Malakas na kalabog ang nakapag gising sa akin sa gitna ng gabi... Maingay na sigaw ni Tiya at Pinsan ko ang aking narinig.
Agad agad ako lumabas upang malaman kung ano ang nangyayari. Dahan dahan ko binuksan ang pinto ng aking kwarto...
"Mama!!!!" - Sigaw ni Jolly kaya dali dali ako lumabas at na bigla ako sa nakita ko.
"Tiyo!!!" -Sigaw ko ng makita ko may sumasakal kay tiyo at tiya ng kakaiba itsura ... Matangkad ito at kulay berde ang kanyang mga balat, itim na itim naman ang kanyang mga mata, matulis ang mga kuko, Galit na galit ang kanyang itsura, sabog ang mga buhok.
Agad ito tumingin sa amin ni Jolly. kaya napakapit ang pinsan ko sa braso ng sobra higpit.
"Sino sa inyo ang Prinsesa?!!" -Patanong na sigaw nito. Galit na ibinalya nito ang tiyo at tiya ko. Kita kita namin kung paano humampas ang katawan nila sa may pader. Kasunod ng pagbagsak nila ang malaki frame na nakasabit sa pader ang bumagsak sa katawan nila.
"Hindi"-takot na bigkas ko. Tumakbo agad agad kami ni Jolly sa mga magulang nya na umiiyak.
"Mama... Papa" umiiyak na sigaw ni jolly.
"Tiya ... Tiyo... "-sabi ko habang salitan sila niyuyugyug.
"Wala makakalabas ng buhay sa pamilya ito!!!Mamatay kayo!!!" Sigaw nito... Agad kami napatingin sa kanya. Dahan dahan ito lumalapit sa amin. Kaya agad ko hinatak si jolly patungo sa itaas ng silid ng kwarto nya.
"Hindi... balikan natin sila.."- sabi nito at balak na buksan ang pintuan. At dahil nanghihina sya agad ko sya hinatak sa loob ng aparador. Kung saan may sekreto taguan. Niyakap ko si Jolly ng mahigpit kasabay nyon ang malakas na hampas sa may pinto.
"Tumingin ka sa akin Jolly... Ngayon mo ipakita ang tapang mo"- matatag na sabi ko. Tumingin ito sa akin na lumuluha.
"Hera..." sabi nito.
"Makinig ka... wag ka lalabas hanggang di sya umaalis dito. Maghintay ka ng tutulong sa atin. " sabi ko dito at niyakap ko ito.
"Ililigtas kita... Jolly kayo ni Tiya at ni Tiyo... tandaan mo huh.." sabi ko pero tangi luha lang ang pumatak sa mga mata nito.
"Ikaw ang naghubog ng katapangan ko at kung hindi ako makakabalik sabihin mo sa kanila na mahal na mahal ko sila at ikaw din jolly na tinuring ko kapatid mahal na mahal kita" mabilis na sabi ko dto. Dahil anuman oras ay maaari na masira ang pintuan. Kasabay yun ang pagkalas ng mga yakap ko sa kanya. at mabili na pagsara sa sekreto taguan at aparador.
"BUKSAN NYO ITO!!!!! KUNG HINDI PAPATAYIN KO KAYO" Kasabay nyon ang malalakas ng hampas sa pinto.
Dali Dali ko binuksan ang balkonahe. Agad ako bumalik at kinuha ang kumot at sapin para maging aking tali sa aking pagbaba. Kinuha ko ang tsinelas ni Jolly na naiwan nya nakakalat sa sahig at binato sa malayo.. upang maging pain na nakakababa na din si jolly at nakatakbo ng malayo.
Nilaglag ko ang tela. pagkatapos ko ito itali sa bakal at dali dali bumaba
"Takbo Jolly!!!takbo" sigaw ko... kasabay nyon ang pagsira ng pinto at mabibilis na hakba patungo sa akin. napa tingala ako sa itaas at ng makita ito ay dali dali ako tumakbo. Patungo sa masukal na gubat.
Tila sumasabay ang panahon sa masama nangyayari sa amin dahil bumuhos ang malaka na ulan. Na walang tigil ng pagpatak ng luha ko at takot.
"PAPATAYIN KITA!!!" Sigaw nito at ramdam ko mabilis ito tumakbo at sa pagtakbo ang sya pagbagsak ng katawan ko sa lupa dahil nadapa ako sa isang malaki bato na hindi ko na pansin. Hirap na hirap ako tumayo. kasabay niyon ang paghirap ko huminga at paglutang ko sa lupa
Sinasakal ako nito. na gusto na tapusin ang buhay ko. Pero hindi ako papayag sinaktan nya ang Tiya at Tiyo ko ang mga magulang ni jolly.
Hindi ako papayag na ako ang mamatay hindi....
Nag iba ang pakiramdam ko huminto ang oras ang pagkulog at kidlat. ang pagpatak ng ulan.. kasabay niyon ang pagbabago ng aking kulay sa mga mata.
" Ikaw ..."sabi nito. at ang pagkawala ng malakas na pwersa sa katawan ko. ang pagtilapon ng katawan nya at katawan ko...
At sa pag dilat ko kita kita ko sunog at umuusok ang katawan nito na walang malay. At unting unti pagiging abo nito.
Kumikirot ang balikat ko at ng maaninag ko ito. umiilaw ang balat ko sa likod. Agad ako tumayo ag naglakad na walang direksyon hanggang na hulog ako sa malaki butas...
BINABASA MO ANG
Not Just A Ordinary Fantasy
Viễn tưởngI was a simple girl with a simple dream. Pretty,Smart,Kind and Brave. Pero sa simple buhay ko magbabago ang lahat. Sa isang School na na puno ng misteryo Na bahagi ng buhay ko.... Ang Buo ay Magugulo Ang Ayos ay masisira Ang Kumpleto ay magiging ku...