Chapter 12

21 0 0
                                    

SAMANTHA STACEY SARMIENTO

Parang biglang natauhan ako. Kung kanina, lumilipad na yung isipan ko sa dreamland kasama si Blue,realidad nga pala to at wala akong mapapala kung patuloy kung tatakasan si Sun. Alam kong masamapero sana ibigay nalang niya sakin tong araw na to para makapag isip ng mabuti. Hindi naman kasi sa lahat ng oras, pwedeng mangyari yung mga moments na ganito.. Yung fleeting feeling pag kasama mo yung taong nagpapasaya sayo. Di ko na sinagot yung tawag at inoff ko na yung phone ko. Ayaw ko siyang hindian. Hindi ko din maintindihan sarili ko. Gusto ko siya, oo pero hndi yun sapat para piliin ko siya. Siguro nabubulag lang ako sa realidad na di ko siya makuha kuha. na hindi ko naman siya gusto. Im just after the challenge and chase.

"okay ka lang? Are you sick?" tanong ni Blue.

Sobrang nakokonsensya na ko kay Sun. Kasi sobrang pinapaasa ko lang siya. Alam ko naman na gusto ko si Blue. Gustong gusto pero ginagawa ko padin siyang back up plan na kapag sakaling iwan ako ni Blue, siya pipiliin ko. Napakagago ko alam ko. Pero anong magagawa ko e sa ganito ako ey. Ayaw kong mawala silang dalawa. Sobrang nagpapakaselfish na ko. I really dont know kung saan to hahantong.

"wala namang problema. Salamat pala sa pag invite sakin dito."

"Dapat nga sa zoo kita dadalhin kasi dun ka talaga bagay. Pero naisip ko na baka kunin ka nila at ipalit dun sa malalaking unggoy dun." sabi niya sabay tawa.

"Kung itapon kita palabas dito?"

"Aray ko naman, sobrang sadista kang babae ka!!! Sinaktan mo damdamin ko. ajujujujuj"

"Para kang bakla talak ng talak. naginarte ka nanaman. Hikain ka sana."

Ngumiti lang siya sakin. Super normal lang naman ng bonding namin. Naglakad lakad lang kami kasi di pwede sa ibang rides tong si blue. Alam niyo naming naman siya #maysakitkunware tapos baka isugod pa siya sa hospital at mapatay pa ko ng papa ko. Hah!

After nung pagpasyal naming, pumunta kami ng mall at kumain. Napaisip nanaman ako. Kaya di ko naenjoy yung pagkain. These days parang nagiging boring na talaga ako. Pati yung author nawawalan na din ng sense of humor. Ubos na ata sa katawan ko yung  humor at kelangan ko na atang maglevel up sa pamamagitan ng pagiging action star.

Pero dahil sa mga ganitong pangyayari, nagiging cold ako. Parang pagod na pagod na ko at gusto ko nang umuwi.

“Bat di ka kumakain?” alalang sabi ni Blue.

“Diet lang.” sabi ko.

“Kain ka na. Di mo naman ikapapayat yang di mo pagkain ngayong gabi.”

“alam mo namang allergic ako sa seafoods.”

His Cruel WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon