Chapter 14 : The doubt

3K 105 23
                                    

Pasensya na po kayo kung ngayon lang po ako nakapag-update. Masyado po ako naging busy sa nakaraang mga araw. Promise na magiging kaabang-abang ang mga susunod na chapters! Promise talaga!  ^__^

=============================================

"Mabuti na lang hindi ka absent," sambit ni Matthew kay Rocco ng makita niya papunta siya sa kanyang station. Sinalubong pa nga ni Matthew si Rocco.

"Wala naman akong planong mag-absent ngayon, di ba sabi ko, uuwi din ako agad from Pangasinan, " sabi ni Rocco at umupo na ito sa kanyang station.

"Nabalitaan mo na ba?" tanong ni Matthew.

"Ang alin?" takang tanong ni Rocco.

"Patay na si Mike!" diretsong sagot ni Matthew

Nagulantang si Rocco sa pahayag ni Matthew.

"Teka , wala pa ba sina James?" tila hanap ni Rocco kina James.

"Wala pa," sagot ni Matthew.

"Talagang patay na si Mike?" muling tanong ni Rocco.

"Oo," sambit na rin ni Cedie.

"Natagpuan patay sa isang abandonadong bahay si Mike," turan ni Cassandra. "Take note, masyadong brutal yung ginawa nila kay Mike compare kay Rhodora,"dugtong pa nito.

"Paanong brutal?" kunot noong tanong ni Rocco.

"Natagpuan putol ang bird at maraming saksak sa puwet niya," diretsong sagot ni Matthew.

"Oh my God. That's so cruel!" napahawak pa sa bibig si Solen sa pahayag ni Matthew.

"Ang baboy ng killer!" turan naman ni Cedie.

"Dalawang empleyado na namatay sa atin," pahayag ni Matthew. " Si Ma'am Rhodora  noon nakaraang buwan at ngayon si Mike."

"Until now, hindi pa rin nasosolve yung case ni Rhodora," tugon din ni Solen." Tapos, panibagong murder case ulit."

"Ganun talaga. Sadyang matagal talaga masolve ang mga murder case dito sa Pinas," pahayag din ni Cassandra.

"Guys! Guys!" sigaw ni Tom. Sabay sila ni James na dumating sa office.

"Alam ko na ang sasabihin mo," hula na winika ni Matthew. Tila alam na rin kasi niya ang sasabihin ni Tom.

"Patay na si Mike," sambit ni Tom.

"Yeah, we know na kaya," pa conyo na turan ni Solen.

Tiningnan ni Rocco si James habang nakaupo na sa kanyang station.

"Behave na guys, papunta na si HR dito," turan ni James na  makita niyang papunta na si Ms. Acosta.

"Guys." Medyo malungkot ang boses ni Ms. Acosta. Tinipon  niya ang mga empleyado sa department na iyon.

"Nakakalungkot sabihin na isa na naman sa ating empleyado  na si Mike Bartolome ay wala na rin. Siya'y natagpuan patay kaninang umaga sa isang abandonadong bahay. Masakit isipin, after Ms. Rhodora Alonzo's murder case, panibagong murder case na naman na until now hindi pa nalulutasan yung case ni Ms. Alonzo. Sana i-pray natin ang mga kaluluwa nila at mahuli na ang may-sala," tugon ng HR nila.

"Please lang huwag kayo magpapaapekto sa mga nangyayari dahil kapag nag-down ang production ninyo, magdodown din ang company. Be positive. Malalampasan din natin ang lahat na nangyayari dito sa company," patuloy na pahayag ni Ms. Acosta.

"Yes ma'am," sagot naman ng mga empleyado.

"Bakla, afraid na aketch," turan ng isang bading na empleyado sa kanyang katabi ng makaalis na ang kanilang HR.

"Bakit naman bakla ka?" tanong ni Olivia na kanyang katabi.

"What if, aketch na ang next victim ng killer. Eh di tsugpez na aketch! huhuhu! " maarteng turan nito.

" Iiyak ako," diretsong sagot ni Olivia.

"Really bez?"

"Yup. Tears of joy." At sinabayan pa ni Olivia ng malakas na tawa.

"GAGA ka!!" sabay pout pa ng bading sa kanyang lips.

 Tawanan lahat ng mga agents sa biruan ng dalawa. Kahit papa-ano, naibsan ang kanilang takot dahil sa mga nangyari sa dalawa nilang ka-officemates na biktima ng di pa nahuhuling killer.

----------------------

"Sino kaya ang killer?" tanong ni Tom kina James at Rocco habang nag-aabang na sila ng masasakyang pauwi.

"Mahirap kung mamimintang tayo," tugon ni Rocco sabay tingin kay James.

"Tama ka Rocco. Bahala na ang mga pulis na gawin nila ang kanilang trabaho," sambit ni James na tila hindi napansin ang pagtitig sa kanya ni Rocco.

"Sana, wala ng kasunod," seryosong turan ni Tom.

"Sana nga..." sambit naman ni James.

Naunang nakasakay si Rocco kina James at Tom sa pampasaherong jeep. Mula sa kanyang kinauupuan sa loob ng sasakyan dahil sa mabagal ang usad ng jeep dulot ng traffic, nakita niya umalis sina Tom at James mula sa kinatatayuan nilang tatlo kanina.

-------------------------------------

^__^ Nagsimula na magduda ang isa sa kanila. Sino kaya ang killer! Comment na po kayo! :)

DURUGTUNGAN!!

The Serial Killer's Diary [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon