Ward 14: chance

3 0 0
                                    

If you learn from defeat, you haven't really lost.

-Zig Ziglar

—————————————————————————

RHEIN




Soft, so soft, I feel like I am in heaven, floating.. I am floating. What is that smell? Is that raspberries? I love raspberries! Ummm..


Where am I? I opened my eyes and blinked. Oh my gosh! asan ako?


Face palm.


Naalala ko, nasa condo nga pala ako ni James, ang alam ko nasa may window ako nakaupo,marahil ay binuhat niya ako pupunta dito sa kama, nakakahiya! Hinimas ko yung bed sheets, ang lambot, ang ganda, at ang bango ng kwarto na 'to, halatang specially designed for a female guest. Yung headboard,bed frame and yung bedsheets is royal blue with white strips, nakalatad na din dito yung bedsheets na binili namin kanina. Pwede na akong magstay dito habambuhay, hindi ko alam na pwede ko pa palang marating yung dream room ko.



Pero bakit kailangan niya pa na mag-effort para lang sa akin? Pumikit ako at humiga ulit, bakit James?


Marco.


Napabangon ako. Totoo ba yun? tama, totoo ngang kamukha ko yung step-sister niya, God! hindi lubos maisip na mangyayari ito. Sa isang iglap, nagbago ang tingin ko sa mga nangyari dati. That feeling when you were in darkness for a long time, and was suddenly blinded with brightness without any warning. Sinabi ba nilang, maganda na yung parating may linaw ang lahat para hindi ka masaktan. Damn it, well, hindi ganun yung kaso sa akin. Heartbreaking clarity. DAMN. Ang sakit sa ulo, at sa tyan. Pagtingin ko sa desk clock.



9:30pm.


Kaya naman pala. Gabi na. Dinner. GUTOM NA AKO! Lumabas na ako ng kwarto,pero bago ko pa man isara, tinignan ko nang mabuti ito, goodbye dream room. Thank you for making me feel safe, and comfy.


Nakakatawang isipin na, hindi na ako nagwoworry na papagalitan ako ni mama, siguradong ipinagpaalan na ako ni LouLou. Hehe, ang cute, LouLou!


Bumaba ako hanggang marating ko yung kusina, naabutan kong nagluluto si Loulou. Ang daming food!!!


"hi LOULOU!" panggulat ko sa kanya. Pero imbis na nagulat ay lumingon lang siya ng casual sa akin at ngumiti.



"I told you not to call me that right?" ewan ko ba pero may kakaiba sa ngiti niya, parang yung sa cheshire cat, may pinaplano ba siya?



"ah. ano. sorry na! binibiro lang naman kita!gusto sana kitang gulatin eh kaso mukhang hindi effective" sabi ko.


"paano ako magugulat eh, mula pa sa hagdan narinig ko nang tumunog yang tiyan mo" he smirked, and continued cooking.

It's my turn for love ♡ (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon