K4: Pagkatuklas?

187 11 0
                                    

READ. VOTE. COMMENT!

Misa_Crayola <3




Chapter 4

Unang araw ng trabaho ni Endless kaya naman kinakabahan siya. Pero hindi rin mawawala ang kasabikan na matuto ng ibang bagay kesa sa mga pangaral sa palasyo bilang isang prinsesa.

"Babalikan kita,"

Tumango si Endless kay Script at nginitian 'to.

Iniwanan na siya nito sa labas ng pintuan ng bar and restaurant ni Melvi. Huminga pa siya nang malalim bago pumasok sa loob. Sumalubong sa kanya si Melvi na umagang-umaga ay mukhang nagsusungit na kaagad. Nasa dalawampu't pito na 'to, palaging nakaikot pataas ang buhok nitong kulay brown habang pulang-pula ang labi nito ng lipstick.

"Tulungan mo na silang mag-ayos," utos kaagad nito ng bumaling sa kanya.

May tatlong lalaki at dalawang babae siyang makakasama, hindi halos nagkalalayo ang edad nila. Nahuli pa niyang pasimpleng tinitingnan siya ng dalawang lalaki kaya nginingitian niya ang mga 'to dahil gusto niyang maging palakaibigan. Ang isang lalaki naman na kulay pink ang buhok ay nakaupo sa isang mesa at abala sa pagtitiklop ng mga tissue sa artistikong paraan.

"Dalian ninyo na at maya-maya lang may darating na!"

Halos lahat sila nataranta, lalo na siya dahil tila siya hilong-hilo kung ano ba ang gagawin niya. Ang bibilis kumilos ng mga 'to na tila may kung anong kakayahan sa mga binti. Pinunasan niya ang mga mesang hugis bilog at sinunod ang mga upuan na ginaya niya sa ibang bahagi na ginawa ng ibang mga tauhan ni Melvi. Lahat ay nagmamadali, pero nang matapos siya 'yung mukhang lantang-lantang gulay at pinagpapawisan pa. Samantalang ang mga 'to, tila nag warm-up pa lang sa ginawa.

"Lily, isama mo 'tong si—"

"Endless," pakilala niya kay Melvi.

Tumango naman 'to, "Isama mo 'tong si Endless sa pamimili, para sa susunod siya na lang ang uutusan ko. Ituro mo sa kanya kung ano ang mga kikilatisin niya kapag namimili."

"Okey-dokey!" masiglang sagot ni Lily na hinawakan siya sa braso at hinila palabas.

"Ang guguwapo talaga ng mga Knights!" siniko siya nito bigla.

May padaan kasing mga Knights, imbis na tingnan ang mga 'to halos pagkatunguhan niya ang ulo para lang itago ang hitsura. Kahit pa sabihin na wala kahit isang Knight ang nakaligtas, hindi pa rin niya maiwasang isipin na baka mali lang ng bilang, baka may iba pang Knights ang buhay at makilala siya bigla. Ipinakita ang hitsura niya sa mga kalabang mga Knights at sa prinsesa ng mga ito, ganoon din ang ginawa ng mga 'to. Pero bago pa nga sila bumaba at maglapit nagsimula nang sumugod ang mga taga-Damia na wala palang layunin makipagkasundo kundi manlamang lang.

Hindi na nga siya nagtataka kung bakit maraming galit sa lugar nila, dahil bukod sa sakim na ang kanyang ama, halos wala pa itong awa kahit sa nasasakupan nila. Masyado nitong dinama ang kasabihan na ang utos ng hari ay 'di kailanman mababali. Mas naging mataas din ang tingin nito sa sarili nang mapasama sa Zone 66. Hindi bahagi ang Goldia ng Zone 66. Sa pagkakaalam niya, namimili ang Emperador ng Z66 ng kakampi. Kung hindi man, iyong kusang aanib sa mga 'to. Pero sa kaso ng Goldia, mahina ang sandatahan nito at kahit nakabangon na, hindi pa rin sapat para mapansin 'to ng Emperador.

Sa pamilihan naging alisto siya sa mga sinasabi ni Lily. Mabuti at may dala siyang papel at panulat dahil kung wala ay hindi niya maiintindihan ang mga pinagsasabi nito.

Ganoon ang unang linggo niya. Sumama at mag sulat ng mga dapat tandaan. Kumain rin siya nang kumain nang masusustansiyang pagkain at sinanay ang sarili na maging mabilis din kumilos kaya halos lantang gulay na siya sa t'wing darating si Script para sunduin siya. Pero nakakaramdam naman siya na lumalakas na ang pangangatawan niya at hindi na kasing pagod nang umpisa ang pakiramdam nang katawan niya.

NOT MY KNIGHT ( GXG ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon