"HOOOYYY MGA HANGAL! SINONG NAGNAKAW SA BALLPEN KO!?" tumayo ako sa harapan nang nakapamewang habang nagtatakang nagsitinginan ang mga kaklase ko.
"Agang-aga pero nagiging warshock ka na naman, Khrztyl." sabi ni Malou sabay tawa ng buong Section A.
"Shut up. Pilot kasi yon! FYI mga hampas lupa, ang mahal kaya non." tumigil ako sa pagsasalita at ngumiti sa direksyon ni JL. "Pero mas mahal ko crush ko."
"Kami hampas lupa? Ikaw mukhang lupa." pang-aasar pa nila. Kakainis.
"Guys, I'm serious. Asan yung ballpen ko?"
"Serious ka ba talaga?" biglang singit ni JL. Bumilis agad ang tibok ng puso ko.
"O-oo. Seriously in love with you hehehe" at naghiyawan na silang lahat.
"Gagaling ka rin kung ano mang sakit ang nararamdaman mo ngayon Khrztyl!" sigaw ni Patrick.
"Sumusobra na kayo ha! Last question, nasaan na yung ballpen ko?! Kung sinong kumuha, mamili ka, bugbog o dignidad?!"
"I got your ballpen." sabi ni JL at agad akong napatigil, may nakakalokong ngisi sa labi niya.
"Pinapapili mo parin ba ako kung bugbog o dignidad? Eh paano kung ikaw yung piliin ko?"
Mas lumakas ang hiyawan ng aking mga kaklase. Si Elgene nga parang gorilla, tumatalon habang tumatawa. Si Margaux at Vincent parang mga miyembro ng tribal, hinahampas ba naman ang Teacher's Table.
"Ako yung pipiliin mo? Taena ka din naman. Ako nga eh di ko na kailangan mamili. Kasi ikaw lang ang first and only choice ko. Boom."
"Iba talaga pag si Khrztyl ang bumanat!!!"
"Ang corny mo Wealth, kadiri."
"Wala kaming barkadang igaaaat!"
"Teach me how to banat Katy!"
Lumapit ako kay JL at kinuha ang ballpen ko, lumapit pa ako ng lumapit and I whispered something to his ears.
"NEXT TIME, DONT STEAL MY BALLPEN OR I WILL STEAL YOUR LAST NAME AND PUT IT BESIDE MY FIRST NAME." ~~