22 year old Eraldaine Villanueva is now walking along the streets of Araneta Cubao to accompany her friend who is also looking for a job. You see Eraldaine or Era for short is a graduating Accountancy student. Makakagraduate na sana sya kung hindi nga lang sya bumagsak sa isang subject nya.
Dahil dito nawalan sya ng scholarship at natanggal din sya sa previous na pinagtatrabahuhan nya na call center kasi nalaman na estudyante sya.
Kaya naman ngayon dalawa sila ng kaibigan nya na nagbabakasakali na matanggap sa isang Call Center sa Cubao.
"Era kinakabahan ako first time ko mag-apply sa ganito. Hindi din ako marunong masyado mag-English" ani ng kaibigan ni Era na si July.
"July kaya mo yan, kaya nga kita sinasamahan ngayon dito eh kahit may naapplayan na akong trabaho kahapon. Tinuruan naman na kita diba? Sabay tayo para hindi ka kabahan" tugon naman ni Era kay July.
Makalipas ang mahabang pag-aantay lumabas na din yung resulta ng application nila.
Natanggap si Era ngunit si July ay hindi. Tinuloy na lang din ni Era yung offer na trabaho sa Cubao dahil non-voice ang account na mapupunta sa kanya. Sakto para hindi sya mastress masyado sa pag-aaral nya kumpara sa calls na account na offer sa kanya sa naunang kompanya na kanyang inapplayan.
Makalipas ang ilang araw ay nagsimula na ang kanilang training sa bago nilang trabaho.
Pinilit ni Era na maging number 1 sa training nila ng sa ganun ay makapili sya ng schedule na tutugma sa klase nya. Which nakuha naman nya matapos ang 1 buwan na training.

BINABASA MO ANG
An Ordinary Love Story
Short StoryFinding love in a very unexpected way is one of the most romantic thing that every girls are hoping to have. But what if that love is just temporary? Will you be able to handle that the end is near. That's what happened with the 22 years old Eralda...