadali na ako kanina kasi baka late na ko? Hindi no. Takot ko lang na hindi na ko makapasok ng LRT kapag rush hour na. Hahahaha. Sanay na kasi ako sa dati kong school, university din kasi ‘yon at pananaw ko na ganon naman lahat ng propesor during first days.

Paakyat na ko ng building, 1st floor, 2nd, 3rd, hayyy nakakahingal pangatlo palang. Ayun, fifth floor pa po kasi ang lolo niyo. Did someone ask my course? (kunwari meron, huwag ng kumontra :p) Accountancy. Ewan ko kung bakit ko ‘to tinake. Siguro dahil tinuruan na kami ng bookkeeping no’ng HS? Ewan. XD

Hanap. Hanap. Hanap ng room. E505 ang room ng block ko which means sa east-odd wing ng building kami at ito na nga ‘yon. Ngayon naman ay hanap.hanap.hanap ng upuan. Ganon na ba ako ka-late? O excited lang ‘tong mga ‘to at kanina pa silang madaling araw? Bakit wala ng bakante....maliban sa.....tabi ni Ateng cute, oo..ung nakabangga sa akin na katabi yong isa pang nakabangga sa akin na mukhang palihim na pinipicture-an si Ate.

“Uy, hello!”, sabi ko kay Ate kasi ang tahimik niyang nagsusulat sa isang journal.

“Ay, huy! Hi po! Classmates po pala tayo?”

No’n lang din ako napansin nong lalaking katabi pa niya a.k.a. KOSA. :D

“DUDE! Blockmates pala tayo e! Astiiiiigg! Brylle pala!” At nakipag-apir pa sa akin.

“Oo guys, fortunately. Hehe. Nikko”, I smiled.

Nagback to business na ang pare ko, nag-sshh sign pa na parang sinasabing huwag ko sabihin ang kalokohang ginagawa niya.

Nagsmile lang din si Ate sa akin tipong nahihiya at bumalik na sa pagsusulat. Pero di bale...

“Ano ba yang sinusulat mo?”, silip ko naman sa journal niya.

“Ah, w-wala. Wala”, sabay sarado.

“Huy, alam mo..huwag kang masyadong mahiyain. Mahihirapan ka niyan magkaroon ng friends.”

“Yon nga problema ko e, hirap ako makisama pero sa totoo lang, topak ako. Kaya sinusulat ko nalang dito sa journal ko lahat ng gusto kong sabihin...oopps, you heard it right, ganon nga nakasulat dito”, napayuko siya. “Pero ewan ko ba. Sana magkaroon din ako ng kaibigan agad...”, she sighed.

Feeling ko, hindi siya yong tipo ng tao na lumalapit para makipagkaibigan kaya siya hirap. Kaya...ito na si Nikko, to the rescue!!

Nilapit ko ang kamay ko sa kanya na dating na makikipagshake hands, “Friends? Nikko pala”, tumigil siya sa pagsulat at tinignan ako sa mata..

“Narinig ko nga kanina. Pero....Oo baaa! Miho nga po pala”, tuwang tuwa niyang sinabi at inabot niya ang kamay ko kahit parang latang-lata siya.

“Sabi ko na e. Hindi mo peg ang unang paglapit pero kanina...bakit kasi nambabangga ka?!”, tinignan ko siya ng nakakaloko.

“Hala. Sorry na. Akala ko pa man nga non hindi ka estudyante, pero hindi ka rin naman mukhang prof, e kasi hindi ka naman nagmamadali!”. *pouts*

ANG.CUTE.NIYA. Err--- Nikko! May girlfriend ka na. Huwag babaero! Pero tunay, may iba akong nafeel para sa babaeng ‘to. Ito na ba ang....

“Hahahaha. Joke lang, ito naman. Pero bakit parang may sakit ka?”, dinampi ko ang kamay ko sa leeg niya at mainit nga siya.

“Nilala---“

“Ssshh, oo na. Nilalagnat nga ako pero siyempre, first day ngayon, wala akong karapatang mag-absent kailangan kong tuparin ang mga pangarap!”, sabay tinikom niya ang kamao niya at mukhang determinadong-determinado.

Binatukan ko nga.

“Aray ko naman. Feel na feel ko---”.

At bigla ng may pumasok na professor at biglang sigaw ng:

“Get ¼ sheet of paper. Okay number one!”.

“Teka Mam, wala ka pa ngang tinuturo!”

“Prof! Chillax! First day!”

“Hala. Hindi ko binasa ung reference ko sa English!”

At kung ano-ano pang side comments ang maririnig mo. Nanahimik lang sila ng biglang humagikgik si Prof at nagpeace sign. Cooooool!

JemMIca YaHOnkha Martin’s POV

Tapos na ang lahat ng subjects! Yehey! 1.5 hours each nga, apat naman! Kaya nag-unat ako at akmang babatukan si Kuya Nikko. Kaso bigla niya akong napansin kaya tinusok niya naman ako sa tagiliran. At oo, ganyan na kami kaclose. Ilang oras palang? Nangyari kasing napag-usapan ang age at sinabi niyang siya ay 17, kaya sabi ko, KUYA ko siya. Bigla ba namang binawi, 15 years old lang daw siya. At dahil don, ATE rin daw niya ko. Sa sobrang kalokohan, ayan, nagkasundo kami. Tipong nakapulot pa ako ng Kuya, Best Bud, Lolo, Tatay, Tito, all-in-one. Masyadong pinoproblema ang lagnat ko at panay ang check ng temperature ko samantalang okay lang naman ako.

“Ey! Kuya naman eeeeeh!”, napalakas ata ang sigaw ko kaya halos nagtinginan sila saken.

“Pagpasensyahan niyo na, may lagnat yong matanda. xD Uwi na tayo, ATE!”, sabay hila niya sa akin.

Natutuwa ako sa mga taong ganito. Ikaw ang lalapitan para makipagkaibigan. Sila ang gagawa ng move. Para bang nakakaproud na kahit ganito ka lang, may mga may gusto rin palang makasa-kasama ka. Kahit hindi mo pa naibubuhos lahat ng ikaw, tinatanggap na nila yong partial na ikaw.

Gaya sa isang talent search. Kasali ka palang sa mga top 20, hindi ka pa ganon ka-known siyempre, pero bakit may mga tumatanggap at sumusuporta na sayo? Kasi may naipakita ka na. Nasa sayo nalang kung maipapakita mo na deserving ka talaga.

Kilala nga niya na ako, pero maaga pa yata para sabihin ko ‘to, first day palang, marami pang mangyayari... baka may mga MAS deserving pa kaysa sa akin.

“Huy ichaw, shaan cha bha nauhwi?”, habang nilalasap niya ang burger.

“Dun lang sa malapit sa Engineering Bldg.”

“Awh, magchaiba chayoh ng rhuchamagfergjbh”

“KUYAAAA! Lunukin mo nga muna yan, hindi kita maintindihan e! Maturn-off pa sayo niyan mga madadaanan nating chicks!”.

At nilunok na nga niya in 3 seconds LANG yong sandamukal na kinakain niya.

“Sabi ko, magkaiba tayo ng ruta. Diyan kasi ako dadaan sa may riles e”.

Pagkalabas naming ng gate, hinatid niya na ako sa may tricycle-an at umalis din siya agad. Pagsakay ko, nun ko nalang nakita na may nagtext pala, kaso unregistered number.

From: +63926*******

Ingat ATE!  –  Nikx

Papasok na ko ng gate ng building, nang bigla nalang akong nakaramdam ng hilo at...black-out. Ang susunod nalang na alam ko ay nasa isang room na ko at may nakabantay na isang lalaking familiar ang mukha pero sino siya? Hindi ko alam! \\\(*o*)///

“NASAAN AKO????”

F.R.I.E.N.D.S.H.I.P. (Isang "makitid" na kwento XD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon