"MR. FRANCO."
"Ma'am?" tugon ni James nang lumapit sa kanya ang HR Company na pinagtratrabahuan nila.Abala si James sa pagchecheck ng kanyang email nang lumapit sa kanya ang kanilang HR.
"Please guide and teach Mr. Rocco Rodriguez," nakangiting sabi ni Ms. Bernadette Acosta, medyo mataba na pandak, may edad at kulot na HR. Katabi niya dito ay isang binata na hindi pamilyar sa kanya na tila sa tingin niya ay isang newbie sa kanilang departamento.
"Yes Ma'am," mabilis na sagot naman ni James. Nakangiting sumagot ito sa HR at ngumiti rin ito sa baguhan na tinutukoy ni Ms. Acosta.
"Mr. Rodriguez, meet Mr. James Franco. He will be your mentor for this account," turan ni Ms. Acosta kay Rocco Rodriguez at iniwan na niya ang baguhan kay James.
"Yes Ma'am," sagot agad ng kausap ni Ms. Acosta.
Siya si Rocco Rodriguez, isang baguhan sa non-voice account na kinabibilangan ni James Franco. Ninenerbiyos man ay pilit na pinasisigla niya ang kanyang sarili dahil ito ang unang araw niya sa kumpanyang ito. Ayaw naman niya na may masabi ang mga officemates niya kung salungat ito sa kanila ang kanyang pinapakita sa araw na ito.
"Rocco, right?"tanong ni James sa baguhan.
"Yes Sir," nahihiyang sagot naman ni Rocco.
"Hey bro! FYI, hindi ako ang Team Leader dito sa department na ito. Pareho lang tayong agent," nakangiting sambit ni James.
"Ganoon ba. Sige"
"James Franco nga pala. Huwag kang mahihiya dito sa amin ha." Inilahad niya ang kanyang
kamay kay Rocco.
"Rocco Rodriguez," nakangiting tugon din ni Rocco.
"Dito ka sa tabi ko, magshadow ka, at i-eexplain ko bawat isa ha," turan ni James.
Shadow ang ginagamit nilang term sa mga baguhan na kung saan ang kanilang gagawin ay
manood sa ginagawa ng mga mentor nila.
"Sige po."
"Po? Grabe ka naman bro! Matanda na ba ang mukha ko? Maka-po ka diyan ha, hahaha!" natatawang turan ni James nang marinig na pino-PO siya ni Rocco. Aminado naman siya na medyo matured siyang tingnan dahil medyo malaki ang kanyang pangangatawan pero bata pa siya kumpara sa mga co-agents niya na nagtratrabaho.
"Ilang taon ka na ba?"
"23," sagot ni Rocco.
"Kuya pala kita eh, 21 lang ako," nakangiting turan ni James kay Rocco.
"Mukha ka naman matanda sa kanya, James hahaha!" sabat ni Solen."Hi Newbie, I'm Solen Mendez." Sabay ngiti nya kay Rocco.
"Shut up Solen, Rocco ang name niya, hindi newbie," sagot naman ni James na may kasamang
pag-irap.
"I know, narinig ko kaya kay HR," turan naman ni Solen sabay belat nito sa binata.
"Whatever!" asik ni James.
"Hoy James, ipakilala mo naman dito 'yung bago!" Sigaw naman ni Matthew Valencia.
"Utot mo, ang ingay mo gago ka, nakakahiya sa kanya," saway na turan ni James kay Matthew.
"May magseselos na naman dito, hahaha!" tumatawang sabat ni Cassandra Salvacion.
"Oo nga!" sabat naman ng isa sa kanilang officemates.
"Hala, sino?" curious na tanong ni Rocco. Pero medyo nalito siya sa parteng sinabi ni Cassandra. Magseselos? Lalaki naman ako at hindi babae? Anong ikakaselos "niya"?
"Si Tom," sagot ng isa nilang officemate sabay hagikgikan ng mga iba pa nilang officemates.
"Tom-?" naguguluhang tanong ni Rocco. Teka, pangalan iyon ng lalaki? Agad niya nilinga ang kanyang paligid para hanapin ang tinutukoy nilang Tom.
"Hoy, kayo ha? Talagang malisyoso kayo! Gumagawa kayo ng fake news! Ano kami BROMANCE?" sumingit na rin ni Tom Albano sa usapan nang marinig na niya ang kanyang pangalan.
Dahil doon sa pagiging defensive ni Tom, inulan tuloy siya ng tukso at tawanan.
"Defensive ka bro? Hahaha!" natatawang tanong ni Matthew.
"Gago! Isa ka pa! Sapakin kaya kita? Bet mo?" irap ni Tom.
"Hahahaha!" Malakas na tawa muli ni Matthew.
Napapailing at lihim na napapangiti na lang si Rocco sa kanyang kinatatayuan sa mga nakikitang ugali ng kanyang mga officemates. Pero napansin niya na walang Team Leader na sumasaway sa kalokohan nila.
"Nasaan pala ang Team Leader ng department na ito?" agad na itinanong ni Rocco kay James.
"Pang-gabi siya for this week kasi may meeting sila with the client from US," sagot ni James
habang pinapakita na niya ang mga ginagawa nila sa kanilang department.
"Ano pala name niya?" muling tanong ni Rocco.
"Braguda," diretsong sagot ni Cassandra.
"Seryoso?" tanong muli ni Rocco. Kung totoo man iyon ay, wala bang naisip ng magulang nito na ipangalan at iyon pa talaga ang napiling pangalan?
"Sira, hindi joke lang iyon," ani James at binalingan niya si Cassandra.
"Hala ka, baka may makarinig sa'yo. Bahala ka kung gusto mo din magbakasyon," saway ni James kay Cassandra. "Alam mo naman dito sa department na ito, may mga sipsip. Baka makarating na naman sa kanya, matulad ka kay Cedie na nasuspend for 5 days dahil sa mga bagay na ganyan," dugtong pa nito bilang babala na rin kay Cassandra.
"Ah whatever! Naiinis ako sa pagmumukha niya. Akala mo kung sinong umasta dito. Feeling CEO dito sa company! Hindi naman pretty! Kaloka!" Inis na turan ni Cassandra.
Napakunot-noo na lang si Rocco sa kanyang naririnig kina Cassandra. Tila pakiramdam niya na
ayaw nila sa kanilang Team Leader.
"Hala Rocco, ganito lang kami talaga dito. Masasanay ka rin, hahaha!" natatawang turan ni Solen dahil napansin niya na biglang tumahimik si Rocco.
Ngumiti na lang si Rocco.
"So ano ulit name ng TL natin?" muling tanong nito.
"Rhodora Alonzo," sagot ni James.
BINABASA MO ANG
The Serial Killer's Diary [BOOK 1]
Horreur(COMPLETED) Alamin, tuklasin at buksan ang mga pahina ng DEATH NOTE. Mag-ingat lang baka ang pangalan mo ay nakasulat na pala. Matatakasan mo ba si Kamatayan kung nasa likod mo na siya?