Alas-tres ng hapon nang maisipan kong tumambay na lang sa labas dahil pinayagan nga akong maglaro wala naman yung mga kalaro ko. Sobrang nababagot na ako dito at naghihintay na lang akong may tumawag sa akin para maglaro.
"Anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako nang may tumabi sa akin at halos magdikit na kami sa sobrang lapit.
"Tambay. Wala akong kalaro." Hindi ako tumingin sa kanya nang sagutin ko siya dahil baka maduling ako sa lapit niya.
Bilang mas matanda siya sa akin ng dalawang taon, nagkwento na lang siya ng mga bagay na tungkol sa kanya at bilang madaldal akong nilalang humaba ang usapan namin hanggang sa umabot kami ng gabi.
"Nagkaroon ka na ba ng crush?" Tanong niya sa akin habang kumakain ng bubble gum.
"8 pa lang ako, hindi pa ako pwedeng magkacrush."
Hindi ko nga alam yung feeling ng may crush tapos yun pa yung tinanong niya.
"Paglaki mo magkakacrush ka rin. Tingnan natin kung anong mangyayari hahahahaha."
"Wow may crush ka na siguro." Sagot ko habang tinutusok ang braso niya.
"Oo naman ako pa ba. Ang pogi ko kaya." Sagot niya na halos tangayin na ako sa sobrang hangin.
"Ano bang feeling ng may crush?" Masaya siguro kapag may ganun.
"Paano ko ipapaliwanag? Hintayin mo na lang." Tiningnan ko siya ng masama dahil hindi niya naman ako sinagot.
"Sha!" sigaw ng nanay ko mula sa gate namin.
"Hala tawag na ako babay!" halos hindi na ako nakapagsuot ng tsinelas sa pagmamadali dahil ayokong mapalo.
"Teka lang." Hinawakan niya ang kamay ko at naglagay dito ng santan.
Nagulat ako sa ginawa niya at hindi ko maintindihan kung bakit may kakaiba akong nararamdaman.
"Sayo na lang. Babay!" Kumaway siya sakin bago umalis at naiwan akong nakatunganga dahil nagulat ako sa nangyari at hindi ko rin alam kung bakit.
"Crush ko na kaya siya?" Bulong ko sa sarili ko at narinig kong sumigaw ulit si mama kaya naman tumakbo na ako papasok.
Kinabukasan, maaga akong lumabas ng bahay para maglaro at nakasalubong ko siya sa tapat ng gate namin. Nginitian niya lang ako at hindi ko na naman maintindihan yung naramdaman ko kaya pumasok na lang ulit ako sa bahay.
Bakit ako nahihiya sa kanya?
"Hoy sha! Lumabas ka na nga ng bahay. Kanina ka pa hinihintay ng mga kalaro mo." Sabi ng nanay ko habang hinihila ako patayo.
Halos palayasin na ako ng nanay ko palabas ng bahay dahil kanina pa ako nanonood ng tv.
Lumabas ako ng bahay at hindi ko sila nakita kaya pumunta ako sa mga bahay nila. Nakita ko silang nag-aaral at nakisama ako dahil mukhang di sila maglalaro.
"Alam mo ba kung paano yan?" Tanong ng isa kong kaibigan habang iniaabot sa aking libro.
Itinuro ko sa kanya kung paano sagutan at mabuti namang naintindihan niya.
"Iba talaga kapag matalino." Sabi nila na parang manghang-mangha sa pagsagot ko.
Tumingin ako sa kanya at nakatingin din siya sa akin. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
Crush ko na yata ito. Paano ba malalaman?
Tinamad na akong tumambay sa kapitbahay kaya umuwi na ako pero hinarang niya yung dinadaanan ko.
"Bakit?" Sagot ko na sa tingin ko hindi niya narinig dahil sa sobrang hina.
"Kapag nagkacrush ka, dapat ako lang." Hinampas ko siya nang malakas sa braso at tumakbo pauwi.
Rinig na rinig ko ang pagtawa niya habang pauwi at halos hindi na ako makahinga dahil sa kaba at kahihiyan.
Crush ko na nga yata.
7 YEARS LATER
"Sha! Walisan mo yung labas ng bahay." Kahit ayaw ko sinunod ko pa rin ang utos ni mama.
"Malapit na magpasko." Sabi ko sa sarili ko habang nagwawalis sa labas ng bahay namin.
Nabulabog ang katahimikan nang dumating ang mga kababata ko na parang walang pakialam sa mundo kung maglakad. Kumaway lang kami sa isa't isa at nagpatuloy na ulit ako sa pagwawalis.
"Ay sorry." napatingala ako sa nakaapak sa winawalis ko at hindi ko inaasahang makikita ko ulit siya.
Tiningnan ko lang siyang umalis papunta sa mga kababata ko at naramdaman ko ulit ang mga ipinagtataka ko noong bata.
"Ok lang Niccolo." Halos pabulong kong sabi sa hangin habang papaalis siya.
YOU ARE READING
Interfered
Fiksi RemajaAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng nagngangalang Atasha Gaile Mendoza at sa kung paano niya haharapin ang kanyang nararamdaman sa isang binatang nagustuhan niya noon bata pa siya. A story about Atasha's childhood crush. Do you have one?