K8: Dakip

155 9 0
                                    


READ.VOTE. COMMENT

Misa_Crayola


Chapter 8

"Nakakapagod pero masaya!" ani Endless nang makapasok na sila sa loob nang kabahayan.

"Hindi ba naubos ang sahod mo sa kabibili?" natatawang tanong nito sa maraming supot na ito ang nagdala.

"Napakarami kayang mura. Hindi ko 'yon mapapalampas 'no. Isipin mo triple ang ibinaba nila." Naupo si Endless sa dulo nang kaliwang bahagi ng sofa.

"Kaya kahit hindi mo kailangan binili mo."

"Hindi, ah! Magagamit ko 'yan lalo 'yang mga hulmahan nang tinapay 'no!" protesta niya.

"Bakit ba gustong-gusto mong matuto magluto? Marami namang bilihan sa paligid natin na masarap ang lutong ibinebenta."

"Iba pa rin ang lutong bahay, heneral!"

Naupo 'to sa tabi niya.

"Sa bahay din naman nila 'yon iniluto?"

Sinimangutan niya 'to nang balingan niya sa tabi.

"Sabihin mo lang na hindi mo gusto ang ihahain ko dahil alam mong 'di masarap!" Humalukipkip siya at kunwaring nagtampo sa pamamagitan nang paglungkot nang mukha.

Lumapit 'to sa kanya at kinabig ang mukha niya paharap dito.

"Ano?" kulang sa lakas na tanong niya.

Gumuhit ang ngiti sa labi nito.

Hindi 'to sumagot pero tinawid nito ang pagitan nang labi nila.

Mainit ang halik nito at may karahanan pero nanghihingi nang katugon na hindi naman niya hinayaang biguin 'to. Iniangkla niya ang braso sa batok nito at tinugon sa mas mainit na paraan ang halik nito. Paano naiiba si Script sa ibang babae? Hindi niya gusto o maisip man lang na may kahalikang ibang babae. Walang malisya ang gawain ni Lily sa kanya na pagkurot sa pang-upo niya at pagpisil sa dibdib niya bilang biro pero kung si Script ang gagawa no'n magkakalat ang init sa buong katawan niya at gugustuhin niyang mas lumalim ang tagpong namamagitan sa kanila.

Bumaba ang halik nito sa leeg niya habang ang palad nito ay nagmamadaling ibinaba ang zipper nang bestida niyang kulay berde. Nagsimulang mas kumalat ang init na nararamdaman niya nang gumapang ang kamay ni Script para haplusin ang balat niya.

"Heneral!"

Malakas na boses ang nagpatigil sa papainit na sana nilang tagpo.

Kaaagad na naalarma ang hitsura ni Script.

"Heneral. Isang mabilisang utos sa palasyo ang dala ko!"

Bumalik sa alaala ni Endless ang naging kamatayan nang mga Taga-Goldia sa kamay nang pagpapasya ng kanyang sakim na ama. At ito ngayon si Script, may malaki at mahalagang espasyo sa puso niya at tumatayo siya sa kalagayan nang mga taong nangangamba sa buhay nang minamahal na ipinapadala sa digmaan.

"Script—"hinabol niya 'to nang mapag-isip isip niyang baka hindi na 'to makabalik. Pero nang tingnan niya ang labas nang bintana ay nakita niya 'tong nakatayo at ang tingin ay nasa kanya. Hindi niya napigil ang mabibilisang pagpatak nang luha sa sobrang takot na iyon na ang huling ngiti nito sa kanya. Hanggang sa mapalayo ang bulto nito ay parang nagiging manipis din ang hangin sa pakiramdam niya.

Nakasiksik sa likuran ng puno si Script habang inaabangan ang pagdating ng malaking lalaking nakabaluti—nasa walong talampakan 'to at may malaking pangangatawan. Maingay ang bawat hakbang nito. Gumagamit ng salamangka ang mga 'to—nakita niya ang mga magic circle na lumabas sa paanan ng mga kabayo nila. Mabuti na lang at nasabi niya 'yon kaagad kaya mabilis silang tumalon pababa at wala pang ilang segundo sumabog ang mga kabayo nila at nagkapira-piraso.

NOT MY KNIGHT ( GXG ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon