CHAPTER 8

36 2 0
                                    

ARROW POV

Nagising na ako at bumaba.  Syempre, kumpleto ang mga hampas lupa kong mga bodyguards.  Si rupert na ang cook namin dahil nga sya lang naman ang magaling magluto.  Isa pa, baka malason lang kami kung si V pa ang paglulutuin namin.

"May pasok na! Im sure tuwang tuwa na naman ang mga patay na patay sakin sa school " mayabang na sabi ni dustin kaya naman hinagisan sya ni V ng hawak nitong unan.  Nakahiga pa rin kasi to  sa sofa -____-

"Guys! Luto na! ^^"napatingin kami kay rupert at nagpa unahan kami nila V at dustin sa mesa.  Si flame at klein, as expected, pa cool na naglakad palapit samin. 

Actually, medyo close ko na tong sila rupert, V, at dustin mayabang dahil sa kakulitan nila. Si V at dustin lang pala ang makulit , mabait kasi si rupert eh!  Si flame naman, hindi ko masyadong close dahil nga masyado syang snob at puro libro ang inaatupag nya. At si klein, never kong makakaclose dahil pangit ang ugali nya.  Kung ano ang kinabait ni rupert, sya kinasama nya.  Kung ano kina alien ni V, sya naman yung kina KJ nya.  Ka ugali nya naman sina dustin at flame.  Yun nga lang sumobra.  Kung mayabang si dustin ,mas mayabang sya at kung snob si flame, mas snob sya.  Ganun kapangit ang ugali nya.  -___-

Pagkatapos namin kumain, ginawa na namin yung kanya kanya naming rituals at sumakay na sa Van.Pagdating namin sa school, as usual, humiwalay ako agad sa kanila sa parking lot pa lang . Ayokong guluhin ng mga fangirls nila noh!

LEWIS POV

"Bakit hindi natin kaklase si Ayu? " tanong sakin ni ize nang malaman nilang hindi namin magiging kaklase si ayu.  Akala ko nakipag meet rin sa kanila si Ayu?! Ba't tinanatanong pa nila sakin?!!

"Sabi nya sakin, gusto ng pinsan nya na magkaklase sila kaya wala syang nagawa.  " sagot ko sa kanila at pinasok na lang yung earphone sa tenga ko at nagpatugtog ng give it to me ng sistar.

"Okay na rin yun ize, para mahirap malaman ang identity natin dahil hiwa- hiwalay tayo. " narinig kong sabi ni bella kay ize.  Naririnig ko pa naman sila dahil hindi naka high volume ang earphone ko. Nag aalala pa rin naman ako sa aking mala -kpop na tenga .

Hayss. Ang boring naman dito.  Tapos hanggang ngayon wala pa rin yung teacher.  Anyway, nandito pala kami sa classroom.  Tinitingnan rin kami ng mga kaklase namin dito , naninibago ata sa kagandahan namin .

"Oh my gee!!  Andito na si Asherrr!!!! " rinig na rinig kong sigaw nung kaklase namin pagkatapos ay pumasok na sa room na parang naiihi.  Baliw ba mga tao dito?

"KYYYYAAAAAHHHHH!!!" Ay leshe!  Di ko naririnig yung pinapatugtog ko! -,-  . Napatingin naman ako sa pinto ng room dahil dun rin nakatingin yung mga kaklase ko.

Teka!  Sya yung nakakabadtrip na fanboy ng sistar ah!! Ang malas ko naman oh!  Kaklase ko pa ang babo na yan???!  Teka? Hindi kaya sign lang to ni Lord na kailangan ko na talagang patayin ang lalakeng to kaya pinaglapit nya yung landas namin?

Naramdaman nya ata na may taong balak syang patayin kaya napatingin sya sakin.  Nagulat sya nung una pero napangisi rin bigla. Nakakaasar na ngisi!!

MY GANGSTER BODYGUARDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon