K10: Huli

272 9 0
                                    


READ.VOTE.COMMENT! 

Misa_Crayola


Chapter 10

Nakapasok si Script sa palasyo nang 'di hinaharang dahil kilala siyang Heneral. Nakita niya ang dami nang tao sa labas nang palasyo. Ito rin ang unang oras na lalabas si Lavinia bilang Reyna nang Goldia. Kailangan niyang pigilin 'to na ilabas si Endless sa lahat bago pa siya mahuli.

Kaagad siyang bumaba nang kabayo. Dinaluhan siya nang tagasilbi nang palasyo sa dami nang natamo niyang sugat pero ipinakita niyang maayos lang siya sa pagkakatayo at tindig niya kahit sa totoo lang may mga sugat siyang kailangan nang lunasan.

"Nasaan ang prinse—reyna.." Tanong niya sa mga babaeng tagasilbi.

"Heneral, nasa silid niya. Palabas na rin siya para sa pag-aanunsiyo nang pamumuno niya." Nakapila na ang mga 'to sa paglabas ni Lavinia Goldia. Kabilaan ang higit sa dalawang daang bilang ng babaeng tagasilbi.

"Ang bihag?"

"Palabas na siya sa kabilang daanan, heneral. Kung narinig ninyo ang kampana iyon na ang huli sa tatlo."

Hindi 'to naghihinala sa kanya dahil isa siya siya pinagkakatiwalaan ni Lavinia Goldia. Isa siya sa mga Knight na nangako nang katapatan dito.

Tumango siya rito at marahang naglakad para 'di mapansin ng mga 'to ang kakaibang kilos niya. Nang makapasok siya sa daanan nang pasilyo patungo sa mga selda ay lakad-takbo na ang ginawa niya. Dahil iyon ang oras nang anunsiyo sa bagong tagapamuno, sinusuwerte siyang lahat nang tagasilbi at Knight ay kailangan nang pumorma ayon sa puwesto ng mga 'to para sa paghihirang sa unang punong reyna nang Goldia...

Kailangan niyang maitakas si Endless.

Malapit na siya sa lugar kung nasaan ang mga selda nang bumukas na ang pintuan at si Endless ang nakita niya. Nakatungo 'to habang ang tanging kasama lang nito na Knight ay si Minth. Iisa man 'to, bihasa 'to sa salamangka. Ito ang halos karugtong-buhay na ni Prinsesa Lavinia.

"Magpapaalam ka ba sa kanya?" Inosente ang naging pagngiti ni Minth.

Hinawakan niya ang kutsilyo na nasa tagiliran niya.

Nakita niyang nawala ang ngiti sa labi nito.

"Malaki ang respeto ko sa 'yo. Ganoon din ang tiwala ng prinsesa. Iisipin kong mali ang interpretasyon ko sa pagtatangka mong hugutin ang bagay na 'yan."

"Wala siyang kasalanan. Kadugo niya lang—"

"Siya ang tanging paraan para makapagpatuloy na ang iba sa buhay."

"Pero wala siyang kasalanan—"

"Kung gano'n, gusto mong makipaglaban sa 'kin?" Hinugot nito ang espada nito na may kulay pilak na talim. "Magiging taksil ka para lang sa babaeng 'to?"

"Bakit kailangan siyang patayin kaagad? Wala siyang ginawang mali. May mas maraming nasa selda na higit na mas malala ang ginawa sa kanya!"

"Pero siya ang katubusan sa pagdurusa ng bayan na 'to."

Nag-angat nang tingin si Endless na luhaan at may ngiti sa labi. Wala 'tong anumang tali na nagpapakita kung gaano kasigurado si Minth na hindi siya matatakasan ni Endless ano man ang maisipan nitong gawin.

Hinugot niya ang kutsilyo niya. Handa siyang labanan 'to.

Nakita niya ang pagkadismaya sa hitsura ni Minth.

Mabilis niya 'tong sinugod nang makitang hinila nito sa braso si Endless na nasaktan dahil sa ginawa nito. Nawala 'to sa harapan niya at natira na lang si Endless. Sa pagitan nang pagsugod niya'y napahinto siya at kaagad lumingon sa likuran niya. Tama siya nang hinala na naro'n 'to at tila 'to kidlat kumilos. Iniharang niya ang kutsilyo niya na tinamaan nang talim ng espada nito. Mabuti at sa lahat nang nadala niya ay itong bagong gawa nang paborito niyang panday. Naiatras siya ni Minth kahit buong lakas niya'y inilagay niya sa talampakan na unti-unti na ring bumubuka paluhod dahil sa lakas nang puwersa nito.

NOT MY KNIGHT ( GXG ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon