Prologue

107 4 2
                                    

KHARIS POV

"Sa panahon ngayon,lahat ay imposible.May nagagawa na ang tao na higit pa sa ekspektasyo ng nakakarami.Mga high-tech na kagamitan para mapabilis ang gawain ng isang tao,maaring makatulong o maaaring mapasama,dahil sa mga kagamitang ito natuturuan tayong mga tao maging tamad,maging iresponsable dahil aasa nalang tayo sa mga makabagong kagamitan upang mapadali ang ating buhay.

Pero sa aspeto ng buhay,walang mga kagamitang kayang likhain ang isang tao upang mapadali ang buhay,hindi ba? Sabi nga nila,lahat ng nangyayare sa buhay mo ay may dahilan,lahat ng problema mo ay may kaangkupang sulosyon.Lahat ng pinag daanan mo ang magtuturo sa iyo na ang buhay ay hindi puro pasarap lang,na ang lahat ng mga ito ay pagsubok sa buhay na syang huhubog sa iyo para mapabuti at malagpasan pa ang mga panibagong pagsubok na nakaambang sa iyo.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng buhay?Natural lamang na Maraming ibig sabihin ang buhay,dahil maraming nabubuhay.Kanya-kanyang-"

"Ethore Cirino!" Napahinto ako sa pag ta-type sa laptop ng may narinig akong sigaw. Si Papa.

Napa buntong hininga na lamang ako at napahilot sa aking sintido,may ginawa na naman sigurong kalokohan ang isang yun at malamang sa malamang si Papa nanaman ang na pagtripan nya.

Ipinag sa walang bahala ko na lang ang kumusyon sa baba at pinag patuloy ang naudlot na pagsusulat.

Dahil nako kailangan ko ng ipasa to sa makalawa, hectic pa naman ang schedule ko dahil marami nanaman akong tambak na gawain sa office at kailangan narin itong ipasa sa lalong madaling panahon,kung hindi naman kase isa't kalahating ulupong si Calli edi walang sanang problema.

Hindi sana nag rumble-rumble ang schedule ng pasahan,pati manuscript ko di ko na naasikaso dahil sa isang yun.

"Ethyia Cirino!" Narinig ko nanamang sigaw mula sa baba,sa puntong ito si Mama naman ang narinig ko.Malamang sya naman ang kinukulit ngayon.

Katulad nang naunang sigaw dinedma ko nalang ulet,kaya naman na nila Mama at Papa i-handle ang dalawang iyon.Ano naman kase ang magagawa ng mga bata aber?Di naman sila makakasira ng gamit-

"Jusko kang bata ka!Sale yan nung binili ko!Yung mga action figures ko!"

O makakasunog-

"Ethyia!Sweetie diba sinabi ko naman sayong wag kang mag laro sa kusina? Pano kung mapahamak ka?"

Balak ko sanang ipag sawalang bahala nalang at wag pansinin yung kaguluhan sa baba para matapos ko na yung trabaho kaso nga lang-

"Kharis yung mga anak mo!" Sabay na sabi ni Mama at Papa,malamang ay nangungunsumi na sila sa dalawa.

Sa huling pag kakataon napa buntong hininga nalang ako. Walang pag aalinlangang itinigil muna ang trabaho at harapin ang dalawang pasaway at matahimik ang dapat matahimik!

❄❄❄

Pagkababang pagkababa ko ay sumalubong agad sa akin ang napakagulong sala.Ang dating malinis at maaliwalas naming sala ay halos di na makilala.As in sobrang gulo parang dinaanan ng bagyo lalo yung mga gamit,naka kalat nalang at wala na sa ayos. Sumasakit ang ulo ko sa nakikita ko.

'Mukhang nag enjoy ang kambal ko ah.

Iginala ko ang aking mga mata sa buong sala.Sa isang tabi nagkalat ang mga pinaka iingat-ingatang laruan ni Papa,well action figure daw ang tawag dun pero wala akong pakialam pare-parehas lang silang mga mukhang laruan.

Who's The FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon