Ward 8: the PAST (part 1)

91 1 0
                                    

Sa loob ng tatlong araw,nabago ang takbo ng buhay ko. Hindi lang ako napagod dahil sa duty kundi dahil na din sa mga nakakawindang na mga pangyayari. At hindi pa ngtatapos ang lahat. Sa monday... Maaaring makilala ko si Sir Chaves, 80/20 ang chances. Hindi pa din ako handa sa mga maaaring mangyari. Ano naman kaya ang pwedeng mangyari pag nagkakilala kame? Tapos malalaman niyang naging magkaibigan kame ng anak niya? At ako pa raw ang naging dahilan ng pag-alis at pagbalik niya din? Hindi ako sigurado kung AKO ba talaga ang dahilan,ang haba naman ng hair ko. Wehehe.

Pero,seryoso.. Ayaw magsink-in sa akin ang lahat ng nangyayari, ang lahat ng sinabi ni James,hindi naman sa ang hirap niyang paniwalaan. Pero kasi, ilang taon na ang lumipas. At nasasabi niya pa ring gusto niya pa rin ako? Kakarating niya pa lang,ganyan na sya,ano na lang kaya pag tumagal na sya dito at parati ko ng kasama?

Di kaya hahanap-hanapin ko ang ABS niya pag nawala sya? Este, presensya pala.. Panu ba naman,hindi ata nauso sa kanya yung pagsusuot ng tshirt o hospital gown. Parating topless,parang walang sakit eh. Nasanay ata sya ng ganyan sa ibang bansa,walang keme kung maghubad kahit saan. Pwede ko kaya syang pilitin na isama ako pag bumalik sya dun? Para naman masanay na ako kahit wala syang suot. Haha. Enebeyen. He's making me a damn pervert! And i like it :D

Hayy. Yung lalakeng yun,hindi ko alam kung nasiraan na talaga ng bait. Ang isang parte ng utak ko,naguguluhan,pero yung isa naman,nagpapasalamat. Aaminin ko,nakakatuwang gusto niya akong tulungan na makamove on. Talagang inutos nya pa na ilipat ako ng shift kahit ayaw niyang tanggapin ang offer sa kanya na ihandle ang pagpapatakbo ng hospital,dahil sa ginawa niya,para niya na ding tinanggap ito. Desidido syang ilayo ako kay Marco.

Nabigla naman ako ng may kumatok,at sumilip si Mama sa my pinto. Hindi ko naman kasi nilolock yun.

"Nak,kain na. Hindi ka pa nagbbreakfast" nagpout sya,haha! Ang cute lng ng mama ko. Nagtatampo kasi sya sa akin,3 days na akong ngsskip ng breakfast, madalas kasi 11am na ako gumigising dahil 7am ako dumadating,at minsan nakakatulog after akong gisingin,sinong hindi mapupuyat at masstress sa nangyayari sa akin diba? Kaloka.

Nag nod ako "ok po Ma.." tumaas naman ang kilay niya.. "ma,promise,bababa na ako" i said sincerely.

"okay.." ngsmile tsaka umalis na. Inayos ko na ang bedsheets ko at ibinalik ang diary ko sa drawer. Ewan ko ba kung bakit ko naisipang kunin yon. Tumingin ako saglit sa salamin. Naka loose tshirt na pink at pyjamas na pink din wìth matching hello kitty covered slippers na malaki. Hindi ako mahilig sa pink eh. Pony tail ko na lang ang hair ko,nag hindi sinusuklay. Hindi uso sa akin yun eh. Nasa loob ng bahay lang naman ako.

Pagbaba ko,nanonood ng tv si Cass. "goodmorning cassandra,absent ka naman?" diretso sa kusina ako ng hindi sya tinitignan. Hinahanda ni mama ang food ko.

"morning casseidie.. Wala po kameng pasok"

"anong sabi mo?! " sumilip ako sa kanya galing kusina.

"wala kamo kameng pasok!"

"hindi yon! Anong tinawag mo sa akin?!" nilakihan ko sya ng mata.

"tss... ATE casseidie. " sabay irap.

"good.." kumain na ako ng magsalita ulit sya.

"ate kelan kame pwdeng bumisita dun sa kababata mong gwapo?" muntik naman akong mabilaukan dun. Hindi lang pala basta kwento ang ginawa ko sa kanila kahapon,nadescribe ko pa. -.- ngumiti ng nakakaloko si Mama..

"eh h-hindi naman kame ganun ka close eh. "

"weh? Magkwento ka dali! Anong itsura? " sabi niya tska umupo sa harap ko. Hindi ko naman alam kung papaanu ko ikwekwento,itsura lang naman ang hinihingi niya pero mahabang kwento ang nakakabit sa pangalan niya at maaaring kakarampot pa lang ang alam ko.

"ate,pinagnanasaan mo sya noh! " tsaka sya tumawa.

"ha? Pinagnanasaan?" pinagnanasaan ba ang tawag sa pagiimagine na topless sya imbis na nakasuit,o di kaya natutulala pag kausap sya? Pagnanasa na ba yun? Hindi kaya! Hindi ba pwedeng.... Ano... Ay basta. Akin na lang yun. HAHA

"isang tanong lang yun,wagas ka namang makatulala dyan! Haha"

"tigilan mo nga ako! "

"oo nga anak,kelan kame pwedeng bumisita sa kanya?" - mama

"ma!" dumila naman si Cass.. Magkasabwat pa tong dalawa ah! "actually,nasabi ko po sa kanya,pero sabi niya sya nalang daw po ang bibisita dito pagkalabas ng hospital.."

"hindi pa din nagbabago ang batang yon, ang bait pa rin"

"ma,alam niyo ba na sobrang yaman ng pamilya nila?" sabi ko habang nilalagay ang plato ko sa sink. Hindi ko na kayang ubusin ang pagkain ko,ang ganda ng topic eh. Haha

."hmm. Sa pagkakakwento nga sa akin ng lola niya,may negosyo sila sa ibang bansa."

"pati po dito, ang CMC sa kanila rin"

"talaga? Hindi lang pala sila basta mayaman kung ganoon."

"oo nga po,nakakailang tuloy" totoo naman eh,hindi ko maiwasang maikumpara ang estado namin sa buhay. Papaanong ang isang tulad niya,magkakagusto sa ordinaryong babae katulad ko? Bigla naman akong inakbayan ni mama.

"ok lang yan anak,kahit ganun hindi naman niya pinadama sa atin na iba tayo sa kanila. Sobrang mapagkumbaba ng lola at ate niya." Nakilala na nga pala niya ang mga ito nung dito sa village namin tumira si Lou. Pero nakakahiya lang talaga,kung anu-ano ang pinanggagawa ko sa kanya dati at pagdating niya,tapos malalaman kong sya ang may-ari ng hospital kung saan ako duty. T.T

"ate,may younger brother ba sya? Parang ang saya nilang kaibiganin!" sabi niya na halatang excited.

"tumigil ka nga! "

"so, ate,nakamove on ka na?" she said while waggling her eyebrows. Tinignan naman sya ng masama ni mama,dahilan para tumakbo sya papunta sa sala. Naging awkward bigla -.-

"uhm. Ma,akyat na po ako." sabi ko patakbo nang hindi lumilingon.

Kahit hindi sabihin nina mama,alam kong apektado din naman sila. Kinuha ko yung Red box ko sa taas nang closet,tska inilabas sa pinagkakaiingatan ko. GAGAWIN KO NA ANG DAPAT NA GINAWA KO NA DATI PA.

 -'''to be continued :)

ווווווווווו×ווווווווווו×ווווווווווו×ווווווווווו×

Maikling UD.. eggsaited ako sa poems ko.. HAHA.. Dumadami na ang nakadedic sa akin! weeeee!! lahat favorite stories ko.. may isa nlang tlga ang hindi pa nag dedic sa akin :(((

-A -______________-

.

It's my turn for love ♡ (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon