THIRD PERSON'S POV
Nakangiting inuugong ni Jullien ang inuupuang swing habang hinihintay na dumating si Rian sa park.
"Waahh! Kinakabahan ako ng sobra pero kaya mo yan, Juls! Fighting!" Sabi nito sa sarili bago bumuntong hininga at ngumiti.
"Jullien!" Napatingin agad si Jullien sa tumawag sa kanya at kumaway.
"Rian" banggit nito sa pangalan niya at ngumiti.
"Ano na pala yung sasabihin mo?" Tanong niya.
"Lika, upo muna tayo dito" sabi ni Jullien habang tinuturo ang swing na inuupuan niya kanina. Parehas silang naupo sa swing kaya naman lumingon agad si Jullien sa binatang kasama.
"Rian.." panimula nito at bumuntong hininga.
"Matagal ko ng gustong sabihin 'to pero nahihiya at natatakot ako" malakas ang kabog ng dibdib nito at napayuko lang.
"Rian, I like you." Lakas loob na sabi nito habang nakayuko.
"I appreciate it so much, Jullien" sabi ni Rian at tumayo sa swing na inuupuan.
"But I am truly sorry" napaangat ang tingin nito at napatayo din sa swing.
"I like you too pero bilang kaibigan lang. Sorry Jullien. Isa pa, kami na ni Maine ngayon. You deserve more better guy than me" sabi nito pero napailing si Jullien at hinawakan ang magkabilang kamay nito.
"Ikaw lang yung gusto ko, Rian" sabi nito at nagsimulang magsipatakan ang mga luha niya.
"I'm sorry, Jullien. I am very very sorry"
Sa kabilang banda, hingal na hingal na dumating si Brix sa park kung saan nagkita si Rian at Jullien.
"Baka naman may chance pa, Rian. Ako na lang" nakita niyang magmakaawa si Jullien sa harap ni Rian at sobrang nagpahapdi ito ng puso niya.
"I value you as my friend. Mahalaga ka sakin pero sorry kung hanggang kaibigan lang ang tingin ko sayo" napaluhod si Jullien habang umiiyak.
Kaagad na lumapit si Brix at lumuhod kapantay ni Jullien bago muling lumingon kay Rian.
"Umalis ka na bro. Umalis ka na bago pa ako may magawang hindi maganda sayo" nakayukong sabi ni Brix at napayukom ang kamao niya.
"Sorry, Jullien" huling sabi ni Rian bago tuluyang tumakbo papaalis.
"Jullien, ayos ka lang ba?" Tanong ni Brix habang tinatapik tapik ang likod nito.
"Ayos? Sa tingin mo ba ayos lang ako?! Ang lakas ng loob mong tanungin ako malamang hindi! Tangina naman! Bakit ka ba kase andito?!" sa puntong iyon ay bumuhos ang malakas na ulan kasabay ang pag-hapdi ng puso ni Brix. Hindi niya ito inaasahang manggaling kay Jullien.
"Kasalanan mo 'tong lahat! Kung hindi ka lang sana umeksena samin ni Rian edi sana kami yung masaya ngayon! Naiirita ako sayo! Kailan mo ba ako titigilan?! Pucha naman, Brix!" Sigaw nito kasabay ang pag-tulo ng mga luha niya.
"G-gusto ko lang namang tulungan ka, Jullien. I'm sorry" napayuko na lang ito.
"Tulungan?! Oo natulungan mo ako! HAHAHAHA! Masaya ka na ba? Masaya ka na bang nasira kami ni Rian dahil sayo?!" Napalunok na lamang si Brix para pigilan ang luha nito.
"Mahal kita Jullien pero hindi naman sigurong tama na isisi mo sakin yung sinabi ni Rian sayo. Kase tangina, Jullien! Ginawa ko naman lahat para kalimutan ka pero wala eh. Mahal na mahal parin kita" hindi makapag-salita ang dalaga ngunit lumambot ang ekspresyon ng mukha nito
"Sa totoo lang napapagod na din ako. Napapagod na akong magmahal ng taong iba naman yung mahal. Hindi mo alam kung gaano kasakit yun para sa'kin, Jullien." Sabi nito at tuluyang tumulo ang mga luha nito. Sobrang sakit para sa kanya lahat ng binitawang salita ni Jullien.
"Ang hirap mo mahalin, Jullien. Pero wala eh, pasaway kase ako at eto mahal parin kita. Tangina mo naman, Brix!" Sabi niya at sarkastikong minura ang sarili niya. Hindi niya maipaliwanag ang sakit sa puso niya.
"Oo, nagkamali ako noon pero ginawa ko lahat para mapatawad mo ako. Napahiya ako, nasaktan ako, nagmakaawa na ako sayo pero wala paring nagawa yun."
"Yung nabasa mong letter sa freedom wall? Ako yung may pakana nun. Kase pota! Kahit naman i-explain ko yung side ko, hindi mo parin maiintindihan kase 'yang iniintindi mo lang ay 'yang sarili mo." Matigas na sabi ni Brix sa huling salita.
"Paano naman ako, Jullien? Paano naman akong palaging andyan lang sa tabi mo. Ni minsan ba dumating din sa point na inisip mo kung bakit ko ginagawa 'to? Alam mo kung bakit? Kase mahal kita, Jullien! Potangina, mahal na mahal kita!"
"Kahit na nasasaktan ako, hindi kita sinisi dun kase aminado akong ako ang may kasalanan kung bakit ganyan ka sakin. Ang daya naman, bakit ikaw nagkagusto ka na sa iba tapos ako ikaw parin. Tangina ang daya HAHAHAHAHA"
"Sana inisip mo rin yung sitwasyon ko bago mo isumbat sakin lahat ng mali ko. Kasi ako, kahit na nakikita kong mali na habulin kita, hindi ako nagsalita. Kase mahal kita" nanatiling umiiyak si Brix at hindi makapag-salita si Jullien.
"Sorry, sorry kung ganito ako. Sorry kung ganito LANG ako. Sorry ah? Sorry kung hindi ako kasing level ni Rian. Sorry kung hindi ako kasing talino ni Rian"
"Sorry Jullien. Sana intindihin mo din ako kase ang alam ko lang? Ang alam ko lang ay mahal kita. Mahal na mahal kita, Jullien"
"Sorry kung nakukulitan ka sakin. Sorry kung palagi kitang ginugulo. Wag kang mag-alala darating din yung panahon na magiging malaya ka. Wala na ulit mangungulit sayo" tumayo na si Brix sa kinaluluhuran nito at nanlulumong naglakad papalayo.
Para bang sinampal si Jullien ng katotohanan at halos masaktan siya sa sinabi ni Brix. She realized what she did was wrong. For the nth time, nawalan na naman siya ng taong walang ibang ginawa kundi tanggapin at mahalin siya
And that was Brix
TO BE CONTINUED...
![](https://img.wattpad.com/cover/206839638-288-k16207.jpg)
BINABASA MO ANG
❛Store❜┇C.BG x S.RJ✔️
Fanfiction[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝Pabili nga ng salamin, yung mataas yung grado. Para makita mo naman yung halaga ko❞ ➳In which Brix Choi always buy stuff to Jullien's store in order for him to make her fall in love with him again. 「ᴛxᴛᴢʏ sᴇʀɪᴇs #2」 ➤ Choi Be...