Part 3

40 2 0
                                    

** LOUISA'S POV **
Nagulat ako nung sinabi mo sa akin na matagal mo ng alam. Naguguluhan ang isip ko kung paano at kung saan mo nalaman. Hinalikan mo ko sa noo, sa ilong, sa labi.

"Paano mo nalaman?"
"Naalala mo ba nung una tayo nag kita. Nung nasa simbahan ka pa lang? Nakita ko na may wedding ring ka inisip ko lang na wala lang yun. Suot mo lang. Hanggang sa may mangyari sa atin nung naglakad tayo dati dito sinigurado ko nansa sarili ko na kasal kang tao at hindi pwede. Pinigilan ko naman hindi mahulog sayo. Pinigilan ko naman yung sarili ko na iwasan at layuan ka pero di ko kaya."

Tinignan niya yung mga daliri ko.
"Siguro sobrang swerte sayo nung asawa mo."

Napatingin lang ako sa daliri ko at sa kanya.
"Hindi din."
"Ba't hindi mo suot?"
"Natatakot kasi akong aminin sayo. Natatakot ako na baka pag malaman mo iiwas ka na. Mali lang talaga siguro jared na nag kalilala pa tayo."
"Ayaw mo na?"
"Ayoko na kasi mali 'to. Mali na may ganito."
"Hindi mali 'to louisa. Yung mga nangyari sa atin, yung pag sabi ko sayo na mahal kita totoo yun."

Natapos ang gabi namin na di masyadong nag usap pa. Pag ka-uwi ko galing ilocos naiisip ko pa din yung mga binanggit sakin ni jared. What if totoo lahat ng nararamdaman ko? Namin? Need ko ba talagang pigilan yun.

"Buti umuwi ka pa."
"Mrs. Chavez-"
"Alam ba ni marco yung mga kaputahang ginagawa mo? Panigurado hindi."

Habang iniikot niya yung bahay namin tinitignan niya buong paligid.

"It runs in the blood of being a mendoza? Malandi! Pokpok! Di makuntento sa isa? E kung sabihin ko kay marco ngayon na may kinalolokohan kang lalaki. Ano kayang gagawin niya?"

"Wag mo sanang sabihin kay marco. Mahal ko si marco."

"Mahal?" Natawa sya sakin.
"Di mo sya mahal louisa kaya di ako boto sayo para sa anak ko. May galawan kang puta. Gold digger."

"Wag mo sanang sabihin tita."

"Hindi ko naman talaga sasabihin unless ibigay mo sakin yang golden bracelet mo."

"Pero ito nalang natitirang ala-ala ko sa mama ko."
"Wala akong pakialam besides di ko kasalanan na nag puta ka at di ka nakuntento sa isa. Nagpapaka-trabaho si marco, nagpakahirap tapos ganito gagawin mo. Nakakahiya ka louisa."

Inabot ko yung bracelet kay mrs. chavez
"Thank you louisa! Nagustuhan ko pag ganyan ka kabilis kausap."

** SINARADO KO NA YUNG PINTO **

Isa akong puta. Manloloko. Di makuntento sa isa
Dumating na nga yung kinakatakot ko sa isang kasalanan na nagawa ko. Kasalanan ko mag mahal ng iba habang kasal ako. Binuksan ko yung cellphone ko at ang dami kong narecieve nantext galing kay marco

"Louisa okay ka lang ba?"
"Hon malapit na ako umuwi ha."
"Hon sana ako lang."
"Pasensya na if now lang ako naka-contact. Alam mo naman yung signal dito."
"Nababaliw na ako sa sobrang pag kamiss sayo."

** MARCOS POV **
Nakasilip ako sa bintana ng aking kwarto habang pinapanood ang pag hampas ng bawat alon. Pumasok sa kwarto ko ang isang chinitang maputing babae. Yumakap sakin si monica at humalik

"Marco ituloy na natin."
"Wala kong gana."
"Kaya kitang paganahin."
"Tantanan mo na nga ako."

Tinuro ko yung pintuan palabas ng kwarto ko.
"Di ko trip makipagsex sayo monica."
"Pero sabi mo -"
"Pwede bang lumabas ka at wag mong sirain yung gabi ko sira na nga eh."

Lost in february.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon