CHAPTER 9

30 3 0
                                    

AYU POV

Pumasok na kami ng room nila arrow at fany.  Kanina kasi nasa labas lang kami ng room.  Dun sa corridor.

At dahil sa friendly ako, binabati ko lahat ng kaklase ko at nginingitian. Nginingitian rin naman nila ako.  Buti na lang, friendly rin mga kaklase ko.  Hehe ^^V

Nagulat naman ako ng biglang maghiyawan yung mga kaklase kong girls kaya napatingin ako sa pinto dahil dun rin sila nakatingin. 

Kaya naman pala.  Mga hearthrob ata ng school na to ang mga lalakeng nasa pinto ng room namin ngayon.  Nangyayare rin pala yun sa totoong buhay? Akala ko puro sa T. V lang nangyayare yung hearthrob hearthrob at mga OA na fan girls!  Nag eexist rin pala sila sa true life ?

Nakita ko naman si Dustin na sa pagkakaalam ko e bodyguard ni Arrow.  So sikat pala sya dito?  Di na rin ako magtataka dahil gwapo naman talaga sya. Actually crush ko nga sya eh!  Hihi!  Sshh lang kayo ah! ^_^

Napansin ko namang nagulat si dustin ng makita nya ako.  Bakit kaya?  Kinawayan ko naman si dustin nung napatingin sya sakin.  FC na kung FC.  Masama ba maging friendly huh?! Lalo na sa crush?!

Nginitian nya naman ako nung makita nya akong kumaway sa kanya.  Yiieeee! Ang pogi nya talaga ^___^ . Tas friendly pa!

"A--amm ayu " napatingin ako kay fany nang kinalabit nya ko.

"Bakit fan? ^_^ " tanong ko.

"Ano.... Halata mo naman na hearthrob si dustin dibaYung mga fangirls nya kasi pinapatay ka na sa tingin. Baka mamaya, abangan ka nila sa labas. " pabulong na sabi sakin ni fany.

"Naku! Hayaan mo silang mainggit! Anong magagawa nila e sadyang magkakilala naman talaga kami ni dustin ? Edi makipagfriends rin sila kay dustin para ngitian rin sila! " sagot ko kay  fany.  Sinigurado ko talagang maririnig nung mga fangirls daw ni dustin. 

Aba!  Hindi porket friendly ako e mabait na ko! Hindi ako bitch pero may natatago akong ugali na aayawin mong makita. Kung akala nila e kaya- kayanin nila ako , pwes akala lang nila yun.  Hihi ^_^

Tuluyan ng pumasok yung limang lalake na tinitilian ng mga kaklase ko. Maya-maya , pumasok na rin yung teacher namin.  Nagpakilala rin naman ako at habang nagpapakilala ako, masama pa rin ang tingin ng ilang kababaihan sa room.  As if naman na natatakot ako sa kanila noh!

Habang nagtuturo yung teacher namin,  biglang may nagsalita ng "im sorry im late mam " . Pumasok na yung kaklase ko rin ata na late at naglakad na palapit sa pwesto ko.  Napansin ko naman nakatingin lang yung babaeng late sakin.  Err?  Hater ko rin ba to?  Pero hindi naman galit yung nakikita ko sa kanya.  Parang nagtataka lang sya.

"Excuse me po ate pero dyan po yung upuan ko.  " sabi sakin nung babae na late.  Kaya naman pala ganun sya makatingin sakin.  Upuan pala nya yung inuupuan ko.  Sorry naman!

Narinig ata ni mam na wala akong mauupuan ngayon kaya naman nagsalita sya.

"Sa likod ka na lang umupo Miss Ford dahil late ka na nag enroll.  Naka alphabetical na kasi ang seats nila eh " paliwanag ng teacher ko.  Tumango na lang ako at naglakad papuntang likod. 

MY GANGSTER BODYGUARDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon