"Miss Mendoza please introduce yourself." sabi ng teacher ko habang itinuturo ang tabi niya.
"I'm Atasha Gaile Mendoza." sabi ko at umupo na sa pwesto ko.
Bagong lipat ako dito sa school kaya naman hindi ako gaanong maingay dahil sabi nila first impression last. Sa pagdaan ng mga subjects, napapansin ko ang mga panaka-nakang tingin ng mga kaklase ko sakin.
"Hi atasha right? I'm Zandy." Nagulat ako nang bigla siyang umupo sa tabi ko at nagpakilala.
Nagpakilala rin ako at dumami na ang mga taong nakapaligid sa akin at nakipagkaibigan. Hindi rin pala magiging masama ang unang araw ko dito.
"Tara sa canteen?" Sumama ako sa kanila dahil nagugutom na rin ako.
Habang papunta sa canteen, itinuturo na rin nila ang bawat kwarto na nadadaanan namin at nagkukwento sila ng mga kalokohan nila noon.
Nakarating kami sa canteen at sa kabutihang palad ay nakahanap kami ng upuan. Sila na ang nag-order at inilibre pa ako dahil bago pa lang raw ako sa school. Naiwan akong mag-isa sa lamesa at pinanood ko na lang ang iba pang tao habang kumakain sila.
Habang nanonood ako may malamig na bagay na tumapon sa akin na aking ikinagulat kaya naman napatayo ako bigla.
"Sorry!"
Hindi ako nakapagsalita at natulala lang ako sa nasa harap ko. Naramdaman ko ang mga kasama kong humawak sa braso ko pero hindi pa rin nawawala ang tingin ko sa kanya.
"Sha?"
Bumalik na ako sa sarili ko at tiningnan ang mg kasama kong nagtataka sa nakikita nila. Kumuha sila ng tissue at ipinunas sa uniform ko para matuyo. Nararamdaman ko pa ring nakatayo siya sa harap ko pero hindi ko na mgwang tumingin sa kanya hanggang sa hilahin niya ako palayo.
Naglakad kami papunta sa room na katabi ng sa akin at binigyan niya ako ng panyo.
"Saglit lang diyan ka muna."sabi niya saka lumabas at nagpunas naman ako ng sarili.
Hindi ko alam kung bakit sa dinami-dami ng lugar na pwede kong puntahan ay dito ko pa siya makikita at mukhang parehas kami ng pinapasukan pero magkaiba kami ng section.
"Sorry sa natapon kong juice. Ito gamitin mo muna." Nagulat ako ng bigla siyang pumasok at ibinigay niya sa akin ang isang paper bag na may lamang white shirt.
"Salamat." Ito na lang ang nasabi ko at umalis na papuntang cr para magbihis.
Lumabas na ako at pupunta sana sa canteen pero hindi ko alam kung saan dadaan.
"Ang tagal mo tara na." Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa canteen.
Nawala ako sa sarili habang hawak niya ang kamay ko at pinagtitinginan na rin kami ng mga taong nadadaanan namin. Nang makarating kami sa canteen, nabawasan na ang mga tao at nandun pa rin ang mga kasama ko.
Inihatid niya ako sa lamesa at dahil wala ako sa sarili, ang mga kasama ko na ang nagpasalamat para sa kanya.
Nang makabalik ako sa sarili ko, sinimulan ko ng kainin ang pagkaing ibinigay nila at nakipgkwentuhan na rin. Kahit anong gawin ko hindi mawala sa utak ko ang mga nangyari at para bang nagrereplay pa sa utak ko.
Buong araw akong lutang dahil sa nangyari at inabutan pa ako ng ulan sa pag-uwi.
Habang naghihintay ako ng sundo, nakita kong lumabas si Niccolo at nakisilong sa waiting shed. Tiningnan lang namin ang isa't isa saka bumalik sa kanya-kanyang mundo.
"Hello?"
Napatingin ako sa kanya dahil akala ko ay ako ang kinakausap niya. Umaasa pa naman ako. Nakita ko siyang may kinakausap sa telepono at mukhang masaya siya dahil hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya.
"Sige na." Hindi ko napansing halos nakatitig na pala ako sa kanya at natigil lamang ito nang bumusina na ang tatay ko.
"Bye I love you too." Narinig kong sabi niya sa kausap niya.
Nakatingin lang ako sa kanya at halos isama na ako ng ulan sa pagbagsak. Sa gitna ng ulan, umaasa akong para sa akin ang mga katagang iyon ngunit habang nakikita ko ang mga ngiti sa labi niya, naiisip kong mas masaya ako kung makikita ko siyang masaya.

YOU ARE READING
Interfered
Fiksi RemajaAng kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng nagngangalang Atasha Gaile Mendoza at sa kung paano niya haharapin ang kanyang nararamdaman sa isang binatang nagustuhan niya noon bata pa siya. A story about Atasha's childhood crush. Do you have one?