Chapter 13~~ Trouble again

621 27 0
                                    

Jake's P.O.V.

Naginit naman ang ulo ko nung makita ko si Kylie na may kasamang lalaki. And worst nagtatawanan sila? Huh? Kanina lang sinusungitan niya ako at ayaw niya akong makausap dahil nagaway sila ng kaibigan niya tapos ngayon makikita ko tatawa tawa siya na parang walang nangyari? At kasama niya pa ay isang lalaki? Wtf.

Nakita ko nalang ang sarili kong papunta sa inuupuan nila.

"Hey." Sabi ko at napatayo naman sila.

"Jake? What are you doing here?" Sabi ni Kylie na nagpainit ng ulo ko.

"Huh? Sinusundo ko lang naman yung girlfriend ko? At ikaw yun! So let's go!" Sabi ko sabay hila sakanya.

"No! I won't! Bitawan mo ako!" Sabi niya at hinila pabalik yung kamay niya.

"Bitiwan mo siya kung ayaw niyang sumama." Sabi nung mayabang na lalaki na kausap kanina ni Kylie.

"Eh gago ka pala eh!" Sabi ko sabay suntok sa kanya.

Kylie's P.O.V.

"Eh gago ka pala eh!" Sabi ni Jake sabay suntok kay Daniel.

"Daniel! Jake stop!" Sigaw ko pero gumanti naman si Daniel kay Jake.

"Hey Daniel tama na!" Sigaw ko nanaman at ganun padin para bang di nila ako naririnig at patuloy parin sila sa pagsusuntukan.

"I SAID STOP!" Malakas na malakas na sigaw ko na nagpatigil sa kanila. Nabitin naman yung kamay ni Jake na susuntok sana kay Daniel.

"Sa susunod na magsusuntukan kayo wag sa harap ko! Dahil naiirita ako! Ang laki na nga ng problema ko tapos dadagdagan niyo pa! Ikaw! Naguusap lang kami ng tao tapos bibigla kang susulpot at galit? Huh? Ikaw naman! Gaganti ka pa talaga! Ako kaya sumuntok sa inyo isa isa! Bwisit mga to!" Sermon ko sa kanila at nagwalk out.

Pumunta ako dun sa garden ng school at umupo sa damuhan.

"Nakakairita! Nakakabwisit! Nagkandaleche leche na buhay ko ng dahil sa jake na yan! Argggggh!" Sabi ko at pinagbubunot ang mga damo dahil sa inis.

"Huy! Kawawa naman yung damo!" Sabi ng mokong pero si ko pinansin.

"Sorry." Sabi niya sabay upo sa harap ko.

"Lumayo ka nga sa akin." Ako.

"Kylie." Sabi niya sabay kuha ng kamay ko binawi ko naman agad.

"Anong part ba ng word na 'lumayo' ang hindi mo naintindihan? Nagkandaleche leche na buhay ko! Nasira na pagkakaibigan namin! At yun ay nang dahil sayo! Hindi ka pa ba masaya? Hindi ka pa ba pagod? Kase ako pagod na pagod na." Sabi ko sabay nagsimula ng tumulo ang mga luha ko.

"Sige saktan mo ko! Sampalin mo ako! Suntukin mo ako! Kasi deserve ko naman talaga yun eh. Deserve ko kasi gago ako." Sabi niya sabay yakap sa akin.

"I'm sorry Kylie for being a jerk. I'm sorry." Sabi niya sabay haplos sa buhok ko.

Nawala naman bigla ang sama ng loob ko sa kanya. Feeling ko gumaan ang pakiramdam ko.

"S-Sorry din." Sabi ko sabay yakap din sa kanya.

"You don't have to say sorry. Kasalanan ko to." Sabi niya at bumitiw sa yakap.

"Hatid na kita." Sabi niya at tumango na lang ako.

Fast Forward

"S-Salamat ulit ha!" sabi ko. Andito na kami sa tapat ng bahay sa loob ng sasakyan nya.

"Wala yun pasok ka na nga magagabi na." di ako sanay na ganyan kabait si Jake sa akin.

"Uhm.. Bye." sabi ko.

"Sige na. Pasok na dun at baka masmainlove ka pa sa akin." sabi nya with matching kindat. Eww asa.

"K. Bye."  sabi ko sabay roll eyes.

"Mukha kang baliw!" siya.

"Haha. Pero seryoso. Salamat talaga. Parang naging comfortable na ako kasama ka." Sabi ko at ngumiti.

Lumapit yung mukha niya sa mukha ko. Hindi ko alam ang gagawim ko kaya pumikit na lang ako. Pero dahil sa tagal. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita kong tinatanggal niya pala ang seatbelt ko. Ay paasa.

"Three times ko na tong sabihin pero babye padin haha." sabi ko at bumaba na ng sasakyan niya at pumasok na sa bahay. Dumeretso na agad ako sa kwarto at naligo at nagbihis at humiga na.

Nakatingin lang ako sa kisame nagmumuni muni. Ang daming nangyari ngayong araw na to.Naiyak na lang ako bigla ng maalala ko kanina ang nangyari. Di ko lubos maisip na magkaaway na kami ni Melvie.

Natatakot ako para bukas ayaw kong pumasok kasi classmate ko siya kasi katabi ko sya. Naiisip ko pa lang ang mangyayari bukas ay nanginginig na ako.

---3---3---3---3---3---3---3---3---3---3---3---3

Yun oh! Nakapag update din haha. Nice medyo mahaba chapter na to yun nga so.

Please click VOTE and COMMENT.

Teway teway po. :*

Ay sorry, Wrong SendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon