"Alam kong hindi ako showy." -Yugyeom

140 6 3
                                    

Yugyeom's POV

"Pare, kumusta kayo ni A?"-Tanong ni Mark sa akin. Bumuntong hininga nalang ako. Wala naman kasi talaga akong pag-asa kay A eh. Torpe ako.

"Pare alam ko na."-Ito ang sabi ni Jackson habang ginagalaw-galaw ang kanyang mga kilay pababa at pataas. Naku.. Baka mapahamak o mapahiya pa ako sa iniisip ni Jackson.

"Huwag na, hyung. Hayaan mo na lang. Wala naman akong pag-asa kay A eh. Nakakainis kasi. Tae. Hindi ko alam kung paano manligaw."-Sinabi kong nayayamot. Nakakadismaya ang sarili ko.

"Oh, Yugyeom. Susuko ka nalang ba? Alam mo namang loyal ka kay A. Tsaka ang kailangan mo kasi diyan, confidence! Masyado ka kasing mapakumbaba. Yan tuloy, nasa baba ka nalang."-Yan ang payo ni Mark sa akin.

"Oo! You need confidence. Like me."-Sabi ni Jackson habang nagpogi sign. Ang galing talaga mag-english ni Jackson. Nakaka-inggit naman silang lahat.

"Hindi! Ang kailangan lang ni Yugyeom ay... Mag-aegyo!"-Ito naman ang sabi ni BamBam sabay aegyo. Kahit kailan talaga itong BamBam na to. Parang bakla kung umasta.

"Ano ka ba, BamBam! Hindi nga niya alam ang mag-aegyo eh! Anong trip mo? Pahiyain siya sa harap ni A?"-Ito naman ang reaksyon ni Jinyoung sa sinabi ni BamBam. Tama nga naman si hyung.

"Anong ginagawa niyo diyan? Naka-upo lang at nakatunganga? Nandoon na classmates natin sa classroom!"-Ito naman ang sinabi ni JB. Siya ang pinakamature sa aming grupo. Dali-dali naman kaming tumayo at naglakad papuntang classroom. Si Youngjae naman, ayun! Tahimik na nagbabasa ng libro. Good boy daw eh. Ewan ko ba sakanya pero ang awkward niya kausap. Dapat isa kang conversation starter kapag ikaw kakausap sa kanya, pare.

****************************

Nandito na ako ngayon sa classroom at kasalukuyang naboboringan sa pagtuturo ng aming guro. Ito ang pinakapaboritong subject ni A. Gusto ko rin sana itong subject na to kaya lang ang hirap lang kasi eh.

"Mr. Kim! Are you listening?"-Tae. Lahat napatahimik at lahat nakatingin sa akin pati si A. Tae. Mapapahiya ulit ako nito.

"N-Ne, ne."-Sinabi ko habang tumatango.

"Then what is the color of the veins in our body?"-Tanong ng aking guro habang ibinaba ang kanyang salamin sa mata.

"R-red."-Sabi kong nag-aalangan. Tama ba? 

"No, you're wrong Mr. Kim. Please listen attentively and listen to my class. The color of the veins is blue while the arteries are red."-Ito ang sinabi ni ma'am at nagpatuloy na sa pagdidiscuss. Nahuli ko namang sinulyapan ako ni A. Tae pare. Imbes na matuwa ako nahiya pa ako. Naman o.

Mga ilang minuto ang lumipas, natapos din ang klase. Nagsilabasan na ang mga classmates ko. Nilapitan naman ako nina Mark at Jackson at kinantsawan sa ginawa ko kanina.

A's POV

"Teh, una na ako ah? Ingat ka. Bukas nalang ulit."-Sabi ng aking friend ko at nauna na siyang umalis. Nandito pa rin ako sa lobby ng school. Hinihintay ko si kuya eh wala naman siya. Kaasar! Baka ma-late ulit ako nito. At habang nakatayo ako sa gilid ng lobby ng school, narinig ko yung tawa ni Jackson oppa. Hala! Paparating na sila Yugyeom! Dali-dali kong inayos yung buhok ko at ang porma ng aking uniform.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GOT7 OneshotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon