Chapter 24

9 3 0
                                    

JD's POV

"Cath!!!" sigaw ni Rex. Napatingin naman ako sa kanya at nagulat nalang ako nang makita si Cath sa mga bisig niya na walang malay. Bakit ba siya madalas nahihimatay?

"Cath!!! Akin na Rex! Ako na ang magdadala sa kanya sa hospital!"

"Ako na!"

"Ako na sabi eh!"

"Ako na may hawak kaya ako na!"

"Bakit?! Ano ka ba niya?!"

"EX boyfriend niya na hanggang ngayon mahal pa rin siya!"

"Gago ka! Sinaktan mo siya kaya ako na ang magdadala sa kanya sa hospital!"

"Ano naman kung nasaktan ko siya? Parte yan ng isang relasyon! Akala mo ba hindi mo siya nasaktan kanina sa mga salitang binitawan mo?! Huwag ka kasing padalos-dalos ng sasabihin nang hindi mo man lang alam ang simula! Humuhusga ka agad kahit hindi mo pa alam ang buong istorya!" Napatahimik ako bigla sa sinabi niya. NAsaktan ko ba siya kanina? Nadala lang ako ng galet ko! Potek!

"Akin na siya! Dadalhin ko na siya sa hospital!"

"Ako na sabi eh!" umiinit na ulo ko sa lalaking ito! Bakit ba niya inaangkin si Cath?! Mukhang pagmamay ari niya! Bullsh*t siya! Hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa babaeng pinakamamahal ko noon! At kapag may mangyaring masama kay Cath ngayon, lalong hinding hindi ko siya mapapatawad! 

Susuntukin ko na sana siya nang "JD! Ano ba! Pati ba naman paghatid kay Cath sa hospital! Pag aawayan niyo?! Mag immature! Akin na si Cath!" galit na sigaw ni Shak.

Aayaw pa sana si Rex pero nakuha na ni Shak at ni Marc si Cath. Kailan pa nakabalik si Marc? Pero hindi ko na yun ininda! 

"Hindi pa tayo tapos!" sabay sunod ko kina Shak. Potek talaga! 

"Huwag ka nang sumunod JD! Kaya na namin 'to ni Marc."

"Pero Shak! Hindi ako matatahimik kapag hindi ako sasama!"

"JD! Please!" at umiyak na si Shak, Bakit ? Ano bang meron kay Cath na hindi ko pwede malaman? Ano? Meron ba?

"Okay. Pero balitaan niyo ako huh!"

"Makakaasa ka!"

Bumalik ako sa kinaroroonan ni Rex! Gagong yun! Gusto ko siyang gulpihin sa nangyari! Hindi pa ako nakaganti sa lahat ng sakit na ibinigay niya kay Cath! Bakit ba kasi bumalik pa ang isang yan?!

Andun pa rin siya sa field at.. umiiyak? Marunong palang umiyak ang isang yan?

"Hoy!" nang makita ko ang mukha niya, nawala bigla ang galit ko sa kanya. Bakit ba kasi umiiyak siya? Minsan lang umiyak ang mga lalaki.

"Jerald..." pabulong niyang sabi. "Mapapasaakin siya. Ako ang mag-aalaga sa kanya. Tandaan mo yan!" at bigla siyang tumayo at "Aakitin ko siya para magawa niya akong mahalin ulit." sabay punas niya ng luha at umalis. Sana pala sinuntok ko na ang isang yun. At ano daw? AAKITIN? huh! Asa siya! Hindi ako makakapayag!

SHAK's POV

"Shortness of breath and chest pain ang dahilan ng pagkahimatay niya. Chineck namin kung may problema pero wala kaming nakita."

"Posible po bang nagkataon lang na nagkakaganyan siya?"

"Oo. Posible pero minsan rin hindi. Maari itong mauwi sa heart disease. But as of now, wala pa kaming nakitang damage sa puso niya kaya malayo pa itong maging heart disease."

"May iinumin po ba siyang gamot?"

At may ibinigay siyang reseta at inexplain kung ilang beses sa isang araw o isang linggo ang iinumin niya.

"Makakapasok na kayo." 


Pagkapasok nang pagkapasok namin, sinalubong agad kami ni Cath ng isang napakagandang smile. Hayy!'Tong babaeng 'to, alam ko malakas 'to kaya makakaya niya ang lahat ng ito. Hinding hindi na mauulit ang nangyari sa kanaya 2 years ago. Hindi pa naman namin siya pinaalam.

"Hi Cath! How are you?"

"I'm fine. And oh, hi Marc!"

"Hi! Feeling better?"

"Yep! Thanks!" Kasama ko nga pala ang dream of my life! Hahahah XD Nakita ko kasi siya kanina sa school at tinanong kung bakit ngayon ko lang siya nakita ulit. Sabi naman niya, kauuwi lang daw niya from somewhere. Hahaha! Adik noh?! May somewhere ba na lugar?! LOL!

"Ah! Cath! Tinawagan ko mom mo. Uuwi na daw sila 3 months from now."

"Sa bakasyon? Nice!"

"Miss mo na sila?"

"Sino bang hindi? Hahaha XD"

"Loko ka! By the way, Shak, can I ask you a favor?"

"What is it?"

"Call Kit for me, pleasE?"

"Wala kang cellphone?" sarcastic kong sabi. Ano ako? Maid?

"Meron naman! Hehehe! But I want you to call him for me and go outside." O___O grabe naman! Ginawa na nga akong yaya, palalabasin pa ako? Paano na lang ang dream of my life ko? Hindi pwede! Baka agawin niya si Marc! NO WAY!

"Baliw ka Shak! I know that expression of yours! I won't stole Marc from you! Hahaha!" napatingin naman ako kay Marc and he smiled! Oh my! Hindi ko na kakayanin 'to! Lalabas na ako! Baka malusaw ako sa titig niya!

"Kapal mo! Anong pinagsasabi mo diyan? You're inventing things huh! Psh!"

"Oo nalang! Hahaha!"

"Cheee!"

Pagkalabas nang pagkalabas ko, tinawagan ko agad si Kit.

"Hello Shak! Bakit napatawag ka?"

"Pinapupunta ka ni Cath dito! St. Lukes Hospital. Bilis!"

"BAKIT KAYO NASA HOSPITAL?!" KAYA ayaw kong tawagan ang isang 'to eh! Masyadong hysterical! Tsk!

"Nahimatay si Cath lately pero walang problema. Hindi bumalik ang sakit niya sabi ng doctor."

"Mabuti naman. Ok! Papunta na ako diyan!"

"Okay byeee! Loev you!"

"Love you too!" 

*toooot toooot* ganyan kami! Nag i-iloveyou sa isa't isa! We're siblings! Hahehe!

Papasok na sana ako sa loob when a familiar girl passed. Parang kilala ko ang isang 'to. Saan ko nga ba nakita ang isang 'to? Ewan. I forgot.

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon