Naalala ko ang una naming pagkikita.
Ang asul niyang buhok ay nakakakuha ng atensyon. Ang kanyang matatalim na salita ay ikinagagalit ng lahat. Ang aura niya'y nakakatakot. Ngunit ang balat niya'y makinis, ngiti niya'y nakakabighani. Personalidad niya'y nakakaakit.
Naalala ko ang una naming paguusap.
"Hi, ikaw yung kambal ni Mara diba? Kalirea nga pala" pakilala niya sabay abot ng kanyang kamay
"Marco" sagot ko at nakipagkamay sa kanya
Once a beast, but always a beauty.
Naalala ko ang mga masasayang oras na kami'y magkasama.
"P*tangina mo Marco!!" Sigaw niya sa akin nang aksidente ko siyang napakain ng sili habang ako ay tawa lang ng tawa
Naalala ko ang mga araw na nagluluksa siya
"I just wish he'll come back for me" sabi niya habang nilulunod ang sarili sa alak
"Sino?" Tanong ko
"Miles, si Miles Albatres. Ex ko" sagot niya
Naalala kong parang sinasaksak ang puso ko nang marinig ko yun.
Gusto kong sapakin si Miles, gusto ko siyang saktan. Pero pinsan ko siya, ang mga magulang pa niya ang nagpaaral sa amin ni Mara.
Di ko siya pwedeng saktan.
Naalala ko ang araw na nalaman kong namatay ang kaibigan naming si Xyrene.
"Ang sakit sakit Marco...ang sakit. Bakit kelangan pa niyang mamatay?" tanong niya habang siya'y umiiyak.
Hinagod ko ang kanyang mga buhok habang siya'y nakasandal sa akin.
Naalala ko ang araw na nanghinayang ako, dahil sa iba siya napunta.
"Uhm...Marco...si Miles nga pala...boyfriend ko" sabi niya at ipinakilala sa akin si Miles na abot tenga pa ang ngiti
Naalala ko kung gaano kasakit ang mga salitang yun
Naalala ko ang mga salitang hindi ko inaakalang lalabas sa bibig ko
"Kalirea, bakit kahit isang beses, hindi ako ang piliin mo?!"
"Marco bakit ka ba ganyan?"
"Mahal nga kasi kita!"
-//-
This is a sequel of Refuse me and Where is Xyrene. I recommend that you read those two stories first before continuing, but if you don't want to then its okay. You can still understand this story without reading this. Thank you.
BINABASA MO ANG
Mahal nga kasi kita
RomanceWhat would you do if your bestfriend's ex came back? What would you do to convince her that he's not the right guy for her? Marco Valeron has a bestfriend, Kalirea. When Kalirea's ex came back, she's willing to give him a second chance. What would M...