Chapter 1:

3 0 0
                                    

May nagsasabi ang buhay natin ay puno ng pagsubok.Pero ang buhay ko punong puno ng pagsubok. Araw-araw na lang lagi ako may pagsubok . Ako nga pala si Athena Sillvana. Kagaya ng Tiya ko na umapon sa akin lagi niya na lang ako pinapahirapan at may kasabihan nga talaga na "Like Mother Like Daughter"

Di ko alam kung bakit ako na punta sa sitwasyon ito... Ang kwento sa akin ni Tiyo nagmamaneho na daw siya pauwi galing trabaho. Na nakita nya ko sa gitna ng kalsada na naka lagay sa isang basket.

Halos hating gabi na nang makita nya ko. Tumatawa lang daw ako ng makita ko daw siya. Parang may kung ano humaplos sa puso niya kaya di siya nag dalawa isip na kunin ako.

Halos katayin na daw siya ni Tiya ng iuwi ako. Dahil akala anak ako ni Tiyo pero pinaglaban niya ako na aalagaan niya ako. Kaya kapag nasa trabaho si Tiyo syempre kasama niya ako. Hanggang lumaki at na kapag aral... Ang sabi ni Tiyo sa akin kahit di niya ako tunay kamag anak ay mahal niya ko.

" Ikaw Hera ang nagbigay nang swerte sa buhay ko ng dumating ka.... At lagi mo tatandaan na mahal na mahal kita   kahit di ka nang galing sa akin" sabi niya ng araw ng kaarawan ko.

labing walo na ko niyon... Ngunit ng sumapit ang alas-dose ng gabi. Nagbago ang pakiramdam ng katawan ko mainit at masakit ang aking birthmark sa aking kaliwang bewang... para ako niluluto sa sobrang sakit.

At pagkagising ko kinabukasan parang lumakas ako at may nag iba sa katawan ko.

"Hera!!!Bumangon kana dyan at ipagluto mo ko ng pagkain!!!" -sigaw ng anak ni Tiyo at Tiya na si Jolly

"Ito na!!! Lalabas na ko!!!" -sigaw ko

"Aba't sinisigawan mo ko!!! Mommy sinisigawan ako Ni Hera!!!- sigaw ni Jolly. Hayyy... Napa iling na lamang ako habang tumutungo sa banyo upang gawin ang aking morning rituals

Pagkatapos ay lumabas na ko upang mag asikaso ng makakain nila Tiya at Tiyo

"HERA!!!!! ano naman ito... na sinisigawan mo ang anak ko" Sigaw sa akin ni Tiya. Wala ako magawa kundi yumuko at tanggapin ang mga sermon niya

Nang matapos sya sa kakasermon binilisan ko na ang paggawa ng pagkain upang pumunta na sa eskwelahan

College na ko sa susunod na pasukan pero wala pa ko School na nahahanap. Pagkatapos ko gawin ang dapat gawin sa bahay nila Tiya ay nagmamadali na ko umalis. Dahil panigurado di ako papaalisin ni Tiya. Pagkarating ko ng school may na daan ako na mga estudyante

"Uyy alam mo ba yung balita na may kababalaghan na naman ang nakita sa may Sumpa Gubat" sabi ng isang babae sa kasama nito

" Oo nga ehhh may nakakita daw na lumiwanag daw ito kagabi at naglabas ang ibat iba klase ibon" sagot nung isa

Ang Sumpa Gubat na sinasabi nila ay  kung saan ako nakita ni Tiyo. At  kung ano ano ng kwento kababalaghan na ang naririnig ko dito.

Nang matapos ko ang dapat ko makuha mga files ay nag mamadali na ko umuwi. Dahil tumakas lamang ako kay Tiya.

Habang pauwi ako nag-iisip ako kung ano school ang aking pag-eenrollan. Bigla na lamang may dumapo na Kuwago sa akin balikat. Habang may kagat-kagat itong gintong sobre.

Inabot sa akin ng kuwago ang sobre at nang makuha ko ay agad ito lumipad.

Tinignan ko ang hawak ko na sobre. Kulay ginto ito at naka seal. Nagtaka naman ako sa naka sulat sa sobre " Light Academy"

"May ganito ba talaga na School?" na buo tanong ko sa isip ko. Agad ko binuksan upang mabasa ko ang nasa laman nito

Light Academy

Isa ka sa napili ng aming school upang makapag -aral sa Light Academy

Ikinagagalak namin ang iyong
pagpasok sa amin Academy. Ikaw ang napili ng ibon ng Academy upang hasain ang iyong kapangyarihan.

Alas-dose ng gabi ay ikaw ay susunduin. Maaring ihanda mo na ang iyong mga gamit at mamaalam sa iyong pamilya.

Sapat na ang iyong edad upang ikaw ay bumukod at magsanay ng iyong kapangyarihan. 

Lahat ng iyong mga kailangan ay kami na ang sasagot.  Kailangan ka namin para sa darating digmaan...

Nagpapasalamat,
Headmaster.

Hindi ko alam kung magiging masaya ako o malulungkot. makakapag-aral ako pero maiiwan ko ang pinakamamahal ko tiyo dito. Pero bago ako magdesisyon tatanungin ko muna sya. Kung papayag sya o hindi at handa ako sa anuman mangyayari.

Itinabi ko ang sobre at nagsimula maglakad pauwi sa amin bahay.


Not Just A Ordinary FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon