The Writer's Love Story

10 3 0
                                    

[One Shot]

The Writer's Love Story
✍ by: Black_Aphrodeath

"You're Black Phoenix right? The author of Broken Promises?"

I look at the girl, she wears a maroon dress that makes her skin more fairer. Her angelic smile makes her more beautiful. I smile at her and nod slightly.

Nabigla ako nang tumalon ito ng isang beses at napaclasp ng hands while saying

"O.M.G!!!!!!!!! Idol po kita!! Pwede payakap?"

Natatawa ako sa inasta nya at hinayaan syang yakapin ako. Ang kulit nya

"Alam nyo po ba na grabe ang iyak ko as I read your book po? Akala tuloy ng boyfriend ko na nagkasakit ako pero okay lang dahil pinayagan nya akong pumunta dito sa book signing nyo"

I smiled at her . Ang kulit nya at napakaganda ng personality nya. Ang swerte ng boyfriend nito.

"So what do you think about the book?" Tanong ko nalang sa kanya. Nakita ko naman na napalitan ng inis ang ekspresyon nya.

"Galit ako kay Kier! Nakakainis ang mga lalaking tulad nya! Kawawa naman si Aira. Minahal nya ng husto si Kier but iniwan lang sya at pinagpalit sa iba! Geez. Sarap dukutin ng eyeball."

Natatawa ako sa sagot nya.

"Grabe naman ang galit mo sa kanya"

Komento ko

"Opo eh. Kaya nga dapat cautious na ako sa boyfriend ko. You see, my boyfriend resembles Kier a lot. Kung anong kasweetan ang ginagawa Kier kay Aira ay ganun din ang ginawa ng boyfriend ko sakin but I trust my baby"

Napangiti ako sa sinabi nya. Seems like the novel I wrote has a big impact on people.

"Tsaka,kung ako lang si Aira nako! Sinabunutan ko na ang babaeng ipinalit ni Kier! Ang landi din kasi ng babae."

I looked at her and replied

"Well,we don't know kung nilandi ba ni girl si Kier. Hindi naman nakalagay ang side ng babae"

Akala ko na mag-agree sya sa sinabi ko

"Nope! Kahit ano pa ang reason nya mali parin sya! She should have confirmed on Kier if may GF ba sya o wala. Gosh! Ang landi ni Girl. Kasalanan nya lahat kaya nasira ang magandang love story ng dalawa. If I am Aira, kalbo na talaga ang babae na ipinalit ni Kier"

Well, you're not me Miss.

Napaisip ako sa sinabi nya. Mapait akong ngumiti. Maybe If I did what she said,it will make a difference, right? If only I confront the girl siguro hindi kami maghihiwalay ni Kier at hindi ko sana naisulat ang nobelang kinahuhumalingan ng karamihan.

"Parating na boyfriend ko Miss Author"

I want to see her boyfriend kasi ayon sa kanya, he resembles Kier a lot.

Naramdaman ko na may lalaking naglakad palapit samin.

"Baby! Sya pala si Black Phoenix! Ang author ng binili nating book. Miss author, he is Keiren Gozon, my boyfriend"

Natulala akong nakatingin sa lalaking nakatayo sa harap ko na katabi ng babaeng nakipagkwentuhan sakin. What the fudge! Are you playing with me destiny?

"Aira"

Rinig kong sambit ni Kier. Natawa naman ang babaeng katabi nya at pabirong kinurot ang pisngi nito. I looked away, damn nasasaktan ako

"Ikaw naman baby, tinawag mo pa si Author sa heroine ng nobela nya."

Napalunok ako sa sitwasyon naming tatlo.

"Sorry but I have to go. It is fun talking with you miss. Nice meeting you pala Kieren. Ingatan mo sya ah. Wag mo syang lokohin katulad ng ginawa ni Kier kay Aira."

Sabi ko at ngumiti ng pilit. He avoided his gaze at me. Ang babae naman ay parang walang napansin dahil nakangiti pa ito sakin at kumaway. I smiled back. I wonder kung ano ang reaction nya if she knows the truth. Tinalikuran ko na sila kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. Funny to think na ang makulit na babaeng nakipagkwentuhan sakin na sobrang galit sa third party ng nobelang sinulat ko ay iisa. Kaya pala sinabi nya that her boyfriend resembles Kier in some ways simply because the Kier na sinulat ko at ang Kieren na boyfriend nya ay iisa. Just what the heck!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Writer's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon