Chapter 3: Duet

10 1 0
                                    

Napatingin agad ako sa aking relo matapos kong idilat ang mga mata ko.

Nasa tabi ko nakaupo si mama at nasa emergency room pa din kami.

5:30 PM

Hinawakan ko ang ulo kong may sugat.

Haluhhh!! May stitches na ito!!

"Uuwi tayo mamaya, susunduin tayo ng tito mo." seryosong sabi ni mama. "Hindi ka kasi nag-iingat. Alam mo namang may Reunion tayo ngayon at graduation niyo bukas." ayan na naman siya.

"Hindi ka pa pwedeng umalis, bata." sabi ng nurse na dumaan sa katabi kong pasyente.

Namumukhaan ko talaga siya eh.

Saan ko nga siya nakita?

I'm not good with faces pero pag natitigan ko talaga ang mukha, matatandaan ko talaga ito.

"Ah, hijo, wala bang may magsusundo sayo dito? May contact number ka ba ng mga magulang mo?" tanong ng mama ko sa kanya.

"Hindi ka basta basta makakalakad nang maayos dahil sa sugat mo sa tiyan." paalala ni mama.

Nakatitig lang ako sa kanya. Pinagmasdan ko siya nang maigi.

Mula sa buhok, mata, ilong, bibig....

*Gasp*

Siya ba yung Badjao na binigyan ko ng anim na piso!?

Teka, teka! Siya ba talaga!?

Coincidence? Nakakabilib talaga palagi ang mga pagkakataong ganito.

Feeling mo may something pero wala naman talaga ha-ha-ha. Pero sobrang coincidence lang talaga to eh!

Akalain mong magkikita kami ulit? Sa ospital pa. At mag katabi pa talaga ng higaan!

Pwede namang matanda o bakla ang makakatabi ko, bakit siya pa?

Mmmm...

Ano kaya ang ipinapahiwatig ng tadhana sa akin?

Siyang siya talaga eh!

Teka, namumukhaan kaya niya ako?

Eksaktong napasulyap siya sa pwesto ko. Sandali lang siyang napatitig dahil muling nagsalita si mama.

"Baka mas matatagalan pa ang pag-uwi mo, bata. Naku, salamat talaga at naagaw mo ang bag ko sa snatcher ha?" nagtaka ako sa sinabi ni mama.

"Snatcher ma?" tanong ko.

"Habang hinahanap kita, may biglang humablot sa bag ko buti na lang at nahuli siya ni.. Ah... Ano nga pangalan mo, bata?"

"Aadam," matipid niyang sagot.

"Oo, si Aadam. Hinarangan niya ang snatcher kaya naagaw niya ang bag ko, sa kasamaang palad ay nakawala ang snatcher tapos nasaksak pa siya ng patalim." paliwanag ni mama.

Ah, so feeling tanod pala ang lalaking to?

*Let it go! Let it goo woahh!*

Nakakahiya ringtone ni mama. Napaface palm ang kaluluwa ko.

"Hellow, hellow? Anjan ka na sa labas? Sige, lalabas na kami." sagot ni mama sa cellphone. Dahan-dahan akong umayos ng upo at tumayo.

"Yan, sumasakit ba ulo mo?" tanong ni mama.

"Hindi ba obvious?" mahinang sagot ko.

"Ano?"

"Medyo masakit, ma." pasimple akong napaikot ng eyeballs.

Destined To A BadjaoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon