damsielle
"ang tagal mo namang nakabihis eh!" rinig kong reklamo ng magaling kong kuya sa labas.
bahala siyang maghintay, nagtatampo akong mas pinili niyang ipares ang ate ni shine na fangirl keysa sa akin na kapatid niya.
"o ayan ayos na mukha mo. para ka ng tao," sabi ni ate dennice.
"'wag mong dumihan o gusotan 'yang gown ha? hiniram lang namin 'yan," bilin ni ate demmi.
"wow ate infairness ang ganda mo ngayon," komento ni daniella.
napaharap ako sa salamin. simpleng gown lang naman ang suot ko. inayos lang ng konti nina ate ang buhok ko at nilagyan ng konting make-up. pero tama nga naman si daniella, ang ganda ko ngayonㅡlagi naman talaga.
"salamat mga kapatid."
"you're welcome," sabay nilang sagot.
it's been awhile mula ng mapadalaw ang mga 'to sa bahay na tinitirhan ko ngayon, kina lola. miss na miss ko na sila at sina nanay pero hindi naman pwedeng iwanan namin ni midam ang lolo at lola.
"osiya lumabas ka na at may poging naghihintay sayo sa labas."
paglabas ko sa kwarto ay nakarinig ako ng palakpak kay kuya. "mabuti naman at lumabas ka na. baka maubusan tayo ng pagkain eh."
kinuha ko ang pinakamalapit na sofa pillow at ibinato sa walangya kong kuya.
"kaku."
"yoo look beautiful tonight."
napaprente ako ng tayo nang magsalita ang lalaking nasa harap ko ngayon. para siyang prinsipe sa suot niyang formal attire ngayon with matching glasses pa.
"ngayon lang ba ako maganda?" pamaldita kong tanong kay dongbin kaya napatawa siya at ganun din ako.
"pasalamat ka at hindi ko nabugbog 'yang partner mo," singit ni midam.
"edi salamat," sarkastiko kong sagot.
"tama na daldalan. baka mahuli pa kayo," sabi ni lolo. "basta umuwi kayo ng maaga ha?"
"opo lo."
hindi na kami nagtagal pa sa bahay at pumunta kami sa venue.
hindi man ganun ka engrande pero sosyal ang debut ni shine. nasa garden kami ng isang hotel at ang daming makukulay na fountain. gold, silver at purple 'yung mga disenyo at lights sa gilid.
wooooow.
naupo kami ni dongbin sa designated table namin. kasama namin sa table ay si blissie at junho, zoe at seungwoo, reigna at hangyul at dalawa pang bakanteng upuan.
dumating na si shine sakay sa isang parang pumpkin na palanquin.
ang ganda ah, parang prinsesa talaga.
hindi naman sobrang sosyalin pero halatang malaki ang ginastos. makakaganito din ba ako?
namamanghang nilibot ko ng tingin ang buong venue at sa di inaasahang pangyayari may nakatagpuan ako ng tingin.
kim wooseok.
so invited din pala siya at ang pares niya ang ate ni dongbin. itong ate ni dongbin ha nakakainis din parang itong si dongbin mismo na para namang tangang nakatitig sa akin ngayon.
ganda ko diba? ganda ng ginamit at sinayang mo ha.
the party went well. sobrang saya ni shine dahil natupad niya ang pangarap niya noong bata pa na maging prinsesa. pogi ba rin naman ng escort niya.
bandang alas dies narin nang mag-uwian ang lahat. yun nga ang problema eh, uwian. at iniwan ako dito ng magaling kong kuya na balita ko nag exo medley sa isang karaoke bar kasama ang ate ni shine.
galing ng kapatid ko.
pati rin yung partner ko, walangyang dongbin na yun. iniwan din ako agad.
naghihintay ako ng taxing mapapara nang biglang may humintong kotse sa harap ko. bumukas ang bintana sa likod at bumungad sa akin si dongbin.
"aba pambihira ka ah, iniwan mo akoㅡ"
"sakay ka na," rinig kong boses mula sa loob at kung hindi ako nagkakamali, kay wooseok yun.
oo nga naman, kotse niya pala ito.
"wag na," maikli kong sagot sabay iwas ng tingin.
"sasakay ka ba o magpapaiwan ka talaga diyan? well it's fine with me kung di ka sasakay. as you can see, masikip na dito," biglang singit ng ate ni dongbin.
sarap nito kurutin sa nail cutter eh. kung di lang ako nabulag noon sa pagkakacrush kay dongbin, sinungitan ko na to noon pa.
"kung masikip naman pala, bahala na kung sapitin ng umaga. hindi ako sasakay."
"sakay."
isang salita lang yung sinabi ni wooseok pero sapat na iyun para mapasakay ako sa takot.
i kept my head down, ayokong magkatagpo ang tingin namin ni wooseok. pag kinakausap naman ako ni dongbin, tumutugon ako sa usapan pero sa kaniya lang ako titingin tapos babalik uli sa baba.
naunang bumaba sina dongbin kaya naiwan kami ni wooseok na tahimik sa kotse. i kept my mouth shout hanggang sa dumating na ako sa tapat ng bahay. i was about to open the door when suddenly i felt warm hands on my wrist.
"bakit mo ba talaga ako iniiwasan?" he seriously asked.
nagkatitigan kaming dalawa at yan na naman nalulunod na naman ako.
"pwede ba wooseok? lalo mo akong binibigyan ng rason para iwasan ka."
at pagkatapos sabihin yun, tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin at nagmamadaling lumabas sa kotse niya.
oo iniiwasan kita wooseok.
iniiwasan kita bago pa tuluyang lumalim itong feelings na sumisibol sa puso ko.
BINABASA MO ANG
break up (✔)
Short Story❝ate yung boyfriend mo nakita kong may kasamang ibang babae. makipag-break ka na nga dun.❞ ➶ ᴋɪᴍ ᴡᴏᴏsᴇᴏᴋ x ʀᴇᴀᴅᴇʀ ᴇᴘɪsᴛᴏʟᴀʀʏ ➶ x1-ʀᴀᴜʟᴏ sᴇʀɪᴇs: ғɪʀsᴛ ᴄʀᴀᴢᴇ started: 062219 ended: 021820 credits to @seungwooed for the book cover