Chapter 2: Aadam

19 4 6
                                    

This chapter is dedicated to moonsailing

Namotivate ako kaya nasulat ko ang chap na to, hihihi.
********************************

Aadam's Point of View

"Phar akros de blue wahter..."

Hindi pa ako nakakaabot sa gitna ng kanta nang ipinagtabuyan ako ng magkasintahang nakatambay sa may plasa.

"Doon na lang tayo baby ko," sabi ng lalaki sa syota niya at umalis.

Umupo ako sa pinag-upuan nila kanina sabay labas ng kita ko para sa ngayong araw.

Limamput anim na piso.

Naglakad ako papunta sa pwesto ni Mang Tomas. Hindi pa man ako nakakasambit ng salita ay nilahad na niya sa akin ang bibilhin kong tubig.

"Eto po ang bayad." inabot ko sa kanya ang dalawang piso at umupo sa tabi niya.

Si mang Tomas ang nagturo sakin kung paano gamitin ang gitara, at siya din ang dating nagmamay-ari nito.

Isa siyang matandang nagtitinda ng tubig, mga kendi at sigarilyo dito sa plasa.

"Aadam, wala ka ba talagang balak mag-aral?" tanong niya. Napabuntong hininga ako.

"Kahit naman po na gustuhin ko eh walang magtatanggap sakin sa mga opisina dahil isa lang akong Badjao." napasinghap ako ng hangin, "Atsaka, mas importante na mapakain ko ang mga kapatid ko araw-araw."

"Prtttt!!! Prttttt!!!" pareho naming pinanood kung pano habulin ng mga pulis na nakatalaga dito sa plasa ang isnatser na may yakap yakap na maganda at mukhang mamahaling bag habang tumatakbo.

Patungo pa ang kawatang iyon sa direksyon malapit sa amin.

"Mas lalo talagang dumadami ang krimen dito sa siyudad dahil sa kahirapan." komento ni Mang Tomas.

"Mang Tomas, paki hawak neto..." nakapako pa din ang mata ko sa tumatakbong isnatser nang iwan ko kay Mang Tomas ang gitara.

Agad kong ipinulupot ang braso ko sa katawan ng esnatser nang harangan ko ang daraanan niya.

Hinihingal na inagaw ng pulis ang bag sa lalake at isinoli ito sa may-ari na nagawang sumabay sa habulan.

"Sala.. *huff*.. mat, *huff* Badjao." - pulis. Pilit na kumakawala ang kawatan nang ilabas ng pulis ang posas.

Pagod at hinihingal man ay nagawang hablutin ng esnatser na gapos gapos ko ang patalim nito na nakatago sa kanyang pantalon.

"Tsk!!"

Sa isang kisap ng mata, nakawala siya sa pagkakagapos ko. Hindi na nabigyan ng pagkakataon ang mga pulis na habulin siya dahil agad silang sumaklolo sa malalim na sugat na natamo ko sa esnatser.

"Agh..." dalawang saksak sa tagiliran.

"Ambulansya! Tumawag ng ambulansya!"


Aryan's Point of View

Nagising ako sa loob ng Ospital, nasa emergency room in fact.

Napahawak ako ng ulo ko. Parang may tumama sakin na matigas na bagay. Ah, yung bato pala.

"A-arayy..." naramdaman kong may tumulong likido mula sa ulo ko. Pagtingin ko sa aking kamay ay halos mapatalon ako sa takot nang makitang may dugo akong nakapa mula sa ulo ko!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Destined To A BadjaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon