Chapter 16

32 4 3
                                    

CHAPTER 16

CATH’s POV

“Rex?” bulong ko sa sarili.

Bakit andito siya? Babalik na ba siya dito sa university?
Nakita ko rin siya nun sa Jollibee na kinainan namin nina Dominic at Shak last time.
Kailan pa siya nakauwi sa Pilipinas?
Akala ko ba dun na siya magstestay sa America?

Hindi ko na lang siya pinansin at dumeretso sa counter para bumili ng pagkain.
Remember, nasa canteen ako.
Sa 2 years ko sa college, ngayon lang ako lumakad na nakayuko.

May humarang sa daanan ko.

“Hi Cath.”

Isang pamilyar na boses. Boses ng lalaki na unang nanakit sa akin ay nasa harapan ko na.
Paano ko siya haharapin?

‘Cath, maging matapang ka.’ Sa isip ko.

“Yes?” this time, hindi na ako nakayuko.

“Long time no see ah. Kamusta ka na?”

“Long time no see rin. Ito, nagiging busy for this coming event.”

“Ahh. Namiss mo ba ako? Kasi ako miss na miss kita.”

Sincere yung pagkakasabi niya pero hindi ako nagpadala.

“Mamimiss ang lalaking unang nanakit sa inosente kong puso? Hmmm.. Mukhang Malabo.”

Nakaagaw ako, I mean, kami ng eksena dahil sa sinabi ko.
Kilala ako sa buong university pero hindi nila alam na nagkaboyfriend na ako. Pagiging manhater ko lang ang alam nila.

Alam kong nagtataka silang lahat. Mula high school pa ako manhater at ang lalaking nasa harapan ko ang nagpalambot ng puso kong bato. Pero anong ginawa niya? Sinaktan niya lang. Sinugatan.

“Cath, patawarin mo na ako please?Bata pa tayo nun at inaamin kong nagkamali ako.Masyadong naging makitid lang ang utak ko sa mga panahong yun. Hindi ko naintindihan ang side mo. Please. Patawarin mo na ako.”

“Thank you. Thank you dahil inamin mo ring kasalanan mo ang lahat. I felt sorry for you pero kung noon ay nahulog ako sa malatsokolate mong mga salita, pwes ngayon hindi na.I am not like before that was so very weak in times of something sweet. I am not like before that was so fool to trust a guy like you. I’ve change Rex, and it’s all because of you. Hmm.. Do I need to thank you for making me stronger?”

“Nasaktan rin ako Cath. Hindi moa lam kung ilang balde ng luha ang ibinuhos ko dahil nakipaghiwalay ka sa akin. Pinagsisihan ko yun Cath.”

“Nahiya naman ako sa’yo. Ipinagyabang mo pa talaga ang ‘balde ng luha’ mo. Anyways, sabi nga sa kasabihan na ‘ang pagsisisi ay parating nasa huli’ kaya, huli na ang lahat Rex.Alam mo bang laking pasalamat ko sa Diyos dahil niloko mo ako?”

“Huh?”

Ay hindi gets. K. Explain ko.

“Nagpasalamat ako sa Diyos dahil inilayo niya ako sa taong walang ibang ginawa kundi ang lokohin ako. Nagpasalamat ako sa Diyos dahil inilayo niya ako sa taong hindi marunong tumnggap sa akin ng buong-buo. At mas lumaki pa yung pasalamat ko sa Diyos dahil inilayo niya ang babaeng nagngangalan ng Catherine Smith sa lalaking hindi karapat dapat sa pagmamahal nito. Exuse me lang huh, may bibilhin pa kasi ako.And, mukhang wala na tayong pag-uusapan.”

At tinalikuran ko na nga siya.
Ay, may nakalimutan ako.
Humarap ako sa kanya sabay sabi ng.

“Welcome back nga pala huh! Masaya ako sa pagbabalik mo. (bitter smile)”

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon