Chapter 2

3 0 0
                                    

Nagising ako sa ingay. Bumaba ako at dumeretso sa lababo para makapag-mumog, nagulat ako ng malaman na ala-sais na pala ng gabi. Tumakbo ako palabas at dumeretso sa ref upang kumuha ng pagkain.

Mukhang wala pa si aling Melda

Kinuha ko ang pakbet at ininit ito sa kawali, napangiwi ako ng matalsikan ng mantika. Bumuntong hininga ako bago pinatay ang stove at nag-tungo sa kwarto ni Dwayne.

Hindi narin ako kumatok pa dahil siguradung hindi niya ako pagbubuksan gaya ng kanina, ganoon parin ang ayos niya. Naka-upo ngunit hindi na sa bintana naka-tingin kundi sa isa ring picture frame na kaliitan sa tabihan ng kanyang kama. Picture rin ito ng kanilang pamilya— buong pamilya. Sa tabihan naman nito ay picture rin kaso siya lang at ang ate niya. Naka-akbay siya at naka-ngiti dito na hindi mona makikita ngayon sa kanya.

Inilapag ko ang plato sa kama bago siya hinarap.

"Dwayne, kumain kana."

Hindi niya ako kinibo

"Dwayne, hindi ka ba nagugutom?" tinanaw ko ang pagkain na dinala ko kanina. Walang pinagbago ibig sabihin hindi niya kinain.

Ano bang problema niya?

"Dwayne, kausapin mo naman ako. Teka, naaalala mo pa ba ako? siguro. Kaso mukhang natulala kana sa beauty ko ngayon." napatawa ako ng mahina, hindi siya nagsalita pero binalingan niya ako ng tingin

Bakit ang gwapo niya parin?

"Anong nangyari. Bakit ka nagkaganyan? sabihin mo sakin, Dwayne. Alam mo ba dati 'diba ayaw kong nagtatago ka sa akin ng sekreto kaso.. ang masakit wala ring kwenta dahil naloko mo parin ako. Pero bakit ganon?" nilabanan ko ang titig niya. "Bakit hindi ko parin kayang magtanim ng galit sayo?. Ganon naba ang epekto ng pang-uuto mo sa akin, Dwayne?" Nagkaroon ng sandaling katahimikan

"Ang saya niyo sa mga litrato na 'yan ah? na saan na ba sila? teka, na saan ang babaeng bumihag sa puso mo ng tuluyan?" nabigla ako sa tinanong ko at alam kong s'ya rin dahil nag-iwas siya ng tingin

"Ang gwapo mo parin po. Magsalita ka naman oh? or kumain ka nalang po? ayaw mo po ba? hmm.. sige sasabayan kita, ayos ba po?" napansin kong napatalikod siya saakin ngunit hindi niya maitatago na napangiti siya.

"Pasensya kana at hindi kita napa-kain kaninang alas-tres. Naka-tulog kasi ako sa kwarto e. Sige na, good night na po, kain po ha?" kinuha ko ang pagkain na dinala ko kaninang tanghali bago lumabas ng kanyang kwarto ngunit ganon nalang ang epekto sa akin ng huling salitang sinabi niya.

"Sorry, Reign."

Bakit niya kailangang humingi ng patawad?

***

Habang umiihip ang hangin dito sa balkonahe. Hindi ko maiwasang hindi maisip ang dahilan kung bakit niya kailangang humingi ng sorry sa akin. Dahil ba sa pangche-cheat niya noong kami pa? dahil sa panloloko? nakakalito. Maraming dahilan ang namutawi sa'king isipan.

Pinilig ko ang aking ulo ng umihip muli ang malamig na hangin at sinimsim ang kape. Ngayon ko lang napagtanto na wala pa pala si aling Melda. Patayo na sana ako ng makarinig ng ingay mula sa tricycle. Sakay niyon si aling Melda.

"Bakit narito ka pa sa labas, ineng?"

"Gusto ko lang po na magpahangin, kayo po. Ginabi na yata kayo?"

"Hay, oo nga e. Ewan ko ba sa speaker na'yon sa haba ba naman ng sinabi wala akong natandaan." napa-tawa ako ng mahina "Kamusta si Dwayne, kumain ba s'ya?"

Napailing ako.

"Hindi po e, pero alam niyo po nagsalita siya kanina! lalabas palang ako nang magsalita s'ya. Sa tingin niyo magandang senyales iyon na improving siya?"

Napakunot ang kanyang noo.

"Anong sinabi niya?"

Napayuko ako, siguro dahil nahihiya akong sabihin ang sinabi ni Dwayne sa akin. Baka pag-isipan pa nila ako ng masama,

"Ano ang kanyang sinabi, Reign?"

"S-sinabi n'ya na, sorry daw sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit siya humihingi ng sorry" dahil ang dami niyang nagawang mali

Napa-iwas ako ng tingin.

"Baka naman guni-guni mo lang 'yon ineng? sa buong buhay ko sa pag-aalaga sa kanya magmula ng mangyari ang aksidente na'yon. Hindi pa siya nagsasalita, kahit nga isang letra wala akong narinig mula sa kanya."

"Baka nga po. 'Yong aksidente nga po pala, ano hong nangya—" nahinto ako sa pagsasalita ng humikab s'ya.

"Inaantok na ako ineng. Siguro'y busog pa naman si Dwayne. Matulog kana lang, bukas ay papakainin mo pa siya ng ala-sais." agad niya akong iniwan matapos sabihin ang kanyang litanya.

Wala na akong nagawa kundi tumungo sa aking kwarto. Ngunit bago pa man ay huminto ako sa tapat ng kwarto ni Dwayne, hindi ko talaga siya maintindihan, halos lahat ng tao rito.

"Hindi ka parin umaalis dito? gusto mo talagang ako ang kumaladkad sayo palabas ano? at bakit ka nasa tapat ng kwarto ng pinsan ko ha?!" napayuko ako ng sumigaw ang babae sa harapan ko.

"Hoy! ano pipi kana rin, ganon?. 'Diba sinabi ko sayo na umalis ka! bakit hindi ka umaalis? gusto mo ng pera? sige! bibigyan kita! umalis kalang ditong babae ka! malas!" parang binuhusan ako ng balde ng malamig na tubig sa sinabi n'ya. Paano niya ako nahuhusgahan ng ganyan?

"Hindi mo naman ako kailangang sigawan, saka inaano ba kita? may nagawa ba ako sayo? o baka naman nasaktan kita noon sa dati kong buhay? Pasensya kana hindi ko maalala, pwede bang ipaalala mo, para hindi lang ikaw ang may ganang magalit ng ganyan, ate." nanlaki ang mga mata niya at lumapit upang sabunutan ako. Napayuko na lamang ako

"Hayop ka! hindi mo talaga ako kilala? sinisira mo ang araw kong babae ka!" mga salitang binabanggit niya habang patuloy na humahakbang palapit sa akin ng biglang bumukas ang pinto at may humila sa akin papasok







Namalayan ko nalang na umiiyak ako habang yakap-yakap ni Dwayne

Bakit?


Almost a love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon