Part 1

177 4 7
                                    

"Marco?" Bumangon ako sa kama ko nung narinig ko ang boses niya.
"Louisa, happy birthday. Sumaglit lang ako dito ngayon pero mamaya aalis na din ako hindi ako pinayagan ni boss na mag bakasyon. So, i will see you again after three weeks."
"Pero marco baka naman pwedeng kahit ngayon lang makasama kita?"
"Hon, diba napag usapan na natin 'to. Hindi pwede at kung hindi dahil dito sa trabaho na 'to di kita mabibigyan ng maganda kinabukasan at di natin maitatayo 'tong raxel coffee shop na gusto mo."
"Pero hon-"
"Sige na, i need to go."

Hinalikan nya lang ako sa pisngi at madaling madali sya para pumasok sa trabaho. Marco Santiago ang asawa kong masipag at walang ginawa kundi mag trabaho para sa aming dalawa at sa magiging future naming dalawa, matagal na sya sa trabaho nya. Nag tratrabaho sya sa barko every three weeks nandon sya tapos one week dito sya sakin. Sobrang swerte ko kay marco kasi alam kong mahal na mahal niya ako at kahit kailan di nya pinaranas sakin magkaroon sya ng ibang babae kahit malayo kami.

"Mag aalas-otso na pala shuta."
Nag madali akong maligo, nag a-yos at nag bihis.

** RAXEL COFFEE SHOP **
"Louisa! Tangina ka. Late ka na naman."
"Ano ba yanyan? Sino ba amo mo?"
Natawa si yanyan. "Ikaw."

Pumunta ako sa opisina ko para mag check ng mga inventory kung may mga dapat na ba akong bilhin.

"Louisa."
"Pasok."

Yanyan ang best friend ko simula nung highschool ako hanggang ngayon nag tratrabaho sya sa coffee shop ko pero supervisor sya dito. Sobrang close kami nito as in lahat nakwekwento ko sa kanya. Tinignan nya ako pag pasok niya ng opisina ko.

"Anong balak mo mamaya?"
"Balak saan?"
"Ano pa ba. Shuta ka."
"Saan nga?"
"Sa birthday mo duh."
"Dadaan lang sa simbahan tapos matutulog na."
"Korni mong hayop ka. 30 ka na!"
"Hahaha! Anong gagawin ko wala naman si marco?"
"Ay hindi umuwi 'teh?"
"Umuwi naman pero saglit lang wala pang 30 minutes sa bahay."
"Syet. Di ka binigyan ng birthday sex?"
"Walang sex. Ayoko nga makipagsex sa kanya."
"Talaga ba? Buti di naghahanap si marco don."
"Di naman ganon si marco."
"E ikaw loyal ka ba?"
"Oo. Kailan mo ba ako nakitang nagloko?"
"Bala ka na nga jan."
"Sige na. Ikaw na muna bahala dito magsisimba lang ako."

Umalis na ako sa opisina at pumunta sa baclaran church. Minsan naiisip ko na ba't mas importante pa din yung trabaho ni marco kaysa sa akin? Alam ko namang para sa future pero alam mo yun? Paano naman yung kalinga na hinahanap ko. Palaging syang wala, madalang mag text/call man lang kahit sa messenger wala eh.

Nasa baclaran church na ako kumuha ako ng kandila at sinindihan. Habang sinisindihan ko yung kandila pumikit ako at bumulong.
"Lord! Sana naman ngayong makasama ko man lang yung taong mahal ko."

"Makakasama mo na sya."

Nagulat ako nung narinig ko yun. Pag kadilat ko isang lalakeng nakaitim na polo shirt yung nasa tapat ko. Matangkad, moreno, mapupungay ang mga mata. Maninipis ang mga labi.

"Anong problema mo?." Inirapan ko sabay pikit ng mga mata ko
"Ikaw ang problema ko." Sabay tawa

Sa isip isip ko. Lord, paksyet naman bakit may ganitong lalaki sa harap ko ilayo niyo sya sakin please lang.

"Louisa."

Dinilat ko ulit yung mga mata ko pero sya pa din ang nakita ko. Kainis.

"Jared Dela Torre. Ba't ka nandito?"
"Malamang nagsisimba. Tanga ka ba?"
"Palaban ka pala. Pero pinaglaban ka ba?
"Ba't mo ba ako kinakausap?"
"Ba't mo ko sinasagot?"
"Sinagot ba kita?"
"Hindi pa." Sabay ngiti

Nainis ako sa lalaking 'to bakit pa ba pinagtagpo kami nitong lalaki 'to.
"Sama ka sakin."
"Saan naman?"
"Sa lugar na tayo lang ang nakaka-alam."
"Di ako sumasama sa taong di ko kilala."
"Kaya nga mag papakilala eh."
"Letche ka umalis ka na nga."

Lost in february.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon