37

260 9 2
                                    

damsielle

"hindi ako masasaktan kasi una sa lahat hindi ko siya mahal," sabi ko sa mga gagang nagchachat pa eh magkakasama lang naman kami dito sa ilalim ng isang puno.

"sinong di mo mahal?"

muntik na akong mapalundag nang may nagsalita sa likod ko.

"w-wooseok."

"teka may mga klase pa pala kami," ani joy.

at sa isang iglap, nagsitakbuhan na ang mga walangyang kaibigan ko. natira kami ni wooseok.

"may klase rin pala ako."

tinalikuran ko siya at akmang tumakbo pero nahawakan niya 'yung braso ko. iniharap niya ako sa kaniya at napayuko ako.

"sorry na."

inangat ko 'yung ulo ko at tinignan siya sa mata ng seryoso.

i took a deep breath before i asked one question.

"bakit mo ba 'to ginagawa?"

"'yung alin?" tanong niya pabalik.

"eto! 'yung sinusuyo ako dahil galit ako!" hindi ko alam pero bigla nalang na nataasan ko siya ng boses.

"syempre ginagawa ko 'to dahil nangako ako sa ate mo atㅡ"

"late na ako sa klase ko."

hindi ko na siya hinayaang makapagsalita pa o kaya naman pigilan pa ako dahil tumakbo na ako palayo sa kaniya, sa kaniya na boyfriend ng ate ko.

'nangako ako sa ate mo.'

'yan naman lagi eh.

simula palang alam kong para kay ate lang ang pagiging malapit niya sa akin pero putek lang, baliw ako para minsang kalimutan 'yun.

baliw ako para masaktan sa mga salitang 'yun.

bakit bigla akong nagkaganito kim wooseok?

break up (✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon