damsielle
ilang beses na ba akong huminga ng malalim? hindi ko na mabilang. sa sobra kong kaba habang hinihintay siya ngayon, di ko namamalayang naubos ko na agad ang inorder kong siopao.
napatingin ako sa pinto nang tumunog ang parang bell. at nagtama ang mga mata namin ni kim wooseok.
simple lang ang suot niya eh. puting shirt lang naman at denim pants pero para na siyang model o artista. iba talaga eh.
"h-hi." awkward kong bati.
naglakad siya palapit sa direksiyon ko. ilang hakbang lang naman dahil malapit lang ang table ko sa pinto.
kauupo palang niya ay biglang naging seryoso ang aura sa pagitan namin. "bakit mo nga ba talaga ako iniiwasan?"
ilang segundo akong naging tahimik.
ano ba yan, pinapraktisan ko to eh.
gusto kasi kita pero pinipigilan kong mas mahulog sayo kasi boyfriend ka ng kapatid ko.
"magdamag lang ba tayong magtititigan dito?" tanong niya.
"eh..." yun lang ang tunog na lumabas sa bibig ko. nakakainis.
"wala naman akong problema kung gaano katagal eh. ganito ba gusto mo?" nataranta ako nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin kaya napasandal ako sa salamin na nasa likod ko.
"tumigil ka nga," sabi ko.
finally, may lumalabas ng normal na salita.
bigla siyang tumawa. "nagsasalita ka naman pala eh. binibiro lang naman kita."
pero naglaho agad yung kurba sa labi niya dahil bumalik siya sa pagiging seryoso. baliw ata ang lalaking ito eh.
"sagutin mo na yung tanong ko. bakit nga?"
kasi gusto kita.
dang di ko kayang sabihin.
"why damsielle?"
hindi ko nga talaga kaya.
dali-dali kong kinuha ang dala kong bag at mabilis na lumabas sa shop. akala ko ay hindi niya ako agad susundan pero naiharap niya ako sakaniya nang hawakan niya ang braso ko.
"bakit mo ba ako pinapahirapan?"
ilusyonada na ba ako kung sasabihin kong may sakit akong nakikita sa mga tingin niya?
"sa ginagawa mo, mas lalo mo akong pinapahirapan eh. mas lalo mong ginugulo ang utak at puso ko," aniya.
hindi ko napigilang mapakagat sa labi. ayokong mag-assume pero parang napalundag ang puso ko ng marinig kong ginugulo ko puso at utak niya.
"paanong paraan ba kita pinapahirapan at ginugulo?" tanong ko ng nakatingin diretso sa mga mata niya.
"tulad ngayon. tingin mo palang parang gusto ko ng gumawa ng kasalanan," sagot niya.
"anong kasalananㅡ"
"damn damsielle, gustong-gusto kita!"
teka. ako dapat ang nagcoconfess ngayon ah.
bago pa man ako makatugon sa sinabi niya ay naramdaman ko nalang ang malamig niyang kamay sa pisngi ko at ang mainit niyang labi sa labi ko.
what the.
gusto kong maguilty kasi sa ilang segundo nakalimutan kong jowa ng ate ko ang sumusunggab sa labi ko ngayon pero nakakainis lang hindi ko nagawang pumalag.
harajezko. minor de edad pa ako.
when he finished the kiss, akala ko ilalayo niya na ang mukha niya pero isinandal niya ang noo niya sa noo ko at tinitigan niya ako sa mata ko.
"matagal ko ng gustong gawin yun. sorry hindi ko na napigilan," mahina niyang bulong pero rinig ko naman at ramdam ko pa ang mainit niyang hininga sa mukha ko.
alam kong hindi tama pero aamin na nga talaga ako sa kaniya.
"gusㅡ"
"damsielle, wooseok?!"
"ate dianne?!"
-
a/n; bigla naging rated 13+ to ah hahaha. ilang chapters nalang, matatapos na to after so many months HAHAHAHA. see ya sa epilogue ♡
BINABASA MO ANG
break up (✔)
Short Story❝ate yung boyfriend mo nakita kong may kasamang ibang babae. makipag-break ka na nga dun.❞ ➶ ᴋɪᴍ ᴡᴏᴏsᴇᴏᴋ x ʀᴇᴀᴅᴇʀ ᴇᴘɪsᴛᴏʟᴀʀʏ ➶ x1-ʀᴀᴜʟᴏ sᴇʀɪᴇs: ғɪʀsᴛ ᴄʀᴀᴢᴇ started: 062219 ended: 021820 credits to @seungwooed for the book cover