Luna POV
bakit ganun ang inasta ko kanina dapat galit ako!
Dapat sinusungitan ko siya!
Di ko na maintindihan ang pinag gagawa ko"Uyy! Pede bang sumabay mamaya sa pag uwi mo?" Tanong sakin ni Alexis di ko alam kung anong meron sa kanila. Mga pinag sa sapian ata ng mabait na elemento.
Dati kasi mabait sila sa akin pinapansin nila ako ang bait dati ng pag sasama naming mga kaklase.pero nung nalaman nila na naging bf ko si ethan halos lahat sila nagalit sa akin at simula non di na nila ako pinansin. At ang mas nakaka gulat pa ay kinausap ka ng isa mong kaklase.
"Ha hmm pede naman" nginitian ko siya at tinuon ko ulit ang atensyon ko sa nag tuturo sa unahan
Di nalang ako sa sabay kay ethan pwede naman ata yun diba! Arrange marrage lang naman kami anong masama kung sa sabay ako sa iba!!
~kringgg,kringgg,kringgg~
Agad kaming nag sitayuan para lumabas na nag bell na kailangan na namin mag madali ni alexis para di na ako maabutan ni ethan.
"Alexis let's go" pag kasabi ko ay tumakbo ako papuntang gate sumunod din naman siya sa akin
"Bakit ka nag mamadali?" Sabi niya at hinawakan ang kamay ko
Na ikinatingin ko.
"May pinag tataguan kabang tao ha" sabi niya at halata sa mukha niya ang pag tataka."Ha! Ako may pinag tataguan w-wal-" di ko na natapos ang sa sabihin ko ng makita ko si ethan na papalapit dito dahil sa mabilis na pang yayari ay nakalapit siya sa amin at sinapak si alexis
"Ethan ano ba!! Tama na yan" awat ko sa kanya pero imbis na pakinggan ito ay sinapak ulit ni ethan si alexis na ikinatumba na ni alexis.
Agad akong gumitna sa pagitan nilang dalawa at inawat si ethan baka mapatay niya pa si alexis."Ano ba ethan tama na!!" Galit na sabi ko sa kanya.
"Tama na! Saman talang ikaw kung maka hawak ka sa kanya wagas!" Galit din na sabi ni ethan at pinipilit na maka lapit kay alexis.
"Alexis umalis kana! Next timena lang ok!" Sabi ko habang naka tingin sa kanya.
Tu.ango lang siya at tumakbo papalayo.
Ng di ko na siya matanaw ay binitawan ko na si ethan at tinitigan ng masama."Ano bang problema mo ha!" Tinitigan ko lang siya ng masama
Ganun din siya sa akin ang sama ng awra niya na nakatingin din ng masama sa akin.So ganun titigan lang ng masama
"Ikaw bakit mo kasama ang lalaking iyon ha!" Galit niyang sabi na ikina ngiti ko ng peke.
"Eh! Pake mo! Hawak mo ba buhay ko ha!" Sabi ko na pagalit oh well galit naman talaga ako kaya dapat pag sa salita pa galit din.
"Pero kasal kana sa akin ganyan kaba lalandi kapa sa iba!" Sabi niya at hinawakan niya ang braso ko na napa kadiin at kinaladkad ako.
Ng makarating kami sa parking lot ay pinilit kong inaalis ang pag kakahawak niya sa braso ko ng mabitaw niya na ako ay humugot ako ng lakas para maka pag salita.
"Eh ano bang pake mo ha! Arranged marrage lang naman tayo ha!" Sigaw ko sa kanya at nag iba ang awra niya. Wala na akong nakikitang galit, matapang
,mapanakit lahat ng ito nawala sa pangin ko naging malungkot, mahinahon, at maamong mukha.
Parang ang sakit ng makita siyang ganun natauhan ako sa sinabi ko di ko alam basta ang alam ko di ko na siya mahal.Tumalikod siya sa akin at nag lakad na papuntang kotse at sumakay. Ilang minuto din akong naka tulala at walang imik.
Ano ba ang ginawa ko nakaka kunsensya.Ng matauhan ako ay nag lakad din ako papuntang kotse at sumakay.
"Galit ka ba sa akin?" Pag tatanong ko sa kanya imbis sagutin ako ay pinaandar niya ang kotse.
"Uyy! Galit kaba sa akin?" Pag tatanong ko ulit sa kanya pero this time sinagot niya na din ang tanong ko
"Mahal mo ba ako?" Pag tatanong niya sa akin habang nakatuon parin ang atensyon niya sa kalsada.
Hindi ako naka sagot sa tanong niya hindi ko alam kung mahal ko siya."Hindi mo ba ako mahal?" Pag tatanong niya ulit sa akin kahit pangalawang tanong na niya sa akin ay hindi oarin ako maka sagot ang hirap sagutin basta na lilito pa ako sa ngayun.
Di na siya nag tanong sa akin at nag konsintreyt na lang siya sa pag da drive.
Ng maka uwi na kami sa bahay ay di na siya umimik at nag salita
Dumaretsyo ako sa kwarto at nag bihis na ng pants at simpleng damit. Kahit hindi pa gabi ay naka pang tulog na ako.Bumaba ako at dumaretsyo ako sa kusina na kita ko doon si ethan na naka upo at malalim ang iniisip. Nag patuloy na lang ako sa pag lalakad at nag luto nang makakain.
Habang nag niluluto ko ang hotdog ay na ramdam ko ang presensya ni ethan na nasa likod ko.
Hinarap ko siya at ganun na lang ang pag kagulat ko ng yakapin niya ako."E-ethan" utal kong sabi sa kanya.
"Hmmm" umiiyak ba siya bakit? Siguro dahil kanina alam kong nasaktan ko siya pero naka sakit din naman siya ng tao HAYST! Ewan ko na babaliw na ako help me guys!
Ng bumitaw na siya sa pag kakayakap ay agad kong nakita ang mata na may bakas pa ng luha agad kong nilapag ang hawak kong tinidor at hinawakan ang dalawa niyang pisngi.
"May masakit ba sayo ha?" Pag tatanong ko sa kanya hinawakan na man niya ang puso niya at ngumuso
"Ang sakit ng puso ko" sabi niya habang naka nguso.
Napangiti ako sa pag nguso niya na para bang bata na naki pag away.
Agad ko siyang kinisan sa labi at niyakap siya ewan ko nagiging marupok na ata ako."Sorry sa sinabi ko kanina" sabi ko at inalis ang pag kakayakap niya sa akin ngumiti siya sa akin at hinalikan ako na tinugon ko naman. Habang nag lalakbay ang kamay niya ng maamoy ko ang amoy sunog.
Amoy sunog!
Amoy sunog jusko yung niluluto ko marahan ko siyang tinulak at pinatay ang kalan.
"Sunog tuloy niluluto ko" sabi ko habang naka upo kami at tinitignan ang na sunog na hotdog.