Part 6

9 0 0
                                    

At nalaman ko na nga na niloloko ako ni louisa sobrang sakit pala pag bumalik sayo yung ginagawa mo. Puno ako ng galit ngayon hindi ko maisip na magagawa yun sakin ng taong mahal at pinakasalan ko. Kahit naman siguro nawawalan ako ng oras sa kanya di mawawala yung pag mamahal niya sakin kasi binigay ko naman sa kanya yung mga pangarap at pera ko.

"Jared Dela Torre."

Inisip ko kung saan ko ba nakilala 'to pero parang pamilyar yung pagmumukha niya sakin. Parang nakita ko na sya. Nag impake na ako para umuwi sa amin. Tinext ko si louisa at tinawagan pero di niya sinasagot.

Pagkauwi ko sa bahay naka-patay ang ilaw tinawag ko sya pero walang sumasagot. Pumasok ako sa kwarto at nakikita ko syang natutulog iniisip ko kung may nangyari na ba sa kanila? Kung ginagawa din ba ni louisa dun sa lalake nya yung ginagawa nya sakin. Nagising sya at tumingin sya sakin.

"Marco nandito ka na pala."
"Oo. Di na ako aalis."

Parang nagulat sya at nagising sa sinabi ko dali dali syang umupo sa kama at tinignan ako.

"Buti naman kung ganon."
"Sino si jared?"
"Sinong jared?"
"Jared Dela Torre."

Tumahimik sya at tumingin sa ibang direksyon hinawakan ko yung dalawang braso nya at tinanong ko sya ulit.

"Sino si jared louisa?"
"Ano ba marco nasasaktan ako."
"Sino nga si jared!?"

Sinampal ko si louisa di ko na napigilan yung sarili ko nandilim yung paningin ko.

"Sa tingin mo ba hindi ko alam kung anong nangyayari sa inyo?"

"Marco-"

"Tangina ka, napaka dumi mong babae kailan mo pa nagawa sakin 'to? Papatayin ko yang hayop na yan"

Hindi niya napigilan umiyak at lumuhod sa harapan ko.

"Wag, wag mong saktan si jared."

Sinuntok ko yung pader "Bakit mo ginawa sakin 'to dapat nung una palang nakinig na ako sa mama ko na matagal mo na akong niloloko pero nag bulag bulagan at nag bingi bingihan ako kasi mahal kita.

Kinuha ko yung cellphone ni louisa at wala akong mahagilap na convo nilang dalawa. Tinanggal ko ang sim at binali ko ito, pinakita ko na binasag ko yung cellphone niya sa harapan nya.

"Hindi na kayo magkikita nito kahit kailan."

"Marco tama na."

"Anong tama na ginagago mo ba ako? May isa pa akong tanong nung nabuntis ka akin ba talaga yang dinadala mo non?"

"Oo."

"Yung totoo. Tangina!"

"Hindi."

"Tangina mo."

Sinapak ako ni marco ng dalawang beses sa tyan at sa pisngi.

"Di ka na lalabas dito kahit kailan habang buhay tayong mag sasama tandaan mo yan. Si jared? Papatayin ko yung sa harap mo. Ipagpapalit mo ko don? Ako pa talaga?"


Hawak hawak ni louisa yung tyan nya habang nakikita kong dumudugo yung labi niya dahil sa ginawa ko.

"Kulang pa sayo yan."

Dali dali akong umalis sa bahay para puntahan si jared.

** LOUISA'S POV **

Ito na, ito na ang pinakatatakutan ko ang malaman ni marco ang totoo. Pag kaalis ni marco dali dali kong kinuha yung cellphone kong nabasag at yung sim. Paano na kung may mangyaring masama kay jared hindi ko makakaya 'to.

** MARCO'S POV **
MGA PUTANGINANG NIYO.

Hindi talaga ako makapaniwala na magagawa sakin yun ni louisa. Di ko pa talaga siguro kilala si louisa, sa tagal naming nagsama buong akala ko kilala ko na ang buong pag katao niya.  Nag mamaneho ako wala na akong pakialam kung gaano kabilis ang takbo basta mabutan ko lang si jared sa address na binigay sakin ng hinire ko na imbestigador.  Dumating na ako sa 16B

Nakailang katok ako pero wala akong nasagot
Bumalik ako para bumaba sa hagdanan ng may nakasalubong akong lalake. Pinag masdan ko muna mabuti. Ito na nga siguro yung jared.

Sinapak ko siya sa mukha sa sobrang gigil ko.

"Putangina mo! Hayop ka."
"Ano bang problema mo pre?"
"Naninira ka ng may pamilya na yung ang problema ko!"

Nakita kong tumatakbo si louisa papunta sa kanya.
"Ano louisa! Masaya ka? Masaya ka pag tapos ng lahat! Ipapakulong ko kayong mga hayop kayo!"

"Marco wag monng gawin 'to please lang."
"Ikaw ba bago mo gawin yan inisip mo ko?"

*NAKS GALING UMARTE NI MARCO DITO HAHAHAHAAHA*

"Louisa tara na." Sabi ni jared

"Louisa! Mamili ka sa aming dalawa. Kasal kang tao tapos gumaganyan ka! Pag katapos ko ibigay sayo lahat lahat ito lang igaganti mo sakin?"

"Marco."

"Ano louisa! Mamili ka na samin tangina."

Nakita kong binitawan ni louisa yung kamay ni jared at tumingin sya sakin. Di ko na alam gagawin ko, di ko kayang mawala si louisa sa akin. At wala na akong ibang choice kundi gawin ang dapat kong gawin.

"Marco. Sayo ako sasama."
"Narinig mo yun jared? Umalis ka na dito."
"Jared umalis ka na." Sabi ni louisa
"Di ka naman talaga minahal niyan ni louisa. Ako ang mahal niyan."
"Tumigil ka na marco."
"Sabihin mo ngayon sa harap niya na ako talaga ang mahal mo."
"Jare-"

Hinawakan ni jared yung kamay ni louisa.
"Alam kong ako ang mahal mo louisa, sa akin ka sumama."
"Hindi pwede jared makululong tayo pareho."
"Wala akong pakialam! Mahal kita louisa."
"Jared tama na. Isipin mo yung makakabuti sa atin."
"Hindi mo ba talaga ako minahal?"

Tumalikod si louisa at dahan dahan pumunta sa akin
Nung palapit na siya dinukot ko yung baril ko at pinag babaril ko si jared

** LOUISA'S POV **

Nagulat ako sa ginawa ni marco at tumingin ako nakita ko si jared na onting onting bumagsak sa sahig. Tumakbo ako papunta sa kanya pero pinigilan ako ni marco. Dali dali akong hinatak ni marco para pumunta sa sasakyan habang kinakaladkad ako ni marco nakatingin pa din ako kay jared hanggang sa nakapasok na ako sa sasakyan.

"Napaka hayop mo marco."
"Mas hayop kayo pareho! Pasalamat ka tanggap pa din kitang putangina ka."
"Bakit kailangan mo gawin yun sa kanya?"
"Kailangan nya malaman kung sino binabangga nya."
"Marc-"

Pumunta kami sa bahay at pinapa impake niya ako. Kailangan na daw namin umalis at mag pakalayo layo.

"Tapos ka na ba mag impake?"
"Hindi pa. Saan ba tayo pupunta?"

Nag tataka ako kasi lahat ng gamit pinapakuha niya sa akin.

"May bago tayong lilipatan at dun na tayo mag iistay for good."
"Saan yun?"
"Ba't ba ang dami mong tanong?"

Niyakap ako ni marco ng mahigpit.
"I am sorry! Sana mapatawad mo ko. Gusto ko mag simula ng panibagong buhay kasama ka."

Niyakap ko pa din sya pabalik. Pero hanggang ngayon iniisip ko pa din talaga kung anong nangyari kay jared. Sana okay lang talaga sya di ko makakaya pag nalaman kong may nangyari sa kanyang masama.

-

2 WEEKS NA ANG NAKALIPAS

Dinilat ko ang mga mata ko at mejo nahihilo ako.
"Finally! Nagising ka na din."
"Nasa ho ako?"
"Nandito ka sa ospital."

Syempre hindi nag ka-amnesia si jared kasi lumang style na yon. HAHAHAHAHAHAHA

Lost in february.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon