Chapter 23:Her Dream

5.6K 134 4
                                    

Clariz Point Of View

'Mahal na prinsesa'

'Mahal na prinsesa'

'Mahal na prinsesa'

'Mahal na prinsesa'

Nagising ako dahil sa ingay na yun iminulat ko ang aking mga mata at napagtanto ko na nasa lugar ako na may magandang tanawin may mga magagandang bulaklak may malinis na lawa mga huni nang ibon may matataas na puno

Umupo ako galing sa paghiga pero teka diba nasa room lang ako?

'Mahal na prinsesa'

Napatingin ako sa paligid ngunit wala talaga akong makita kundi ako lang mag-isa

"Si-sino ka?"kinakabahang sabi ko

"Hindi na po importante kong sino ako,,,"

"Na-nasaan ako?magpakita ka"sigaw ko isang boses na babae ang naririnig ko

"Mahal na prinsesa,kailangan na po nila kayo,,"

"Sinong sila?"mahinahong sabi ko

"Ipapakita ko po sila sa inyo mahal na prinsesa,,malapit na po kayong bumalik,,"

Nalilito man ngunit pinanatag ko ang aking kalooban

Nagulat ako dahil ang kaninang magandang lugar ngayon ay parang nasa isang digmaan nako

Tuyong lawa may mga dugo sa lupa nasusunog na mga bahay sunog na mga damo't puno

Napatingin ako sa paligid at tama nga ako nasa isang digmaan ako may mga taong may kapangyarihan?totoo ba to?

May nahagip ang mata ko isang babaeng may suot na armor may sungay may itim na paro-parong pinapalibutan siya may mga halimaw na sumusunod sa kanya may suot din itong korona

May isang babaeng kumakalaban sa kanya tinatapunan niya ito nang kung ano-anong bagay na matutulis na gawa mula sa lupa kung hindi ako nagkakamali kapangyarihan niya ito may kayumanggi (brown)itong mata at buhok

Ngunit nagulat ako nang biglang sinaksak nang babaeng may sungay na may korona kung di ako nagkakamali siya ang reyna nang mga demonyo sinaksak niya ang babae sa banda nitong dibdib isang espadang itim ang gamit nito na may nakaukit na kung ano na hindi ko maintindihan may tatoo din ito sa katawan

Nagulat ako nang biglang tumingin sakin ang babaeng nasaksak nakangiti siyang tumingin sakin,at mas lalo akong nagulat nang pinutulan ito nang ulo

Napatakip na lamang ako sa aking bibig at biglang tumulo ang aking luha

Napatingin naman ako sa babaeng yun o reyna nang mga demonyo at mas lalo akong nagulat nang mag tama ang aming mga mata im-impossible magkamukhang-magkamukha kami hi-hindi ako yan hindi!!!at mas lalo akong nagulat nang sa isang iglap lang nasa harapan ko na ito at ngayon ko lang napagtanto na may pangil ito nagulat na lang ako nang bigla niyang kinagat ang aking leeg

*****

"Aahhhhhh"nagising ako hingal na hingal habol ang hininga at pawis na pawis tumutulo din ang aking luha hindi ko alam kung anong gagawin totoo ba talaga iyon?

Nakarinig ako nang mga yabag nang paa papunta sa kwarto ko kung hindi ako nagkakamali tumatakbo ito

Biglang bumukas ang pintuan at nakita ko sila ni mommy at kuya na nag alala

"Oh my!!!"sigaw ni mommy sabay yakap sakin lumapit si kuya sakin humiwalay si mommy sa yakap..niyakap ako ni kuya kaya gumanti din ako nang yakap at doon umiyak sa balikat niya

Blake POV

"Ssssssshhh stop crying,,,"

"Ku-kuya sob* n-nag sob*pa-pakita na-naman sob* sakin sob* ku-kuya sob*"iyak na sabi ni Clariz binangungut na naman siguro si Clariz limang pagkakataon na niya itong napanaginipan paulit-ulit ito

"Ang alin?"mahinahonh sabi ko

"Ku-kuya sob* ga-ganon sob* pa rin"imposibleng nagkataon lang na magkaparehas ang napapanaginipan niya hindi kaya totoo iyon?kailangan ko nang tanungin si mommy naramdaman ko namang biglang bumigat ang balikat ko napatingin naman ako kay Clariz nakatulog na pala siya

Inalalayan ko siyang makahiga nang mahiga ko na siya biglang

Bogggsssssssh

Nagulat kami ni mommy kung ano iyon

"Ako na"sabi ni mommy tatanggalin ko na sana ang kamay ko pero sobrang higpit nang pagkayakap ni Clariz sa braso ko

Tumango na lang ako kay mommy mabuti na lang di siya nagising 

Bumaba na si mommy

Napatingin ako kay Clariz nang biglang tumulo ang luha niya...naalala ko tuloy kung paano ko siya nadala sa bahay oo tama kayo hindi ko siya kapatid nakita ko lamang siya sa isang eskinita duguan siya ,,may kulay violet siyang mata at buhok non dinala ko siya dito nong nagising siya wala siyang maalala ngunit napansin ko non ang kwentas na suot niya

Isang gintong kwentas na may pendant na buwan pinabalibutan ang buwan nang iba't ibang kulay napakaganda nong kwentas na yun sa gitna nang buwan may koronang nakaukit doon

Naputol ako sa pag iisip nang biglang bumukas ang pinto at niluwa doon si mommy tinanggal ko na ang kamay ni Clariz na nakapulupot sa braso ko napatingin naman ulit ako kina mommy na may kasamang lalaki...si daddy?

***End Of Chapter 23***

The Long Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon