Chapter 58:Saving The Life Of Princesses And Prince's,Dark Kingdom

6.4K 147 8
                                    


Ayesha Dem Harrien Point Of View

Nanginginig ang tuhod ko na anytime pwede akong matumba,nang lalamig ang mga palad ko,hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin,totoo ba talaga ito?hindi ko akalain na ang panaginip ko'y magiging totoo,senyales na ba ito para sa akin?

Kailangan kong magpakatatag,ngunit paano? ayaw kong pumasok sa pintuang ito,masama ang kutob ko sa nilalamang ng silid na ito..

"Ma-mahal n-na pri-prinsesa.."rinig kong saad ng isang kawal na aking kasama,naririnig ko ang takot sa kaniyang boses,tumingin ako sa kaniya ng dahan-dahan,bahagyan ako nagulat dahil sa nakita ko,

Ang putla-putla niya kahit nakasuot pa ito ng pang kawal ay kitang-kita ng mismong dalawang mata ko kung paano siya pumutla,

"Ma-mahal n-na pri-prinsesa a-ano po-pong na-nangyayare sa i-inyo?"mababatid mo ang takot sa kaniyang boses,yumuko ako't pumikit hindi maaari!!hindi nila ako pwedeng makuha!!! kailangan ko muna silang makuha't maligtas sa kamay ni tita Devon,kailanga-------

"Aaahhhh"napahawak ako sa aking ulo at hindi ko mapigilang mapahiyaw sa sakit na aking nararamdaman, hindi ko mabatid kung saan banda ang sakit na aking nadarama,ngunit mas lalo akong mapahiyaw nang may maramdaman akong kakaiba sa loob ng aking katawan

"Aaaaaaahhhhhhhh"

*And everything went black*

Third Person Point Of View

Nawala ang lahat ng kani-kanilang konsentrasyon ng marinig ng napakalakas na sigaw ng isang binibini,at sa hindi malamang dahilan bigla na lamang nagkagulo sa labas ng kanilang palasyo,Hindi mo mababatid Kung ano ang nangyari sa kanila,pinapatay nila ang sarili nilang kakampi,para silang baliw na nagwawala sa hindi malalamang dahilan,

Nagpatuloy silang maglakad patungo sa isang pintuan,pintuan kung saan naroroon ang mga prinsesa at ang prinsepeng si Hiro na nakakulong sa isang kulungan na may itim na mahikang ginamit para roon

Nang buksan nila ang pintuan,biglang lumiwanag ang mukha ng binibining kanilang dinala roon,may mga kulungang gawa sa itim na kapangyarihan,may mga matutulis na bagay ang nasa loob ng seldang iyon..

The Long Lost Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon