Scarlett's POV
Andito ako ngayon sa sasakyan ni bisugo I mean Levi pala dahil today is my first day being his PERSONAL SLAVE.
May mga rules kaming pinag-usapan.
Rule No. 1 Hanggang sa bahay lang nila ako magiging personal slave nila. Hindi sa School at kahit saan.
Rule No. 2 I should do whatever he wants me to do.
Yan lang namang dalawang rule ang pinagkasunduan namin.
"Hoy! Scarlett!" Tawag sakin ni bisugo.
"Ano?!!" Di ko sya tinitingnan dahil nakatingin lang ako sa labas.
"Wala lang HAHA" Tumawa sya slight pero di ko lang pinansin. Isip-bata tsk.
Kanina pa kami sa sasakyan. Ganun na ba talaga kalayo bahay nila? Sabi nya malayo pero di naman ako nagexpect na malayo talaga.
After almost 30 minutes of driving nakarating na rin kami sa bahay nila.
Ito lang ang nag-iisang bahay dito. Mga may half kilometer pa ata ang layo nila sa ibang mga bahay pero ito lang ang nag-iisang malaki dito. Well malaki din naman sa iba pero sa kanila yung pinakamalaki. Ang yaman.
Ang gate nilang mataas na kulay itim ay bumukas. Ang wide ng space nila. Pumunta kami sa likod dahil andun ang parking lot at ang laki din nito. Katabi nito ang Garden sa left side na ang laki-laki din at may maliit na play house sila sa right side. May mga bata siguro dito.
May pintuan sa likod ng bahay nila kaya dun na kami dumaan. Ang bahay nila ay 3 Floors ata toh at ang wide.
Pagkapasok namin ay nabighani ako sa ganda nito. Yung kitchen nila, sala saka maid's room ay andito sa baba. Bawat floor ng bahay nila ay may comfort room at may kanya-kanya rin silang cr.
Sa second floor naman eh nandun ang guest room, masters bedroom, isang playroom, at tatlong kwarto. May antique room din dito for his Dad's collections and may katabi itong room. Her Mom's jewelry collections. Anlaki talaga.
Last floor, para itong roof top and andito ang malaki nilang pool that made me impress. Halos sakop ng pool ang third floor. May kaunting space lang ito kung saan sila nags-stay pag tapos na silang maligo ng pool and may cr din dito and isang room. Bodega daw.
"Anlaki right?" Tanong ni bisugo sakin. Tumango-tango lang ako.
There is someone who caught my attention. A girl and a boy na nasa mga 4-6 years ata.
Ang girl ay may dalang teddy bear at yakap-yakap nya ito habang nakatingin sakin. Yung boy naman eh may kinakain na lollipop na nakatingin rin sakin.
"Hi!" Bati ko sa mga batang sumisilip samin ni Levi. Tiningnan naman ito ni Levi at pinalapit sa kanya.
"What's your name?" Tanong ko sa dalawa. Di sila sumagot parang nahihiya ata. Nakatago lang sila sa likod ni Levi. Hangkukyutttt.
"This is Snow." Sabi ni Levi saka tinuro yung batang babae. " and this is Matt" tinuro naman nya yung lalaki.
"Hi! I'm Scarlett. Wag kayong mahiya, we can be friends." Nag smile ako sa kanila at lumapit naman ang mga ito konti sakin.
"Ilang taon na kayo?" Tanong kong muli sa kanila. Akmang sasagot na si Levi pero sinabihan ko lang sya na hindi sya dapat sumagot dahil hindi naman sya yung tinatanong ko at tumawa naman ang mga bata.
Unang sumagot yung lalaki. "Hi Ate Scarlett! I'm Matt, 6 years old." Nag-smile sya sakin tapos sabay subo ulit sa kinakain nyang lollipop.
Lumapit naman yung girl saka nagpakilala. "Hi po! Ako naman po si Snow, 4 years old." Angcu-cute ng mga boses nila HAHA sarap iuwi sa bahay HAHA
May tumawag sa kanila na Maid. Parang maliligo na ata sila kaya nagba-bye na sila samin ni Levi. Bale pamangkin daw yun ni Levi. Anak ng ate nya.
Pupunta na kami sa kwarto nya. Nasa pinakadulo ito ng 2nd floor, right side. His room is so big.
Madali lang naman ang pinagawa nya sakin ngayon. Ayaw nya daw munang ma-pressure ako sa 1st day ko dito kasi sa susunod na mga araw pa daw nya ko pahihirapan amp! Kala mo naman mabait psh
Pinalinis nya sakin buong kwarto nya saka ipagluluto ko rin daw sya ng hapunan.
Nakapagpaalam na naman ako kay mama na aabutin ako ng gabi uuwi. Di ko na sinabi sa kanyang naging personal slave ako ng isang bisugo dahil baka magdemanda si mama. 8pm ang paalam ko kay mama.
7:30PM ng matapos ko na ang lahat ng kailangan kong gawin kaya nagpaalam nako kay Levi na uuwi na ako.
"Wait. Ihahatid kita." Sinabi nya sakin saka tumayo sa pagkakahiga. Kinuha nya ang susi ng sasakyan nya.
"Wag na. Magco-commute nalang ako. Maabala pa kita." Pagtatanggi ko pero di nya ako pinakinggan. Sa halip ay hinawakan nya ako sa kamay at dinala sa sasakyan nya.
"Ihahatid kita kasi responsibilidad kong maging safe ka baka magalit pa sakin mama mo pag nagkataon."
YOU ARE READING
Be My Last
Short StoryIsang Babaeng Lagi Nalang Sawi Sa Pag-ibig. MARUPOK kagaya ng nagbabasa. Ilang lalaki na ang minahal nya pero niloloko lang sya. Kailan kaya darating ang true love nya?? May pag-asa pa bang mahanap nya ito?? Isang lalaking siraulo na kung sinu-sino...