Chapter 19

36 3 0
                                    

CATH's POV

"Ano ba! Tanggalin mo na 'tong panyo-chuchu sa mukha ko!" naiinis na talaga ako huh! 

"Chill ka lang pwede?! Malapit na tayo oh."

"Talaga bang malapit na tayo?! Eh kanina pa tayo lakad nang lakad eh. Pinagloloko mo ba ako?!"

"Don't you trust me baby?"

"Baby mo mukha mo! Dalian mo nga."

"Okay, almost there." 

Hindi ko alam kung nasaan kami. Eh kasi nga, may pa-blind fold-blind-fold pang nalalaman 'tong mokong na'to =_= Tsk!

"Okay,1....."

"Bilisan mo!"

"2...."

"Ano ba!"

"3.... Tada!"

"Anong ginagawa natin dito?! Tinakpan mo pa talaga ang mga mata ko huh para lang dito?! Tsk! Carnival lang pala eh."

"Bakit? Did you expect more than this?"

"H..hindi naman. Tara na nga!"

Bushet >.< CARNIVAL?! Seryoso! Tss! Ano bang meron dito sa carnival? Masyadong maraming tao. Nakakatakot. May parang gangster. May mga normal ring mga tao. May mga bata, matatanda, dalaga. Ang daming nagdedate! Seryoso!? Sa Carnival talaga nagde-date?! Ano bang maganda dito?! Tss!

Oo na! Inaamin ko! First time ko pang makapunta sa ganitong lugar. Grabe ang polusyon dito. May nagsisigarilyo, may mga smoke ng barbeque. Waahh! Hindi ko kakayanin ang ganitong environment. Bawal ako sa ganitong klase ng lugar.

"Okay ka lang?"

"O-okay lang naman."

"Gusto mo sa iba na lang tayo?"

"Hu-huwag na. Andito na rin naman tayo." 

"Sigurado ka huh?"

"Oo nga! ang kulit!"

Alam ko sa sarili ko kung anong mangyayari mamaya kung hindi agad ako aalis dito. Last time ko na naranasan yun ay yung bata pa ako. Nakalimutan ko na ang nangyari pero... waahhh!

Malay niyo, nawala na yun, diba? Tama. Think positive lang Cath! Think positive! E-enjoy mo na lang 'to. Just enjoy!

"Saan mo gusto unang sumakay?"

"Anywhere."

"Naranasan mo na bang pumunta sa ganitong lugar Cath?"

 "Hindi pa. Nakakadiri kaya dito. Like duh!"

"Ang OA mo huh. Ang saya kaya dito sa carnival."

"Anong masaya diyan? Puro usok nga lang nalalanghap ko eh. Usok ng sigarilyo. Usok ng barbeque. Overpolluted ang hangin dito."

"Grabe ka huh! Lulunukin mo yang mga sasabihin mo mamaya! Halika ka dito!"

"Saan nanaman tayo pupunta?!"

"Chill ka lang. Halika." 

Dito niya ako dinala sa ferris wheel. Malamang kilala ko 'to. Like duh! Anong akala niyo sa akin? Ignorante na walang alam sa mga ganyang bagay? Tsk -_-

Sumakay kami dito. Malamang. Ano bang ginagawa dito?

"First time mong makasakay dito?"

"Hindi naman."

Love CycleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon