Chapter 6

48 3 0
                                    

BLUE'S POV

Paano ko ba sisimulan to? hm. Hi! Ako nga pala si Valince Altheo De Vega. Nagmula sa angkan ng gwapo at magaganda plus mayayaman. De joke lang! Hahaha. 

Blue tawag sakin ng mga kakilala ko. bakit? Hm. wala pang nakakatanong sakin ng bakit ba Blue nickname ko. ekshaiting! Ang bakla. putsha. Parati kasi akong BLUE-MING kaya Blue pangalan ko. Bakla padin. HUY! Hindi ako bakla ha. Marami lang talaga akong kaibigang babae.

So ito na nga yun, Blue pinangalan sakin ng magulang ko kasi nung pinanganak ako, blue baby ako. akala nga daw nila, di ako mabubuhay ey. Kelangan pa kong buhayin para lang mabuhay! Hihihih. Pero seryoso, cyanotic baby ako kaya natakot sila na in time, baka mawala ako sakanila. Bawal akong magulat. bawal na bawal. Kaya nga nung bata pa ko, parati akong poker face. Bakit? kasi parang pinagbawalan na ako ng mundo na sumaya. Pag nagiging masaya kasi ako, inaatake ako. 

Pero nag iba ang lahat isang araw. Ang dating walang emosyon at kulay kong buhay, biglang sumaya at kumulay. Dahil. dahil.. makulay ang buhay sa sinabawang gulay. Joke lang! Dahil sa isang batang babae.

*FLASHBACK*

Bata pa ko nun. Grade 4. nang pinasama ako ni Papa sa hospital. Oo. doktor papa ko at may ari kami ng isang hospital. Si mama naman, nurse siya. 

 

Nang araw na yun, super bored ako. as in kulang nalang bilangin ko buhok nung janitor na kalbo. haaay

Biglang lumapit si tito Ed kay papa. Kilala ko siya syempre. Doctor siya dito at siya yung nagbabantay ng kalagayan ko. Wala padin daw improvements lagay ko. masyado daw ata akong depressed.

Nakita ko si tita Eline kasama ang isang batang babae. Kaedad ko lang. Siya ata yung anak ni tito Ed. Ang ganda niya. At napangiti ako bigla. Nagulat naman si Papa ng makitang nakangiti ako. Di kasi ako palangiting bata.

Simula nung araw na yun, parati ko na siyang sinisilip sa office ni tito Ed. Parati kasi siyang sinasama ni Tito Ed pag week ends. Kaya sumasama din ako parati kay Papa.

Never niya kong nakilala. Never din akong nagpakilala. Ang alam ko lang sobrang taray niya. Hndi siya mahilig maglaro ng barbie. Mga kotse laruan niya. ang weird lang pero isa yun sa mga nagustuhan ko sakanya. ako kasi, mahilig sa barbie nung oras na yun. pero joke lang!!! Hahaha

Inalam ko pangalan niya. Samantha. Samantha sabi ni Papa. Ang gandang pangalan niya. kasing ganda niya.

Lumipas ang panahon. Di ko na nakikita si Sam sa hospital. Bumalik nanaman ako sa paging weird guy. Isang araw, nalaman kong naging magkaibigan si Sun at si Samantha. Highschool. Hind kasi ako pinayagang mag aral sa school nina lolo kaya di ako nabigyan ng chance na maging kaklase si Samantha.

Nagkakatext kami simula nung pinakilala ako ni Sun na pinsan niya. Alam ni Sun ang lahat tungkol sa pagkagusto ko kay Samantha.

Minsan lumalabas kami ng kaming dalawa lang. Napadalas nung nagkagirlfriend si Sun. Pansin kong namamaga parati mata niya. Tuwing nakakasama ko siya, nagpapanggap siyang masaya. napadalas nadin cutting niya kaya parati rin akong tumatakas sa bahay. Home schooling kasi ako nung Highschool. 

His Cruel WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon