chapter 6

160 9 0
                                    

11:45 PM
Josh's

Papunta akong 7-eleven dahil magpapalibre ako kay Justin, siguro kasabay na niya si Ianne ngayon kaya susunod ako.

Hindi sa kalayuan may makikita kang magkasintahan at may babaeng tila ba ay nakatitig sa dalawa na maghahalikan, kaso tumalikod ito at umalis. Lumapit ako sa para bang magsyota at nakita kong si Justin at si Mika ito.

Binaba ko ang aking sumbrero para hindi ako makita, at sinundan si Ianne. "Tama na Mika." tinulak ni Justin si Mika, at umalis na. Naiwan mag-isa si Mika na nakatitig lamang, pinagmamasdan si Justin na umalis.

11:57 PM
Ianne's

Ito ako ngayon, nasa kalsada pa din, di ko na alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko, basta malayo sa kanila. Mag-aalas dose na ng madaling araw pero wala pa din akong ganang matulog, mas gusto kong magpahingin sa labas at magmuni-muni.

Di ko namalayan na di ko na alam kung nasaan ako pero siguro malapit lang ako sa SHOWBT.

Naglalakad ako nang tahimik, hanggang sa sumulpot ang isang dwende, "bulaga~ hahaha" akala siguro ni Josh magugulat ako pero tiningnan ko lang siya at sinabi, "nagulat ako teh. push mo yan" at naglakad pabalik, at parang aso si Josh na nakasunod sa akin.

"kain tayo." humarang si Josh sa dinadaanan ko at ngumiti, "wag na, sayang pera." sabi ko at iniwasan siya. "libre ko oh, di ka dapat tatanggi sa grasya." libre, diyaan lang ako nabubuhay, sa libre. makakatanggi ba ako, kaso may pride din ako, nakakahiya din, siya pa mismo manlilibre sa akin. "Wag na, itutulog ko na lang ito." magsasalita pa sana si Josh pero yung tyan ko yung nagsalita. Rinig na rinig ito kasi kaming dalawa lang nandito.

Tiningnan ako ni Josh tapos tumawa siya at hinawakan ang pulso ko tska hinatak ako papunta sa Alfamart. Bumili siya ng dalawang cup noodles at kanin tska kami kumain. "Matanong ko lang, bakit ka late kanina?" tinanong niya ako, iniisip ko kung ano na naman irarason bakit ako late, kaso yung bibig ko masyadong makulit. "sa rooftop." napatigil naman si Josh sa pag-kain at tinitigan ako, "kasama mo si Justin?" tinitigan niya lang ako samantala ako na nakatingin sa cup noodles habang hinahalo ito, "hmm." at tumango ako.

"Ayos naman?" tumango naman ako dahil mabait naman si Justin, "pero tinanong niya ako." nagtaka naman si Josh, "kung ako daw, ano daw gagawin ko kung pinapalayo na ako ng taong mahal ko." napatawa nang bahagya si Josh at humarap siya sa akin. "tungkol kay Mika yan hahaha" tska siya bumalik sa kakakain, "halos isang taon din niligawan ni Justin si Mika, kaso binusted niya ito. nakakasawa daw si Justin tska lumayo." pagkwekwento niya, kahit hindi ko naman sinabihan na magkwento. "at ngayon kung kailan nagmomove on si bunso, doon susulpot si Mika." dagdag niya.

Pagkatapos niya magkwento, tuluyan na namin inubos yung pagkain, at bumalik sa SHOWBT.

"di ka uuwi sa inyo?" papasok sana ako kaso nagtanong siya, umiling lang ako, "dito muna ako sa ngayon," ngumiti ako nang mapakla, dahil nakakalungkot lang na wala na akong dahilan para umuwi pa, dahil tinatakwil na ako ng sarili kong ina. "sige, ingat at goodnight." tska umalis si Josh papunta sa dorm nila.

Nakarating ako ng practice room, Ako na lang taong natitira sa building kaya okay lang. Pinatay ko ang mga ilaw at humiga sa sofa sa gilid ng kwarto, nakatingala.

Kinuha ko yung phone ko at binasa muli ang mga messages ni mama, di ko namamalayan na pumapatak na ang mga luha ko. Iniyak ko na lahat para wala na matira sa susunod, para bukas malakas na ako ulit, at aahon sa problema.

June 27, 2018
Ianne's

"bakit di ka sumulpot kagabi?" yan agad bungad sa akin ni Justin umagang-umaga palang. kung alam niya lang na nakita ko kababalaghan nilang dalawa ni Mika kagabi.

"biglang sumakit tyan ko." pagpapalusot ko, aalis na ako para magtraining kaso hinatak niya ako at kinalakadkad papuntang cafeteria nila, ang hilig nila manghatak teh. di naman masakit pagkakahawak niya, nasasaktan na niya ako sis.

"ano ba, bitawan mo nga ako." nagpumiglas ako para makawala sa pagkakahawak niya sa akin. "ano ba, di ka pa kumakain." pagpupumilit niya, "kumain na ako." sagot ko, "anong kumain? kakagising mo nga lang eh, tapos nakakain ka na, dito ka nga natulog eh." sasagot pa sana ako kaso dumating yung babaeng choreographer, "Justin, tara na, tuturuan pa natin yung mga bata." nagbow lang si Justin, tiningnan niya lang ako at umalis na. Lakas tama.

"buti pa si Justin concerned sa'yo." at bigla na lang sumulpot si Mika sa likod at hinarap ako. "wag mo na isipin na mahuhulog siya sa'yo, dahil sa huli sa akin ang bagsak niya." tiningnan ko lang nang diretso, wala naman ako gusto sa tao, kahit kailan di ako magkakagusto doon. "wag na wag kang magbabalak na agawin siya sa akin, di mo alam ang kaya kong gawin." tska siya pumasok sa loob ng practice room.

Napabuntong hininga na lang ako, "Ianne!" isang babae ang tumawag sa akin na mukha na kaedaran ko lang, Mia Reyes, isa sa mga kasama ko kapag nagppractice. "Tara na at hinahanap ka na ni Ate Anne~" lumapit siya sa akin at isinukbit niya ang braso niya sa braso ko.

Habang naglalakad kami, nakita namin si Ken at Sejun na naghahabulan kaso nabangga ni Sejun si Mia, "sorry po kuya Sejun hehe" nagbow si Mia pero si Sejun napatulala na lang kay Mia, "s-s-sige, t-thank you, s-sorry Mia." tska kumaripas ng takbo si Sejun papalayo kay Mia. "yes naman Sejun!" sabi ni Ken habang nakaakbay sa kaniya, kahit na malayo, rinig na rinig mo pagkakilig ni ken para kay Sejun.

Tiningnan ko si Mia, na namumula na parang kamatis, "ano ba ate~ wag mo akong titigan nang ganiyan" tinakpan niya ang kaniyang mga namumulang pisngi at dumiretso sa practice room.

---

plug:

please read 'Pagtingin' SB19 Sejun. This is more about Sejun and Mia's love story.
please support it. thank you po.

Hindi Tayo Pwede | SB19 JustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon