CHAPTER 10

29 3 0
                                    

IZE POV

*KKKRRRRRRIIIIINNNNGGGG *

"YEHET!!  VACANT NA RIN!!  KABORING YUNG LESSON NATINBUTI SANA KUNG ABOUT KPOP YUNG TINURO! PSSH! "pasigaw na mukmok ni lewis. Kainis na babaeng to!  Puro kpop na lang laman ng bibig! 

"By the way, mauna na kayo sa cafeteria.  Pupunta muna kasi ako sa library " sabi ko kina lewis at bella.  Tumango naman sila kaya naglakad na ako papuntang library.  May assignment kasi kami ngayon eh . Gagawin ko na ngayon dahil ako lang naman ang masipag saming magkakaibigan . Isa pa, para wala na rin akong gagawin mamaya kundi mag twitter at facebook.  Tsaka kumain. :D

Pumasok na ako sa library . Syempre, may pinirmahan muna akong attendance chuchu bago makapasok.  Oo! Nagpapa attendance pa sila! 

Pagkapasok ko, naghanap na agad ako ng libro para masagutan ko yung assignment . Kaso ang hirap hanapin yung libro na makakasagot sa assignment ko -.-

"AisshNasan na ba yun?! " kausap ko sa sarili.  Kainis naman kasi eh!  Bakit ba ang daming libro dito?!

'Malamang library pinasukan mo'

Ayy ewan! Pati utak ko pinipilisopo na ko -.-

"Bwisit na libro! " sabi ko ulit sa sarili ko. 

"Excuse me miss.  Nasa library kaKaya please wag kang maingay.  " nagulat ako ng biglang may nagsalita kaya napatingin ako dun sa lalake na nakaupo sa sahig at katabi ko lang pala.  Nakapatong yung likod nya sa bookshelf at nagbabasa. Sasagutin ko na sana sya ng bigla na lang ulit syang nagsalita.

"And please, wag mo ngang sabihan ng bwisit yung mga libroDahil kung hindi sa mga yan, hindi ka makakapag-aral.  Wala tayong teacher at hindi mabubuo ang school na to.  Isa sa pinakamahalagang bagay sa mundong to ang sinasabihan mo ng "bwisit" . " sagot pa nya sakin habang nagbabasa pa rin ng libro. Siraulo ba to?  Ayy.  Ganito lang siguro ang mga nerd -.-

"Alam mo Mr. Bookworm. Wala akong panahon makipagsagutan sayo tungkol sa libro. Kung gusto mo, sumali ka na lang sa debate contest na may kinalaman sa libroBaka manalo ka pa." sagot ko sa kanya at pinagpatuloy ang paghahanap sa libro. Kairitang nerd!

"Kahit saang contest, mananalo talaga ako " aba!  Di lang nerd!  Mayabang at perfectionist pa ! "Isa pa, di ako nakikipagsagutan sayoSinasabi ko lang naman ang maling pakikitungo mo sa libro.  " sagot nya pa.  This time, nakatingin na sya sakin at tumayo.

MY GANGSTER BODYGUARDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon