chapter 7

162 10 6
                                    

June 30, 2018
Ianne's

Ilang araw na ang nakakalipas simula nung binantaan ako ni Mika tungkol kay Justin, simula nung araw na iyon, ay hindi ko na siya pinansin nang pinansin.

Text man siya nang text sa akin ay hindi ko siya nirereplyan, magagalit lang sa akin girlfriend niya, ayoko na ako yung magiging dahilan ng pagkasira ng isang relasyon.

Nakakuha na din ako ng matitirhan kahit saglit lang na malapit sa company para hindi ako mahirapan sa pagcommute. Sinakto ko din na kunin yung mga gamit ko na wala si mama dahil baka hindi na ako makalabas nang buhay sa bahay na iyon.

Ilang araw na din akong sobrang focus sa pagppractice dahil bukas na ang evaluation, at baka ma-eliminate ako. Halos hindi kumpleto tulog ko dahil pinagsasabay ko ang pag-aaral ko at ang pagttraining.

"uy, ate Ianne~" pagtawag sa akin ni Mia, nagising ako sa katotohanan dahil tulala lang ako. "lalim naman ng iniisip mo, may problema ka ba?" itong si Mia sobrang concerned jusq, "wala naman, nag-aalala lang ako dahil baka ma-eliminate lang ako bukas." nagulat naman si Mia dahil sa sinabi ko, "luh, nako po Ate, di ka ma-eeliminate dahil super galing mo pong kumanta at sumayaw, tiwala lang ate~" ngumiti lang nang onti, nakakatuwa lang na may kahit isang tao na nagchecheer up sa'yo, "kaya ikaw, samahan mo ako sa pagdebut, di mo ko pwedeng iwanan." sabi ko sa kaniya at kinurot ang pisngi niya.

"u-uhm Mia?" may isang matangkad na lalaki ang nahihiyang tumawag kay Mia, at ito ang nag-iisang pinuno ng SB19, si hotdog man, aka Sejun. Kitang kita mo naman na namumula si Mia dahil sa presence lang ni Sejun, jusq dai. Medyo nabibitter na ako dito kaya tinulak ko nang bahagya si Mia para lumapit kay Sejun. "Kain tayo Mia, libre kita." sabi ni Sejun kay Mia. Tiningnan ako ni Mia at tumango lang ako para makaalis na sila.

Naiwan na naman akong mag-isa sa practice room, kaya nagpractice na lang ako. Mga ilang minuto, ay bumalik na si Mia, pero pagharap ko sa kaniya, akala ko si Mia. "Huwag ka masyadong magpagod, del Mundo." at sabay niyang hinagis ang tubig sa akin, agad ko naman itong nasalo baka masaktan pa. Hindi ko na lang siya pinansin at ininom ang tubig na inalok niya, "hindi yan libre," sabi niya ulit. Binato ko yung bote na binigay niya sa akin pero nasalo niya yun. "Bakit mo ba ako iniiwasan ah?" Hindi ko pinansin at pinagpatuloy ang pagppractice ng pagsayaw, "pansinin mo nga ako." nangungulit na naman siya, nagtitiis na lang ako, hinahabaan ko pasensya ko baka sumabog ako.

Kinuha ko yung earphones ko sa loob ng bag ko at sinalpak sa phone tska pinatugtog nang sobrang lakas yung tugtog para hindi ko marinig boses niya.

Habang sumasayaw ako, biglang lumapit sa akin si Justin, hinatak niya ako at hinablot yung earphones, "bakit ba kasi ayaw mo akong pansinin?" hindi ko namalayan na nasagot ko siya, "pwede bang tigilan mo ako ha? nagagalit sa akin yung girlfriend mo eh, akala na aagawin kita sa kaniya? Tska pwede ba wag mo na akong kulitin?" hindi ko nacontrol yung emotions ko, gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko pero huli na ang lahat. "Girlfriend? Sino?" nagtaka siya sa akin. Eh? "Si Mika Reyes. Sino pa ba?" hinablot ko yung earphones ko mula sa kaniya, syete naman oh, pigtas na yung baby ko :'<. "Hindi ko girlfriend yun." sabi niya at may kinuha siya mula sa bag niya, pero hindi ko na lang pinansin, sobrang nalulungkot ako dahil nasira earphones ko. Wala na magcocomfort sa akin once na nalungkot ako. Sobrang tagal na nito sa akin, almost 3 years na din, nakuha ko ito nung nanalo ako sa raffle sa dance competition na sinalihan ko dati.

"Kaya pansinin mo ako, 'wag mo akong pagtabuyan, 'wag kang lalayo, at higit sa lahat," kinuha niya yung nasira kong earphones mula sa akin, sinalpak niya yung headphones sa phone ko, "huwag kang mag-alala, hindi niya ako maaagaw sa'yo." bago niya isinuot sa akin ang headphones. At nagsimula magplay ang kanta ni Moira na 'Ikaw at Ako' bago pa man umalis si Justin.

Bago pa man makaalis si Justin, ay lumingon ako at binaba ang headphones niya, "Kain tayo bukas bago mag-evaluate." ngumiti siya at umalis na. Hindi man ako nakasagot sa ginawa niya at sa mga sinabi niya.

"oh bakit ka namumula ate?" nagulat ako kay Mia dahil bigla bigla na lang susulpot, napakawrong timing naman. "luh, hindi noh, baka sobrang init lang kakapractice." tska ko pinaypayan sarili ko na para bang kakatapos lang magpratice. "ate, naka aircon tayo kaya imposible na mamula ka, tska bago ba iyang headphones mo ate?" wala akong kawala kay Mia, sobrang observative niya, "w-wala yan, napulot ko lang yan sa labas." mukhang naconvince naman siya tska siya bumalik sa munti niyang phone at mukhang magkatext sila ni Sejun. Sana all, ay joke lang.

hindi niya ako maagaw sa'yo

hindi niya ako maagaw sa'yo

hindi niya ako maagaw sa'yo

Isang malaking kahihiyan mula sa'yo, Ianne. Bakit mo kasi sinabi yun? parang tanga lang. Bakit ko ba iniisip yan kaysa sa magpractice?

----

hello guys, happy new year sa inyong lahat~ happy 2nd monthsary mga A'TINs uwu. sana naenjoy niyo itong chapter na ito hehe.

Hindi Tayo Pwede | SB19 JustinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon