Chapter 3

1 0 0
                                    

Pahikbi-hikbi parin ako habang nagpupunas ng kaunting luha na namumuo sa aking mga mata. Ni minsan ay hindi ko pa nararanasan na masabihan at husgahan ng mga tao kaya siguro ganito nalang ang naging reaksyon ko

Hindi korin maiwasang hindi makaramdam ng hiya kanina. Agad kasi akong napabitaw sa kanya, ibig sabihin narinig niya ang away namin?

"Dwayne, salamat nga pala." tinitigan ko siya— nagkatitigan kami pero uniwas siya agad ng tingin.

Napabuntong hininga ako.

"Sa tingin mo bakit kaya s'ya ganoon nalang magalit sa akin?" napailing lang siya bilang sagot. Hindi niya alam? Bakit ba ako magtatanong sa taong ayaw magsalita.

Napabaling ako sa orasan ng ituro niya 'to. Hindi ko man lang namalayan ang takbo ng oras. Lumalalim narin ang gabi, tumayo ako at humarap sa kanya

"Hindi ko alam kung bakit mo ginawa ang bagay na'yon, pero alam mo 'yong feeling na naloloko mona naman ako?.  Ewan ko ba, pero sana sa susunod hinayaan mo nalang ako kasi natatakot ako e. Natatakot ako na mahulog na muli sa bitag mo" iniwan ko siyang tulala. 'Yong mga mata n'ya parang nasaktan

***

Bakit ganon? hindi ako makatulog. Nakaka-guilty 'yong sinabi ko parang nasaktan ko siya, teka! siya nga hindi nakonsensya na saktan ako ako pa? ang sarap talagang sabunutan ang kokote ko! napaka-rupok!

"Argh! pikit kana! matulog kana, Reign! 'wag kang ma-guilty okay?" Halos masira na ang ayos ng bed sheet ko sa irita! so ano na ngayon?

Lumabas ako.

Masyado nang madilim, tanging liwanag nalang mula sa sinag ng buwan ang nagbibigay ilaw sa bahay. Napakapit ako ng mahigpit ng makarinig ng ingay mula sa kusina. Parang may naghahalungkat?

Sinubukan kung tumungo sa taas pabalik sa kwarto ko at laking gulat ko nalang ng may humawak sa braso ko bago ko buksan ang pinto. Aatakihin ako sa puso neto e

"S-sino ka?" napa-pikit ako ng higitin ako nito paharap sa kanya. Libo-libong boltahe anh dumaloy sa katawan ko ng hawakan nito ang kamay ko dahilan kung bakit ako napamulat.

"D-dwayne? a-anong ginagawa mo rito sa labas, Gabi na." nanlaki ang mata ko at napatalon ng may ingay na naman na nangaling sa kusina. Napa-irit ako sa sakit ng matampilok, mabuti nalang at nasalo ako ni Dwayne, wait. What?

"D-dwayne, ayos nako." pilit akong umaalis sa pagkakayakap sa kanya pero ayaw niya akong pakawalan, ano bang problema ng lalaking to.

Tumaas ang balahibo ko sa batok ng makaramdam ng mainit niyang hininga sa aking tainga. Ano ang gagawin niya?

"May magnanakaw, 'wag kang maingay." mahina ngunit katamtaman upang marinig ko ang sinabi niya.

"A-ano kamo? magnanakaw? teka, gigisingin ko si aling Melda!" bigla niyang tinakpan ang bibig ko ng biglaan akong sumigaw.

Niluwagan niya ang yakap dahilan para makaharap ako sa kanya. Napa-iling siya. Tumalikod siya at naglakad patungong kusina. Hindi! baka anong mangyari sa kanya roon! hinawakan ko siya sa papulsuhan at nagsimula na naman dumaloy ang boltahe sa aking katawan. Agad kong binitawan ang pagkakahawak ko

"B-baka masaktan ka."

Tinitigan lang niya ako bago siya tumuloy— sumunod ako sa kanya. Habang papalapit kami ay siya ring paglakas ng ingay. Huminto ako hindi ko na yata kayang sumunod pa sa kanya sa loob. Maya-maya pa nakarinig ako ng malakas na ingay mula sa loob.

Agara akong pumasok!

Nakita ko na nakatayo si Dwayne sa harapan ng lalaki na ngayon ay wala nang malay. Itim ang suot nito ulo hanggang paa, payat at may bonet. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya

"P-patay na ba siya?"

"Sa itsura oo, pero sa totoo lang hindi pa. Kunin mo 'yong tali at Itali mo para hindi na siya makagalaw pa." napatulala nalang ako ng magsalita siya ng diretso

"Nagsasalita ka nga?"

"Dito ka lang. Bantayan mo s'ya, hindi kana gagalawin n'yan." mabilis siyang lumayo sa akin, so hindi ko nga talaga guni-guni lang 'yon?

"Sandali! pa saan ka? kailangang malaman ni aling Melda 'to!" hinabol ko siya pero mabilis siyang nawala, siguro nasa loob na ng kanyang kwarto.

***

"Nasugatan ka ba, ineng?" nagaalalang tanong ni tita nang makalapit galing sa paguusap nila ng pulis,

Napa-iling ako.

"Hindi po, aling Melda. Maniniwala po ba kayo kung sasabihin ko na nagsalita si Dwayne kanina? s'ya rin ang gumawa n'yan sa magnanakaw."

Napakunot ang kanyang noo

"Hindi ko alam, ineng. Hindi kaya guni-guni mo lang 'yon gaya ng dati?" mabilis akong napatayo sa irita

"Hindi po! dati'y oo hindi ko pa nga sure kung totoo ang sinabi ko pero ngayon? siguradong sigurado! baka naman po nagsasalita na talaga siya. Umaakto lang na ganyan dahil kailangan ng atensyon mula sa inyo— sa mga magulang niya? Ang sama naman niya para magpaggap" Hinawakan ako sa pulso ni Bianca at sinampal ako. Napasapo nalang ako sa aking pisngi.

Narinig ko ang ma-awtoridad na tawag ni aling Melda kay Bianca

"Bianca! ano ba 'yan?"

"Kahit kailan wala kang pinagbago! ang talas ng dila mo porque hindi mo alam ang tunay na dahilan kaya siya nagkaganyan! paano kaya kung malaman mo ngayon mismo?"

"Bianca! tumimo kana!"

"Tumigil ka tanda! dapat niyang malaman ang totoo! bwesit ka kasi! unang tapak mo palang sa bahay namin nangangalaiti na akong sampalin at saktan ka! bakit kasi hindi nalang ikaw?" nanubig ang kanyang mata "Dahil din naman sayo kaya s'ya naging ganyan! tapos ganyan ang sasabihin mo sa kanya?"

"H-hindi kita maintindihan."

"Hindi ko sasabihin sayo ngayon dahil gusto kung makita ang reaksyon mo kapag nalaman mo ang totoo. Ang iyak at pagsisisi mo, at kapag nangyari 'yon. Wala ka nang babalikan pa. Hindi ko na hahayaan na lapitan mo pa s'ya. Wala kang kwenta." akmang aalis na siya ng hawakan ko ang braso n'ya

"I want to know the truth. Bianca, go sabihin mo sa akin. Bukas ang tainga ko" humarap siya sa akin ng may ngisi sa labi

"I love that confidence, huh?. Hindi, mas maganda kapag ikaw na mismo ang makakaalam non." hinigit niya ang kamay niya bago nagtuloy sa paglalakad

Humarap ako kay aling Melda pero nginitian lang niya ako bago sumunod kay Bianca.

***

Sa wakas ay sumagot din siya!

"La?"

"Oh, Reign ija. Napatawag ka? may problema ba d'yan?"

Napabuntong hininga ako

"La, parang a-ayoko na po rito. Hindi nila ako gusto, at saka parang may— may tinatago sila sa akin, sinisisi pa nila ako sa isang bagay na hindi ko alam. A-ayoko na po rito, please? la?"

Narinig ko ang paghinga n'ya ng malalim

"Ija, alam mo ba na kaya kita pinadala d'yan ay para maramdaman mo ang tunay na mundo, hindi 'yung mabuhay lang sa purong kasiyahan. Maging independent! at hindi umasa na lamang at hindi naman kita ipapadala d'yan kung hindi mo kaya,"

"Ano pa ba ang silbi ng buhay kung walang lungkot, inis, problema. Edi wala 'tong thrill?"

"Sige po. La, salamat." pinatay ko ang tawag bago humilata sa kama.


Ang gulo ng buhay ko, ang gulo gulo!






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Almost a love storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon